PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano’s hilarious response to netizen who just learned he is Vilma Santos’s son

The netizen is probably not a Vilmanian.
Published Nov 4, 2020
Luis Manzano, Vilma Santos-Recto
TV host Luis Manzano is Batangas Congresswoman Vilma Santos’s child with first husband, veteran actor-TV host Edu Manzano.
PHOTO/S: @luckymanzano on Instagram

Idinaan ni Luis Manzano sa pagpapakuwela ang sagot sa isang netizen na nagulat nang malamang anak siya ng multi-awarded veteran actress na si Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto.

Napakomento ang babaeng netizen sa Instagram post ni Luis nitong Martes, November 3, nang binati ng TV host si Vilma sa kaarawan nito.

Ipinagdiwang kahapon ng tinaguriang “Star for all Seasons” ang kanyang 67th birthday.

Para sa kaarawan ng actress-politician, ibinahagi ni Luis ang dalawang litrato nila habang magkasama.

Parehong kuha ang pictures ilang taon na ang nakalipas.

Sa unang litrato ay nakaupo si Luis, 39, habang nakayakap sa kanya si Vilma mula sa likuran.

Magkayakap uli ang mag-ina sa ikalawang picture, kung saan makikitang masuyong hinahalikan ni Luis si Vilma sa buhok nito.

NETIZEN’S SURPRISING DISCOVERY

Tagged ni Luis ang ina sa caption ng kanyang post: “Happy birthday Momski!! @rosavilmasantosrecto, stay safe and healthy! Love you!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inulan ng birthday greetings para sa movie icon ang comments section ng post na ito ni Luis.

Marami sa mga bumati ay kapwa celebrities ng mag-ina, kabilang ang longtime girlfriend ni Luis na si Jessy Mendiola.

Hindi nag-reply si Luis sa malalapit na kaibigang bumati kay Vilma.

Pero sinagot niya ang komento ng isang babaeng netizen.

Agaw-pansin kasi ang comment ng netizen, na sa post lang daw na iyon niya nalamang anak pala si Luis ng Star for all Seasons.

May shocked emoji pa sa dulo ng komento ng netizen: “ay sya pala ang mama mo kuya luis.”

Idinaan ni Luis sa pagpapakuwela ang reply niya sa netizen: “kapitbahay ko lang sya, nagkataon momski tawag ko sa kanya at sa kanya ako galing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OTHER NETIZENS REACT

Bentang-benta ang reply ni Luis sa kanyang Instagram followers.

Tawang-tawa sila kung paanong kinumpirma ng TV host ang kaugnayan nito sa sikat at matagumpay na actress-politician.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May ilang netizens ang hindi naiwasang magduda kung nagsasabi ng totoo ang netizen.

Mistulang hindi sila makapaniwalang ngayon lang natuklasan ng netizen na mag-ina sina Luis at Vilma.

Anila, “30+ yrs” na si Luis kaya “Matagal na silang mag-ina.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang hinala ng isa pa, “notice” lang daw yata ang habol ng netizen.

Isa naman ang nagkomentong hindi nito alam “kung matatawa o maiinis” sa sinabi ng netizen.

Posibleng hindi nga raw kilala ng netizen si Luis bilang anak ni Vilma "kung ang edad mo nasa 16yrs old pababa."

Sinilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang profile ng netizen at tinatayang nasa mid-20s ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, isang Instagram follower ni Luis ang dumepensa sa netizen.

Naniniwala itong hindi talaga alam ng netizen na mag-ina sina Luis at Vilma.

Baka raw kasi “di sya chismosa at wala syang pakialam kung sino mga nanay ng mga artista.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LUIS'S MOTHER

Si Luis ay anak ni Vilma sa kanyang unang asawa, ang actor-TV host na si Edu Manzano.

Bagamat 2002 lang pinasok ni Luis ang entertainment industry, kilala siya ng publiko simula pagkabata dahil kapwa sikat ang kanyang mga magulang, lalo na ang ina.

Dekada '60 nang magsimula sa show business si Vilma bilang child actress.

Daan-daang pelikula na ang kanyang ginawa, at napakarami nang acting awards ang natanggap nito sa nakalipas na mahigit anim na dekada ng kanyang matagumpay na showbiz career.

Bukod dito, popular din si Vilma sa larangan ng pulitika.

Bago naging kongresista, naging mayor ng Lipa City, Batangas, si Vilma simula 1998 hanggang 2007.

Nagsilbi naman siyang Batangas governor simula 2007 hanggang 2016.

Second husband ni Vilma si incumbent Senator Ralph Recto.

May isang anak na lalaki sina Vilma at Ralph, ang 24-year-old na ngayong si Ryan Christian Recto.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Luis Manzano is Batangas Congresswoman Vilma Santos’s child with first husband, veteran actor-TV host Edu Manzano.
PHOTO/S: @luckymanzano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results