PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban slams netizen who said her mother “raised a MALDITA daughter”

It was year 2010 when Angelica Panganiban discovered that she is adopted.
by Jet Hitosis
Published Nov 3, 2020
Angelica Panganiban, Annabelle Panganiban
Actress Angelica Panganiban answers netizen who comments that her mother, Annabelle Panganiban, is "SAD she raised a MALDITA daughtER." The actress responds: "mas gusto kong siya ang nagpalaki sakin. Kesa ikaw maging kapamilya ko."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

“MALDITA daughter.”

Ganito inilarawan ng isang netizen si Angelica Panganiban nang magkomento ito sa litrato ng Kapamilya actress kasama ang inang si Annabelle Panganiban.

October 29 nang ipinost ni Angelica, 33, sa Instagram ang kanyang picture kasama ang ina.

Sa litrato, ngiting-ngiti ang aktres habang nakahilig sa ina, na tipid naman ang pagkakangiti.

Tanging “Mamalab” na may tatlong heart emojis ang caption ni Angelica sa picture nilang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming Instagram followers ni Angelica ang nagkomento ng heart emojis sa post na iyon ng aktres.

Gayunman, isang netizen ang pumuna sa hindi raw pagngiti ni Annabelle sa litrato.

Comment ng netizen, “SAD” daw si Annabelle dahil “she raised a MALDITA daughtER.”

Malinaw na si Angelica ang tinutukoy ng netizen na “MALDITA” na anak na babae ni Annabelle.

Balik ni Angelica sa netizen, mas gugustuhin niyang si Annabelle ang nagpapalaki sa kanya. Dagdag nito: “Kesa ikaw maging kapamilya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO’S “MALDITA”?

Kinuyog naman ng fans ni Angelica ang netizen.

Tinawag nilang itong mapanghusga.

Ni hindi raw nito personal na kilala si Angelica para magsabing maldita ang aktres.

Ayon sa isang fan, punumpuno ng “hate” ang netizen sa aktres.

Ang netizen nga raw ang maldita dahil sa ikinomento nito kay Angelica.

Pero agresibong pinagsasagot ng netizen ang fans ng aktres.

Giit ng netizen, ang komento niya ay “hindi po hate.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bagamat itinanggi ng netizen na maldita siya, dinamay pa rin niya si Angelica dahil, tulad daw niya, ito ay “not mabait din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng netizen, “Hindi lahat ay nakikita ng camera,” na tinukoy ang tunay raw na pag-uugali ng aktres.

Paulit-ulit ding sinabi ng netizen na nagsasabi lang siya ng “totoo.”

Hindi na muling sinagot ni Angelica ang netizen.

ADOPTED DAUGHTER

Adoptive mother ni Angelica si Annabelle.

Taong 2010 lang nakumpirma ng aktres ang matagal na niyang hinala na inampon siya ng kinagisnang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang taon ding iyon, nalaman ni Angelica—mula mismo kay Annabelle—na pumanaw na ang kanyang biological mother noong 2008, sa kinaroroonan nito sa Singapore.

Hindi kailanman nakilala ni Angelica ang tunay na ina.

Sa kuwento ni Angelica, sinabi raw ni Annabelle na sinadya siyang ipinaampon ng ina dahil wala itong kakayanang buhayin siya.

Samantala, 2010 din nang hinanap at natagpuan ng aktres ang tunay niyang ama.

Amerikano ang biological father ni Angelica, si Mark Charlson.

Retirado sa U.S. Navy ang ama ni Angelica, na nakabase sa Iowa.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban answers netizen who comments that her mother, Annabelle Panganiban, is "SAD she raised a MALDITA daughtER." The actress responds: "mas gusto kong siya ang nagpalaki sakin. Kesa ikaw maging kapamilya ko."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results