Khalil Ramos, nag-attempt sa isang world record

by Rommel R. Llanes
Published Nov 3, 2020

Sa kanyang PEP Live interview, sumalang siyempre si Khalil Ramos sa aming PEP Challenge.

Dito, dalawang challenge ang hinanda ng host na si Jimpy Anarcon para sa bagong Kapuso artist.

Inuna na nilang gawin ang challenge na "3s in 5," kunsaan may limang tanong na kailangang bigyan ni Khalil ng tatlong sagot.

Kabilang sa mga naitanong kay Khalil ay kung ano ang tatlong bagay na hindi masyadong alam ng publiko tungkol sa kanya.

Ini-reveal ni Khalil na kasalukuyan siyang nag-o-online college sa kursong business management at isa siyang avid collector ng sneakers at vintage cameras.

Dito rin ini-reveal ni Khalil na minsan niyang in-attempt—actually, silang dalawa ng kapatid niyang si Samuel—na gawin ang isang world record.

Kuwento ni Khalil, isa sa bonding time nilang magkapatid ang paghahanap ng mga world record na kaya nilang gawin.

Ang napili nila ay ang Guiness World Record para sa pinakamabilis at pinakamaraming palakpak sa loob ng isang minuto.

Sa kasalukuyan, hawak ng musician na si Eli Bishop ang Guiness World Record sa pinakamaraming palakpak sa loob ng isang minuto: 1,103 claps/minute.

Panoorin sa video sa taas kung paano in-attempt ni Khalil ang fastest clap at alamin din ang iba pang sagot niya sa mga tanong ni Jimpy sa "3's in 5" challenge ng PEP Live.

Para sa buong PEP Live interview ni Khalil, i-click ang link na ito: http://bit.ly/KhalilRamosOnPEPLive

HOT STORIES

#khalilramosonpeplive #khalilramos #worldsfastestclapper #guinessbookofworldrecords

Host: Jimpy Anarcon
Video Producer/Editor: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results