Celebrity stylist Liz Uy engaged to businessman Raymond Racaza

by Rachelle Siazon
Oct 28, 2020
Liz Uy, Raymond Racaza
Liz Uy on engagement with partner Raymond Racaza: "In all lifetimes, always a yes."
PHOTO/S: @lizzzuy Instagram

Inanunsiyo ni Liz Uy na engaged na siya sa partner na si Raymond Racaza.

Si Liz ay isang celebrity stylist at dating fashion editor ng Preview magazine, habang si Raymond ay isang businessman at co-founder ng kumpanyang may kinalaman sa mobile consumer content.

Noong Martes, October 27, ipinost ni Liz sa Instagram ang solo picture niya kunsaan suot nito ang kanyang engagement ring.

"In all lifetimes, always a yes," simpleng caption ni Liz kalakip ang isang ring emoji.

Sa kanyang Instagram Story, ipinakita ni Liz ang close-up shot ng kanyang engagement ring.

Sina Liz at Raymond ay may three-year-old son na si Xavi.

ALEX'S HEARTFELT MESSAGE FOR LIZ

Low-key man ang anunsiyo ni Liz, agad na bumuhos ang masayang pagbati sa kanya ng mga artista.

Una na rito si Alex Gonzaga, na malapit na kaibigan ni Liz.

"I'm so happy for you!!! Mas alam pa pala ni mikee! Love you Ach!!!!"

Continue reading below ↓

Si Mikee Morada ay ang fiance ni Alex.

Ayon naman kay Liz, bago pa siya na-engage ay alam na ni Mikee ang tungkol dito dahil ito raw ang kausap ni Raymond tungkol sa singsing.

"LOL! call you later! Tawag ako ng tawag sayo!!!! Grabe ka inuna mo kasi iba," excited na sagot ni Liz kay Alex sa comments section.


Continue reading below ↓

Nag-post din si Alex ng madamdaming mensahe para kay Liz via Instagram Story.

Madalas daw bumibisita ang magkasintahang Alex at Mikee sa bahay nina Liz at Ramond para sa "couple dinners."

Saksi raw si Alex sa "true" at "genuine" relationship nina Liz at Raymond. Sobrang "lodi" o idol raw niya ang mga ito.


Continue reading below ↓

OTHER CELEBRITY REACTIONS

Ilan pa sa celebrities na kinilig para kay Liz ay sina Ellen Adarna, Mariel Rodriguez, at Ruffa Gutierrez.

Natuwa rin para kay Liz sina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at Bianca Gonzalez.


Continue reading below ↓

relationship history

Low-key couple sina Liz at Raymond, base na rin sa mangilan-ngilan lang na pictures nila sa Instagram feed ng celebrity stylist.

March 2018 nang unang maiulat ang tungkol sa relasyon nina Liz at Raymond.

Kasabay noon ay naging laman ng balita ang hiwalayan ni Raymond at ng asawa nitong si Dr. Geraldine Zamora Racaza.

Lumipas ang limang buwan, noong August 2018, kinumpirma ni Liz ang tungkol sa relasyon nila ni Raymond at pagkakaroon nila ng 11-month-old na anak.

Sa salaysay ni Liz sa The Philippine Star, nakasaad na "annulled" na ang kasal nina Raymond at Dra. Geraldine nang malaman ni Liz noong "February 2017" na siya ay buntis.

Sinabi rin ni Liz na "May 2016" nang una niyang makilala si Raymond at lumipas pa ang isang buwan bago sila nagsimulang magkakilanlan.

DR. GERALDINE ZAMORA RACAZA'S CAMP

Umalma ang kampo ni Dr. Geraldine sa timeline of events na lumabas sa artikulo.

Continue reading below ↓

Isang malapit na kaibigang doktor ni Geraldine ang nagkuwento sa dinanas na sakit ng damdamin ni Geraldine noong ongoing ang annulment case nito at ni Raymond.

"May 2017" daw ang first court hearing sa annulment, at noon lamang January 2018 ito inaprubahan ng judge. Tila ilang buwan din ang lumipas bago lumabas ang annulment papers ng ex-couple.

Hindi naman na nagsalita sa publiko si Dr. Geraldine.

Kinalaunan, nakahanap din ang doktora ng bagong pag-ibig.

December 2018 nang unang mag-post si Geraldine ng picture nila ng cardiologist na si Dr. Sonny Abrahan kasama ng ilang mga kaibigan.

Noon namang October 2019, nag-post si Geraldine ng kanilang couple picture ni Sonny na tinawag niyang "my cardio" na nagpapagaling ng "broken hearts."

Hindi pa isinapubliko ng couple, pero kamakailan lang ay engaged na sina Geraldine at Sonny.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liz Uy on engagement with partner Raymond Racaza: "In all lifetimes, always a yes."
PHOTO/S: @lizzzuy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results