PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo receives gift from a fan: “May cellphone na po na bago.”

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ecstatic over new mobile phone.
by Bernie V. Franco
Published Oct 29, 2020
A friend and mentor of Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo recounts the Ilongga beauty requesting a fellow contestant to take her photo because Rabiya's own phone then had low-quality camera.
PHOTO/S: Instagram

Unti-unti nang inaani ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang bunga ng kanyang pagsusumikap.

Kasama na rito ang mga premyong napanalunan niya bilang current national pageant titleholder, at may bigay rin mula sa tagahanga.

Ngayong Huwebes, October 29, sinimulan na ni Rabiya ang pagtupad sa kanyang commitments bilang Miss Universe Philippines.

Kabilang sa ginawa niya ay pictorial at pagdalo sa opening ng isang e-learning center sa Maynila.

“This is the start of something great,” komento ni Rabiya sa post ng isang pageant enthusiast tungkol sa first activity ng beauty queen ngayong Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa ring komento ang sinagot ni Rabiya.

Bati ng isang netizen, may bago nang cellphone si Rabiya. Pinaalalahanan din nito ang beauty queen na “enjoy ang pinag hirapan mo.”

Masaya itong sinagot ni Rabiya.

Aniya, “Hahaha. Natatawa ako. Pero yes may cellphone napo na bago. Thank you sa fan na nagbigay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RABIYA AND HER LOW-QUALITY CELLPHONE

Hindi kataka-taka kung nagmarka kay Rabiya na may bago na siyang cellphone.

Pagkatapos niyang manalo bilang Miss Universe Philippines 2020, nagsulputan ang social media posts ng mga kaibigan at mga kakilala ni Rabiya, para patotohanan ang humble beginnings niya bago nakamit ang tagumpay.

Isa na rito ang kaibigan at mentor niyang si Rabie Ian Pogoy, isang talent manager.

Sa Facebook post ni Rabie noong October 27, inilahad nito ang favorite story niya tungkol kay Rabiya na may kinalaman sa cellphone.

Noong panahon daw ng kumpetisyon, madalas pagsabihan si Rabiya ng grupo ni Rabie na laging mag-upload ng outfit of the day (OOTD) photos para magkaroon ng social media visibility.

Lahad ng mentor: “Among the challenges, you encountered when your phone got busted.

“Also, you had difficulty to take photos because low quality yung nakukuha from your phone.”

Nahihiya pa raw noon si Rabiya dahil pipitsugin ang phone niya kumpara sa mga kapwa kandidata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Rabie (published as is): “Sabi mo pa nga nak nahihiya ka to take photos kasi halos lahat ng ibang girls naka Iphone tapos sayo sobrang Low Quality, Most of the time you ask another girl to take photos of you using their phones"

Ipinost din ni Rabie ang screenshot ng palitan ng mensahe ng kanyang kasamahan kay Rabiya tungkol sa nasirang cellphone nito.

Mababasa rito na nagkaproblema si Rabiya sa pag-upload ng photos niya sa social media dahil bumigay ang kanyang cellphone dahil sa defective battery.

Humiram pa raw si Rabiya ng cellphone kay “Kim” para makunan siya ng magandang photo.

Si Kim ay si Kim Chi Crizaldo ng Iloilo Province, fellow candidate ni Rabiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatotohanan ni Rabiya ang kuwentong ito sa kanyang appreciation post noong Miyerkules, October 28.

Binati ni Rabiya ng maligayang kaarawan si Kim, na roommate din niya.

Sa isang parte ng caption, inilahad ng beauty queen ang pinagsamahan nilang hirap ni Kim sa kumpetisyon, kasama na ang pagkuha ng malinaw na OOTD photo para i-post.

Caption ni Rabiya: “We were both struggling how to get clear OOTD photos to post. You were also there during my happy tears and sad tears and you were actually crying with me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRIZES OF THE MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020 WINNER

Samantala, ngayong araw ay nakunan ng larawan si Rabiya na nakasakay sa isang magarang kotse, MG ZS Alpha, na isa sa kanyang napanalunang premyo.

Makikitang tuwang-tuwa si Rabiya na nakaupo sa driver’s seat at nakahawak sa manibela.

Bukod sa kotse, may cash prize ding matatanggap si Rabiya subalit hindi tinukoy ng Miss Universe Philippines Organization ang halaga nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon sa isang post, ito ang "the biggest cash prize in history of Philippine pageantry."

Ibig sabihin ay mas malaki ito sa higit isang milyong cash prize na nakuha ni Catriona Gray noong nanalo siya bilang Miss Universe Philippines noong 2018.

Ipinost din ng Miss Universe Philippines Organization na ang winner “will have her own apartment, car, driver, personal assistant, and personal stylist."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A friend and mentor of Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo recounts the Ilongga beauty requesting a fellow contestant to take her photo because Rabiya's own phone then had low-quality camera.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results