Geoff Eigenmann-Ynna Asistio drama series leads Net 25 new lineup of shows

Bagong lineup of shows ng Net 25, palaban sa mga bagong programa ng ibang TV networks.
by Glenn Regondola
Nov 11, 2020
Gabby Eigenmann and Ynna Asistio lead the cast of Net 25's first-ever romantic drama series Ang Daigdig Ko'y Ikaw.
PHOTO/S: Glenn Regondola

Pormal na inilunsad ng Net 25, ang kauna-unahang digital station ng Pilipinas sa ilalim ng Eagle Broacasting Corporation (EBC), ang kanilang mga bagong show.

Ang grand press launch ay ginanap sa Iglesia Ni Cristo Museum sa Quezon City nitong Martes ng gabi, November 10.

Kabilang sa ini-launch ay ang first-ever romantic drama series ng Net 25, ang Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Pangungunahan ito nina Ynna Asistio at Geoff Eigennman, kasama ang veteran actress na si Elizabeth Oropesa in a special role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ynna, “Isang malaking challenge po ito sa aking buhay, lalo na’t sa ilang taon ko na sa showbiz ay ngayon lang ako nabigyan ng isang lead role.

“Ginawa ko naman po ang lahat, lalo na’t hindi pa kami gaanong magkakilala ni Geoff, pero naging okey naman kami.”

Para naman sa leading man niyang si Geoff, isang malaking hamon daw para sa kanya ang proseso ng “new normal” dahil ibang-iba ito sa previous experiences niya, lalo na’t may tatlo na siyang anak na dapat pangalagaan.

Bukod sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw, ipinakilala ng mga host na sina Bb. Pilipinas International 2019 Emma Tiglao, at Miss Global 2016 first runner-up CJ Hirro ang iba’t iba pang entertaintment shows, livelihood, at news program ng Net 25.

Kabilang sa entertainment shows ay ang Happy Time, ang noontime variety show hosted by Anjo Yllana, Janno and Kitkat; ang Kesayasaya!, isang musical sitcom na pinangunguhan nina Vina Morales, Robin Padilla, at ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales; ang Tagisan Ng Galing 2 na ang mga hurado naman ay sina Imelda Papin, Vina Morales, Marco Sison, at ang dagdag na si Marcelino Pomoy; at ang Himig Ng Lahi (Season 3) hosted by Pilita Corrales and veteran singer Darius Razon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tagisan ng Galing

Sa news department naman, ipinakilala ang mga program na primetime news na Mata Ng Agila with news anchors Vic Lima at Emma Tiglao; Eagle News International na hosted by CJ Hirro; at ang morning primetime news na Pambansang Almusal ni Apple David.

Kasama rin sa lineup ang morning magazine show na Relax Ka Lang, at ang docudrama na PARAK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyan namang ongoing ang shooting ng JukeBox King (The Life Story of Victor Wood), na pinagbibidahan ng dating TV5 actor na si Martin Escudero, under EBC Films, ang film arm ng Eagle Broadcasting Corporation.

Ayon sa obserbasyon ng mga nakasaksi ay very competitive ang lineup ng shows ng Net 25 sa mga bagong shows na inilunsad ng TV5 at GMA-7.

Isang nakapanindig-balahibo rin ang ibinigay na production number ng OPM singers na sina Imelda Papin, Marco Sison, Vina Morales, at Marcelino Pomoy bilang bahagi ng entertainment galore sa press launch.

Lahat ng dumalo sa nasabing grand event ay dumaan muna sa health safety protocol na swab test o COVID 19 igg/igm Rapid test.

MORE GUIDE ARTICLES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Eigenmann and Ynna Asistio lead the cast of Net 25's first-ever romantic drama series Ang Daigdig Ko'y Ikaw.
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results