Angeline Quinto’s adoptive mother Mama Bob passes away

Nov 7, 2020
Angeline Quinto, Sylvia Quinto
Singer Angeline Quinto mourns the passing of her adoptive mother Sylvia "Mama Bob" Quinto. Mama Bob is the aunt of Angeline's biological father.
PHOTO/S: Angeline Quinto on Facebook

Pumanaw na ang adoptive mother ni Angeline Quinto na si Sylvia Quinto, na mas kilala bilang “Mama Bob.”

Kinumpirma ng 30-year-old singer ngayong Sabado ng umaga, November 7, 2020, sa kanyang Instagram account at official Facebook fan page ang malungkot na balita.

Sa latest photo na ipinost ni Angeline, nakatalikod siya sa camera at nakayuko habang yakap si Mama Bob, na nakahiga sa hospital bed.

Si Mama Bob ang itinuturing ni Angeline na tunay na ina. Siya rin ang nagpalaki sa singer.

Saad ni Angeline sa caption ng kanyang post (published as is): “Mag iingat ka sa pag lalakbay Mama.

“Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo.

“Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo.

“Hanggang sa muli nating pagkikita

“MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB [broken heart emoji].”

Continue reading below ↓

MAMA BOB HAD BEEN HOSPITALIZED FOR WEEKS

Sa Instagram, dumagsa ang mensahe ng pakikiramay kay Angeline mula sa kapwa celebrities at sa kanyang mga fans.

Nagpaabot ng pakikiramay sina Charo Santos, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Richard Yap, John Prats, K Brosas, Sue Ramirez, at KC Concepcion.

Continue reading below ↓

Nakiramay rin sina Gary Valenciano, Aiko Melendez, Pops Fernandez, Kim Chiu, at maraming iba pa.

September 13 nang ibalita ni Angeline sa Instagram ang pagkaka-ospital ni Mama Bob.

Bagamat hindi nagdetalye ang singer tungkol sa karamdaman ng kanyang ina, humingi siya ng dasal para sa paggaling nito.

Continue reading below ↓

Angeline's Instagram post dated September 13

Kalaunan, lumutang ang reports na sumailalim sa operasyon si Mama Bob.

Pagkatapos ay inilipat ito sa intensive care unit (ICU) ng hindi tinukoy na ospital.

Sa buong panahong nasa ICU si Mama Bob, walang patid ang paghingi ni Angeline ng panalangin para sa ina.

Madalas din ang pag-post ng singer ng lumang pictures nila ni Mama Bob kasabay ng pagpapahayag kung gaano na niya ito nami-miss.

Continue reading below ↓

Sa lahat ng social media posts ni Angeline para kay Mama Bob, paulit-ulit niyang inaasam ang paggaling nito.

THE ADOPTED DAUGHTER

Marami ang nakakaalam sa kuwentong buhay nina Angeline at Mama Bob, na totoong magkadugo.

Si Mama Bob ay tiyahin ng biological father ni Angeline. Nangangahulugang mag-lola sila.

Base sa mga nailathalang reports sa nakalipas na mga taon, mismong ang mga magulang ni Angeline—na noon ay nakatakda nang maghiwalay—ang nagpaampon sa kanya kay Mama Bob.

Continue reading below ↓

Bata pa lang ay alam na ni Angeline ang tunay na ugnayan nila ni Mama Bob.

Napanatili ni Angeline ang komunikasyon sa kanyang ama, samantalang 23 years old na siya nang nakilala ang kanyang biological mother.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Angeline Quinto mourns the passing of her adoptive mother Sylvia "Mama Bob" Quinto. Mama Bob is the aunt of Angeline's biological father.
PHOTO/S: Angeline Quinto on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results