Sinimplehan ng banat ni Heart Evangelista ang isang hater na hina-high blood daw tuwing nagpu-post ang aktres.
Tweet ng netizen (published as is): "sa tuwing nagpopost si heart evangelista nahahighblood ako di ko alam kung bakit"
Hindi nagpaliwanag ang netizen kung ano ang pinanggagalingan niya.
Pero sagot dito ni Heart: “Garlic is good to take [garlic, red check emojis]”
Ginagamit ang bawang bilang herbal treatment sa high blood pressure.

Nangyari ang palitan ng tweets ni Heart at ng netizen ngayong Martes, November 10, 2020.
Maraming followers ni Heart ang napa-tweet sa pagpatol ng 35-anyos na aktres sa kanyang hater.
Ayon kay Heart, pati siya ay natawa rin. Sinundan niya ito ng isa pang tweet na may parunggit tungkol sa mga aswang: “But garlic is not good for the aswang so make sure to check blood type muna [red check emoji]”
Natatawang komento ng isang netizen sa actress-host: “kaloka ghorl [laughing emoji]”
Sabi naman ni Heart, hindi niya naiwasang hindi magkomento: “Haha sorry wide opening”
At saka nagpaalam si Heart para raw magtrabaho.


CHANEL FRIES
Sa pagsilip sa account ng basher, mahihinuhang malalim ang galit nito kay Heart. Pinupuntirya ng basher ang pagiging “rich” ni Heart.
May pangungutya rin ito sa isang lumang Instagram Story ng aktres.
Ang mensahe ng ipinost na quote ni Heart: hindi mo dapat kainggitan ang tagumpay ng iba dahil hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan nila bago magtagumpay.
Caption ni Heart dito: “This is true … people only see the finished product not the process.”
May sarcasm ang tweet ng netizen sa IG Story ni Heart: “’rich people have problems too [crying emoji]’”
Sabi pa nito, nababahala ba ang “rich people” gaya ni Heart na mawala ang kanilang stocks, Louis Vuitton na tsinelas, at Hermes na dog tag?
Sumagot din ito sa reply ni Heart na mag-take ng bawang kung hina-high blood pressure.
Sabi ng basher (published as is): “ah kala ko chanel fries na gawa sa nakuhang patatas sa plantasyon ng asawa mong panginoong may lupa.”
Ang asawa ni Heart ay si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

HEART ON HATERS: “THEY DON’T LIKE ME.”
Ilang linggo na ang nakalilipas, nag-trending si Heart dahil sa kanyang French fries na ang hugis ay logo ng Chanel, isang high fashion clothing and accessory brand.
Biro nga ng netizens, ramdam nila ang pagiging “hampaslupa” nila dahil pati ang French fries ni Heart ay pangmayaman.
Pero sa isang online interview noong October 24, ibinahagi ni Heart na ang Chanel fries ay hinulma lamang ng kanyang kasambahay gamit ang round mixer.
Pati raw sa pancake at pizza dough ay ginawa nila ito. May isa rin daw silang kaibigang may Chanel mold at ibinigay ito kay Heart.
Sabi ni Heart, na aminadong kikay, pinapagana lang niya ang kanyang pagiging “creative.”
“Actually, I love creating. I love creating fun stuff.”
Pati raw ang kanyang D.I.Y. (do-it-yourself) face masks na ginawa ni Heart noon ay inisyuhan din.
Pagbubunyag ni Heart, itinahi lang niya sa face masks ang mga ribbon lace ng Chanel at Hermes dahil nanghinayang siyang itapon ang mga ito.
Saad niya, “So, sabi ko itahi ko kaya ito sa mask para pang-eme lang or something.
“It’s just trying to put something you create on something so simple.
“That’s just how I cope with my daily life.”

(Left: Heart's D.I.Y. face masks, which she decorated with Hermes ribbons and D.I.Y. French fries)
May teorya rin si Heart kung bakit may taong patuloy siyang binabatikos.
“Actually, I know what it is. They don’t like me to begin with.
"I mean if you don’t like someone to begin with... They just don’t like me.”
Natanggap na raw ni Heart na hindi lahat ay matutuwa sa kanya.
“I grew up thinking I can make an effort for people to like me.
“Like I always try, try, try… but then when you get older you realize so many things, that you cannot please everyone.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
