Bea Alonzo shows support, congratulates Dimples Romana on TV5 project

by Bernie V. Franco
Oct 15, 2020
Ever the supportive friend, Bea Alonzo (left) gives her blessing to Dimples Romana (right), who will team up with Bea's former leading man, Ian Veneracion, in an upcoming TV5 sitcom.
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo) / @dimplesromana on Instagram

Ipinakita ni Bea Alonzo ang suporta sa kaibigan niyang si Dimples Romana, na magkakaroon ng sitcom sa TV5.

Ibinigay rin ni Bea ang kanyang basbas kay Dimples, na makakapareha ang dating leading man ni Bea na si Ian Veneracion.

Naging patok noon ang tambalan nina Bea at Ian sa 2017 ABS-CBN primetime series na A Love to Last.

Magiging leading man naman ni Dimples si Ian sa upcoming sitcom ng TV5 na Oh My Dad.

Nitong weekend, ipinost ni Dimples sa Instagram ang larawan nila ni Ian para sa kanilang sitcom.

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nang-asar kay Dimples, at sinabing iniwan ng aktres ang dati niyang leading man na si Adrian Alandy at sumama na kay Ian.

Sina Dimples (bilang Daniela) at Adrian (bilang Carlos) ay gumanap bilang mag-asawa sa Kapamilya drama series na Kadenang Ginto noong 2019.

Pangungulit ng netizen: “Ano to? Iniwan mo na si carlos? @adrian_alandy Aawayin ka ni miss @beaalonzo nyan. daniela @dimplesromana”

Sumagot si Dimples at itinag si Bea: “hiniram ko lang muna mars @beaalaonzo”

Sagot ni Bea: @dimplesromana okay mars! ibalik mo na lang after [laughing face emoji] congratulations on your new show mars! [heart emoji]”

Sagot uli ni Dimples: “@beaalonzo will do Mars! Love youuuu”

Continue reading below ↓

DID DIMPLES SWITCH TV NETWORKS

Samantala, matiyagang sinagot ni Dimples ang mga tanong ng netizens sa kanyang Instagram post.

Usisa nila, iniwan na ba ni Dimples ang ABS-CBN at tuluyan nang lumipat sa TV5?

Si Dimples ay higit dalawang dekada nang artista sa ABS-CBN, simula nang i-launch siya bilang talent ng Star Magic, ang talent management-arm ng Kapamilya network, noong 1997.

Continue reading below ↓

Bukod kina Dimples at Ian, tampok din sa Oh My Dad ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez.

Bagamat may programa siyang gagawin sa Kapatid network, nilinaw ni Dimples na nananatili siyang bahagi ng Star Magic.

May nakatakda rin daw siyang upcoming projects sa ABS-CBN sa 2021—isang teleserye at isang online public-service show.

Narito ang response ni Dimples sa mga netizen na nagtanong:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ABS-CBN STARS ON TV5

Dahil hindi nabigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN, libu-libong empleyado, talents, at artista ng network ang nawalan ng trabaho.

Maging ang founder ng Star Magic na si Johnny “Mr. M” Manahan ay sinabi noong August na mapapanood na sa ibang TV stations ang marami sa kanilang talents para magkaroon ng trabaho.

Maging si Mr. M mismo, na naging direktor ng maraming TV shows sa ABS-CBN sa loob ng matagal na panahon, ay nasa TV5 na kung saan magdidirek siya ng bagong shows.

Ang producer ng upcoming Kapatid shows ay ang Brightlight Productions, blocktimer sa TV5. Ibig sabihin, bumili ng “blocks” na air time sa TV5 ang production company na independent sa TV5.

Nagkataon namang majority sa mga bagong programang ito ay pangungunahan ng ABS-CBN stars.

Kabilang dito sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito para sa Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live.

Continue reading below ↓

Highly identified din bilang Kapamilya ang hosts ng upcoming TV5 noontime show na Lunch Out Loud na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Bayani Agbayani, at Wacky Kiray.

Ang Brightligh Productions ay pagmamay-ari ni former Negros Occidental Representative Albee Benitez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ever the supportive friend, Bea Alonzo (left) gives her blessing to Dimples Romana (right), who will team up with Bea's former leading man, Ian Veneracion, in an upcoming TV5 sitcom.
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo) / @dimplesromana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results