Miss Manila Alexandra Abdon unfazed by haters: “Baka nga hindi nila alam ang middle name ko."

by Bernie V. Franco
Oct 31, 2020
Miss Manila Alexandra Abdon says she has no time for critics: "So, enjoy-enjoy na lang. Bigay na lang kayo ng opinyon sa buhay, di ba?”
PHOTO/S: YouTube (Empire Philippines)

Wagi si Miss Manila Alexandra Abdon sa puso ng pageant enthusiasts kahit hindi siya ang nanalo at nakaabot man lang sa Top 16 semifinals ng Miss Universe Philippines 2020.

Viral ang aspiring beauty queen dahil sa pagpapakatotoo niya sa pageant.

Kumalat sa social media ang kanyang video mula sa preliminary question-and-answer segment, at ginawan pa ng memes.

Siya lang kasi ang kandidatang humingi ng time-out sa judges sa pagsagot sa bawat tanong na may 30-second limit.

Patok din sa netizens ang kanyang “Miss Universe etneb etneb” dialogue mula sa video ng candidates gamit ang kani-kanilang dialect.

Ang "etneb etneb" ay hango sa pinasikat na kataga ni Manila Mayor Isko Moreno bilang pagtukoy sa "bente pesos."

Naging darling of the netizens si Alexandra dahil sa pagiging patawa, kalog at kwela, na hindi karaniwan sa isang aspiring beauty queen.

Biro nga ng netizens, siya raw ang “best Miss Universe Philippines we never had.”

Continue reading below ↓

MISS MANILA TO HER BASHERS AND CRITICS

Pero hindi lahat ay natutuwa kay Alexandra, pero tanggap raw niya ito.

“Siyempre, meron. Kasi kung merong positive, lagi namang may negative, parang balance in life, e.

“Lagi kang may isang hater, pero lagi kang merong ninety-nine supporters." katwiran niya.

Kumpiyansa naman ang dalaga sa pagsasabing walang epekto sa kanya ang pamba-bash.

“Pero ako kasi, wala akong time, e. Wala akong time dito, sa mga 'yan.

"So, enjoy-enjoy na lang. Bigay na lang kayo ng opinyon sa buhay, di ba?”

Hirit pa niya, “Kasi kung tutuusin naman, hindi naman nila ako kilala, e.

“Baka nga hindi nila alam ang middle name ko, e, yung middle initial ko.

"Bakit ako maaapektuhan sa opinyon mo, e, hindi nga kita kilala?"

Nagsalita si Alexandra sa online show na It's Showtime Online U nitong Biyernes, October 30.

Malaki ang kumpiyansa ni Alexandra sa sarili. Ito nga raw ang payo niya sa kahit sinong babaeng gustong sumali sa beauty pageant.

Continue reading below ↓

“Kailangan confident ka sa sarili mo. Yung beauty mo, nagniningning kung ikaw mismo confident ka.

“Hindi mo kailangang makinig or personalin yung mga negative na naririnig mo, kasi confident ka sa sarili mo.”

HOT STORIES

DISCOVERING HER TRUE PURPOSE

Ang Miss Universe Philippines 2020 na raw ang pinakahuling pageant na sasalihan ng 26-anyos na Manileña.

Continue reading below ↓

Pero itinuro raw ng pagsali niya sa national pageant na madiskubre ang kanyang misyon sa buhay.

“Gusto kong lumaban ng isa pa bago ako matapos. So, pumasok yung Miss Universe [Philippines].

“Sobrang random lang lahat ng nangyayari and then, ayan, nasa Miss Universe na ako.

“Ngayon, kung kelan natapos yung Miss Universe, doon ko nalaman yung reason kung bakit ako sumali… it is to spread happiness, good vibes. Chill lang tayo.”

Hindi kagaya ng ibang mga kandidata, mas ine-enjoy raw ni Alexandra ang pagsali kesa magpa-pressure para manalo.

“Para ko lang siyang nilalaro. So, kung matalo man ako, okay lang sa akin.

“Parang ano naman, ine-enjoy ko lang naman siya. No pressure or whatever.

“’Tapos, siyempre, natalo din tayo sa Miss U, okay lang din naman.”

Aniya, hindi niya naramdamang siya ay talunan bunsod ng instant fame na nakuha niya sa social media.

“So, sobrang masaya ako ngayon… na hindi man ako nanalo, nalaman ko kung ano yung purpose ko through Miss Universe [Philippines], kahit wala akong crown or sash.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Manila Alexandra Abdon says she has no time for critics: "So, enjoy-enjoy na lang. Bigay na lang kayo ng opinyon sa buhay, di ba?”
PHOTO/S: YouTube (Empire Philippines)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results