Jessy Mendiola looking back apologizes for past attitude issues: “Bugnutin ako, lagi akong galit, lagi akong masungit.”

by Bernie V. Franco
Nov 6, 2020
Jessy Mendiola about being short-tempered and cranky in the past: “Nung medyo bagets-bagets pa ako masungit talaga ako, kasi hindi din talaga ako masaya sa buhay ko."
PHOTO/S: @senorita_jessy

Masungit, bugnutin, laging mainit ang ulo.

Inamin ni Jessy Mendiola na mayroon siyang mga hindi kaaya-ayang pag-uugali noon, na hindi ikinasaya ng mga taong nasa paligid niya.

Kaya naman humingi ng paumanhin ang 27 anyos na aktres sa mga taong napakitaan niya noon ng hindi magandang pag-uugali.

Nag-open up si Jessy tungkol sa kanyang nakaraang ito sa YouTube video na “Assumptions About Me,” na ipinost niya noong October 22.

Binasa ni Jessy ang mga komento ng netizens tungkol sa kanya. Isa sa assumptions daw sa kanya ng ibang tao ay masungit siya.

Sagot ni Jessy, nagiging masungit siya kapag meron siyang monthly period o kaya ay gutom.

Inamin din ng actress-TV host na nagkaroon siya ng hindi kanais-nais na ugali noong kabataan niya.

“Nung medyo bagets-bagets pa ako, masungit talaga ako, kasi hindi din talaga ako masaya sa buhay ko,” paliwanag ng aktres.

Nasulat pa nga raw sa mga tabloid noon ang tungkol sa reklamo ng mga katrabaho niya tungkol sa kanyang masamang ugali. Ito raw ang mga panahong may mabigat siyang pinagdadaanan.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Jessy, “Aminin ko talaga, masungit ako.

"Pag hindi ka happy sa life mo, pag hindi ka happy sa personal life mo, o sa nangyayari sa iyo, parang nadadala mo iyon sa trabaho.

“Nadadala mo yun kung saan ka man pumunta.

“Kasi siyempre, hindi masaya yung heart mo, hindi masaya yung isip mo. So, kaya ka nagiging masungit sa ibang tao.

“Pero in my case, hindi ko alam na masungit pala ako noon. Bugnutin ako, lagi akong galit, lagi akong masungit.”

Mensahe pa ni Jessy, “Sa mga nasungitan ko noon, I’m very, very sorry.”

LUIS IS A POSITIVE INFLUENCE

Pinasalamatan din si Jessy ang mga nakakapansin sa kanyang mabuting katangian, gaya ng pagiging humble.

Sa paglipas daw ng panahon, nagbago siya at napalitan ng maganda ang pangit na ugali.

“I hope I come off humble sa ibang mga tao. 'Tulad ng sinabi ko kanina, masungit talaga ako noon, mataray talaga ako noon.

Continue reading below ↓

“Sana sa aura ko ngayon, and sana how I treat my co-workers and other people outside of my circle, sana nga I come off as a humble person.

“I guess my experiences in life and yung lessons na mga natutunan ko, naturuan na rin akong maging humble.

“Kasi minsan napapalayo ang ating tingin, kasi nga may mga personal tayong pinagdadaanan, na nawawala na tayo sa dapat talagang maging focus ng energy natin.”

Isa raw sa positive influence sa buhay ni Jessy ay ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

“Isa rin sa nagturo sa akin maging generous at saka extra kind, kumbaga mas nag-mellow down ako... Hindi na ako yung agit [agitated].

“Yung nagturo sa akin maging kinder towards other people is si Luis. Mas lalo na yung pagiging generous.

“Si Luis, good example siya ng tao na hindi lang sarili niya ang pinagtatrabahuan niya. Para din sa ibang tao.

Continue reading below ↓

“He rarely, rarely shows yung mga pagtulong niya. May mga times na hindi niya pinapasabi ang pangalan niya.

“I think that’s very selfless of him. He helps kahit walang acknowledgement.”

Ginawa raw itong ehemplo ni Jessy na kanya na ring ginagawa ngayon.

"Nahawa ako sa ganoon na parang nakakatuwa pala yung feeling na ikaw lang yung may alam.

"Kasi kahit yung tinutulungan niya, hindi niya alam na siya yung tumutulong," sabi ni Jessy tungkol sa boyfriend.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Also, you can use these Lazada promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola about being short-tempered and cranky in the past: “Nung medyo bagets-bagets pa ako masungit talaga ako, kasi hindi din talaga ako masaya sa buhay ko."
PHOTO/S: @senorita_jessy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results