PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandra Lemonon told to address her issue to MUP Organization: “who said I didn’t?”

Miss Taguig Sandra Lemonon continuously getting bashed after controversial post.
by Bernie V. Franco
Published Nov 1, 2020
Sandra Lemonon stands by claim that there have been irregularities in Miss Universe Philippines 2020: “All I have ever been standing up for is for justice, for All of us ladies & for the next set of ladies who will join."
PHOTO/S: @sandralemonon on Instagram

Wala pa ring tigil ang pag-ulan ng batikos kay Miss Taguig City Sandra Lemonon.

Ito ay kahit higit isang linggo na ang nakalilipas mula nang idaos ang grand coronation ng Miss Universe Philippines 2020.

At this writing, ang pinakahuling Instagram post ni Sandra ay noon pang October 22, isang araw bago idaos ang grand coronation ng national pageant.

Pero tuloy ang buhos ng comments sa post ni Sandra. Karamihan ay binabatikos ang dalaga dahil sa ginawa niyang ingay matapos ma-announce ang resulta ng pageant.

Isa si Sandra sa halos limampung candidates ng Miss Universe Philippines 2020. Umabot siya sa Top 16.

Nabalot ng kontrobersiya ang pageant matapos mabalita ang Instagram Stories ni Sandra na nagsasabing may ilalabas siyang pasabog.

Makahulugan ang kanyang post tungkol sa karma, at sinabi rin niyang “we deserve justice.”

May post pa siyang “real queens play fair [and] don’t cheat.”

Ang mga patutsadang ito ni Sandra ay nagpapahiwatig na tila may nangyaring dayaan sa national pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero makalipas ang mahigit isang linggo, wala pa ring inilalabas na rebelasyon si Sandra.

SANDRA REACTS TO NETIZENS

Sa comments section ng kanyang most recent Instagram post, nakaabang ang netizens at hinihimok si Sandra na ilabas na ang sinasabi niyang "truth."

Isang netizen ang nagbigay ng “friendly advice” kay Sandra.

Sabi nito, bakit hindi idulog ni Sandra sa national director ng Miss Universe Philippines (MUP) Organization ang kanyang isyu kesa sa i-post ito sa social media. Ang nangyayari raw kasi tuloy, pinuputakti ng bashing si Sandra.

Sagot ni Sandra: “who said I didn’t?”

Ibig sabihin, naidulog na ni Sandra ang concern niya sa MUP Organization.

Wala nang iba pang detalyeng ibinahagi si Sandra kung mayroon ba o walang kinahinatnan ang paglapit niya sa MUP Organization.

Ang national director ng MUP ay si Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup, na may cryptic post din na nagsasabing ang totoong beauty queen ay marunong tumanggap ng pagkatalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-reply rin si Sandra sa komentong walang tigil ang buwelta sa kanya dahil sa social media nito idinadaan ang reklamo niya.

May kumpiyansa ang reply ni Sandra. Mahihinuhang matibay ang kanyang paniniwalang tama ang ipinaglalaban niya.

Sabi niya (published as is): “i can not control how people act in social media, what ever they choose to say they will have to deal with the repercussions of it soon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“All I have ever been standing up for is for justice, for All of us ladies & for the next set of ladies who will join.

“All we want is a FAIR and good journey & I know we can achieve that.

“My goal is for us to be better in the pageant community.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isang supporter ang humimok kay Sandra na huwag bumaba sa level ng mga bashers. Hinimok pa ng supporter na lumantad na rin ang iba pang mga kandidatang may kaparehong karanasan ni Sandra.

Paniniyak ni Sandra sa kanyang supporter: “Don’t worry love, we are strong & we will voice out our truth. What we want is to have a healthy impact in the pageant community & actually use our VOICES.”

Nauna nang sinabi ni Sandra sa isang post na naghihintay raw siya ng tamang pagkakataon para sabihin ang kanyang nalalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SANDRA AND MICHELE GET BASHED CONTINUOUSLY

Bukod kay Sandra, kapansin-pansin din sa comments na marami ang galit kay Miss Quezon City Michele Gumabao, na itinanghal na second runner-up.

Dawit din sa isyu si Michele dahil nabigyan ng kulay ang hindi niya pagsipot sa press conference ng winner na si Rabiya Mateo at iba pang placers.

Para sa maraming netizens, ang inasal ni Michele ay pagpapakitang hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo.

Nagpaliwanag naman si Michele na sumipot siya ng event, pero hindi nagtagal dahil apektado siya sa pag-uusisa kung bakit hindi siya ang nanalo.

Alam din daw ng organizers na aalis siya nang maaga, pero hindi nagsalita ang MUP tungkol dito.

Samantala, marami ang nagkokomento at humihimok kay Sandra na ilabas na ang sinasabi niyang katotohanan.

Paratang ng marami, bitter lang daw ang magkaibigang Sandra at Michele dahil natalo sila.

Masasakit na salita ang ginamit ng mga bumabatikos sa dalawa. Bagamat may mga nagtatanggol, mas marami ang pumupuna kina Sandra at Michele.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilan sa mga komento laban sa dalawa:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandra Lemonon stands by claim that there have been irregularities in Miss Universe Philippines 2020: “All I have ever been standing up for is for justice, for All of us ladies & for the next set of ladies who will join."
PHOTO/S: @sandralemonon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results