Kaibigan.
Ganito ipinakilala ni KC Concepcion si apl.de.ap, a.k.a. Allan Pineda Lindo, member ng international hip-hop group na The Black Eyed Peas.
Matagal nang nali-link sina KC, 35, at apl.de.ap, 45. Lagi ring inuusisa kung ano talaga ang tunay na namamagitan sa kanila.
Pero walang tuwirang pagkumpirma o pagtanggi sina KC at apl.de.ap sa pagli-link sa kanila, hanggang nitong weekend.
Noong Sabado, October 31, tampok si apl.de.ap sa online cooking show ni KC na "Kitchen Collabs."
Puno ng papuri ang pagpapakilala ni KC sa rapper-record producer: “Today is the day I’ve been waiting for.
“Everybody who’s been asking for this, this is your treat. Because it is Halloween over here.”
Tinawag pa ni KC si apl.de.ap na “very, very sweet of him” sa pagpayag nito sa cooking collab.
Virtual ang collaboration ng dalawa: si KC ay nandito sa Pilipinas habang si apl.de.ap naman ay nasa London, England.
KC AND HER CLOSENESS TO APL.DE.AP
Ganito in-introduce ng actress/host/businesswoman si apl.de.ap:
“Today will be the day, the very, very first dessert day.
“And I want to invite over my very special guest for the day.
“He’s a great, great friend of mine, very sweet, and very, very thoughtful.
“He has supported a lot of artists from the Philippines and really introduced them outside.
“And I’m so, so grateful to know him and then all the boys from the group [Black Eyed Peas].”
First time magluto ng dessert recipe ni KC—ang Pinoy dessert na tibok-tibok.
Nabanggit ni apl.de.ap na isang buwan na siyang nasa London. Ginagawa kasi ng grupo niyang Black Eyed Peas ang second part ng Translation, ang latest studio album nila.
Sabi ng Filipino-American rapper, tumuloy sila sa isang riding camp. Iyon ang huling araw nila sa London bago lumipad pabalik ng U.S.
Habang nagluluto ang dalawa, sinasabayan ito ng pag-i-interview ni KC kay apl.de.ap. Tumagal ng higit isang oras ang episode.
Sa kanilang kuwentuhan, nabanggit ni KC na isa sa mga hindi niya malilimutang kuwento ay ang simpleng pinagmulan ni apl.de.ap.
Lahad ni KC, “I remember you telling me the story when you were living out in Pampanga.
“When you were here in the Philippines and you did grow up in a farm. And your stories with the carabaos.
“And you were saying Fergie saw the carabaos and Fergie was, like, ‘You were telling the truth all the time.'”
Ang tinutukoy na Fergie ni KC ay ang former Black Eyed Peas member na si Fergie Ferguson.
Inilahad ni apl.de.ap na hindi raw naniwala noong una ang kanyang bandmates na naging magbubukid siya noon.
Naniwala lang daw ang mga ito nang dalhin sila ni apl.de.ap sa Pilipinas at makita ang mga kalabaw sa bukid.
Si apl.de.ap ay anak ng isang Pilipina sa isang African-American airman na nadestino noon sa Clark Air Base sa Angeles City, Pampanga.
Pero sanggol pa lamang si apl.de.ap ay iniwan na sila ng kanyang ama.
Nakapunta si apl.de.ap sa U.S. noong katorse anyos siya sa pamamagitan ng isang foundation.
KC UPDATED WITH APL.DE.AP’S LIFE
Mukhang updated din si KC sa mga pinakahuling kaganapan sa buhay ni apl.de.ap., na patunay ng kanilang closeness at constant communication.
Ani KC, excited siya dahil may music collaboration si apl.de.ap sa Hollywood singer na si Jennifer Hudson at kay former U.S. First Lady Michelle Obama.
Hindi rin maitago ni KC ang excitement sa kanyang boses nang sabihing iinterbyuhin daw si apl.de.ap ni Oprah Winfrey, ang tanyag na American TV host.
Sa pagtatapos ng episode, sinabi ni KC na nakatakda siyang bumalik sa Los Angeles, California, at umaasa siyang magkita sila roon ni apl.de.ap.
Sabi ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, “I’m always in L.A., I’m gonna finish my gemology studies, and maybe, one day, I can check out your local garden.”
Nasabi kasi ni apl.de.ap na balak niyang gumawa ng garden at magtanim.
Sagot ni apl.de.ap sa sinabi ni KC na bibisitahin siya nito, “I can’t wait.”
Si KC ay may sariling jewelry line, ang Avec Moi, na inilunsad noong 2018.
KC BEING LINKED TO APL.DE.AP
Samantala, ang pagbanggit ni KC na “great, great friend” niya si apl.de.ap ay paglilinaw na hindi niya karelasyon ang rapper.
Naging palaisipan sa marami kung si apl.de.ap ba ang nagpapakilig ngayon sa actress-host.
Noong Hunyo, nabanggit ni KC sa isang online interview na may taong nagpapakilig sa kanya.
“Kung sa heart, okay naman ako. I mean, may mga kausap ako and, thank you, Lord, di ba, na kinikilig ako.”
Sinabi iyon ni KC nang ma-interview sa ABS-CBN digital talk show na I Feel U noong June 14, 2020.
Walang ibinigay na clue si KC tungkol sa taong nagpapakilig sa kanya.
“Kasi siyempre, ang hanap natin ngayon, yung medyo mas deeper. Hindi na yung for play-play.
“Sasabihin ko sa inyo pagdating ng time.”
Si apl.de.ap ang huling napaulat na nali-link kay KC.
Sa katunayan, noon lamang Setyembre ay nag-post pa si KC ng video greeting sa kanya ng Latina singing superstar na si Shakira.
Ang greeting na ito ay hiningi ni apl.de.ap kay Shakira. Nagkaroon ng collaboration ang Black Eyed Peas at si Shakira para sa kantang “Girl Like Me,” na kasama sa Translation studio album ng hip-hop group.
Taong 2011 nang magkakilala sina KC at apl.de.ap.
Noong 2013, inamin ni apl.de.ap na niligawan niya si KC.
Noong October 2019, nag-post si KC tungkol pagkikita nila ni apl.de.ap sa isang exclusive club sa Amerika.
Noong December 2019, namataan naman silang magkasama nang manood si KC ng closing ceremony ng South East Asian Games sa Capas, Tarlac, kung saan isa sa mga performers si apl.de.ap.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
