Netizen cries for help as heavy flood ravaged part of Camarines Sur

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2020
A netizen from Camarines Sur posted this message earlier today, November 11: "PLEASEE HELP US NATRAP NA PO KAMI NEED RESCUE NA PO."
PHOTO/S: Courtesy: Hannah Ashley on Facebook

Viral sa Facebook ngayong Miyerkules, November 11, ang post ng isang netizen tungkol sa lugar nila sa Camarines Sur na dinaluyong ng baha dala ng malakas na pag-ulan.

Kaninang alas-tres ng hapon, nasa Camarines Norte ang mata ng Bagyong Ulysses kaya apektado ang mga karatig-lalawigan nito, kasama na ang Camarines Sur.

Bukod sa hangin, may dalang malakas na ulan ang tropical storm.

Mensahe ng isang Hannah Ashley bandang alas-kuwatro ng hapon: “PLEASEE HELP US NATRAP NA PO KAMI (crying emojis) NEED RESCUE NA PO (praying hands emojis). @Zone 3 river side boclod san jose cam.sur”

Continue reading below ↓

Sinamahan niya ito ng tatlong larawan kung saan kitang-kitang napapalibutan na ng baha ang kanilang lugar.

Bumuhos naman ang dasal mula sa netizens ang post na ito ni Hannah.

Makalipas ang ilang sandali, muling nag-post si Hannah.

Aniya, “Lowbat na po cp ko..tulungan niyo po kami (praying hands, crying emojis) @Boclod San Jose Cam.Sur .Zone 3 River side”

Continue reading below ↓

Makikita sa kanyang post ang isang aso at isang batang babae na tila may hawak na plastic.

Ayon sa ilan, posibleng modules ito para sa online schooling at binalot ng plastic upang hindi mabasa.

Komento ng maraming netizens, sana raw ay huwag nilang kalimutang dalhin ang aso sa kanilang paglikas.

Continue reading below ↓

Nasa 38,000 likes, 3,600 comments, at 77,000 shares na ang post na ito sa loob lamang ng apat na oras.

Continue reading below ↓

Pag-a-update ng isa pang netizen, nailigtas na sina Hannah pati na ang aso.

Nakalagay sa kanyang post: "Update: as per isang comment sa original post, nai-save na daw sila pati yung dog. Salamat Lord! Ingat po tayong lahat"

TYPHOON ULYSSES UPDATE FROM PAG-ASA

As of 5 P.M. ngayong hapon, patuloy pa rin ang paghagupit ng Bagyong Ulysses sa Quezon-Aurora area.

Continue reading below ↓

Bukod sa malakas na hangin, may dala pa ring malakas na ulan ang bagyo lalo na sa mga lugar sa Camarines Sur at Camarines Norte.

Ayon sa weather update ng PAG-ASA: “Heavy rainfall: Between tonight and tomorrow early morning, heavy to intense with at times torrential rains over Camarines Norte, Camarines Sur, Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Bulacan, Pampanga, and Bataan. Moderate to heavy with at times intense rains over Cordillera Administrative Region, mainland Cagayan Valley, Catanduanes, Marinduque, the northern portion of Mindoro Provinces, and the rest of Central Luzon."

Signal number 1 sa mga lugar na ito: Southern portion of Quirino (Maddela, Nagtipunan), the southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur), Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, the northern and central portions of Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Agdangan, Gumaca, Plaridel, Pitogo, Macalelon, Lopez, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez) including Polillo Islands, Batangas, Catanduanes, Camarines Norte, the northern portion of Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan).

Continue reading below ↓

Signal number 2 sa ilang bahagi ng Quirino, the rest of Nueva Vizcaya, the southern portion of Benguet (Bokod, Itogon, Tublay, La Trinidad, Sablan, Baguio City, Tuba), the southern portion of La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Aringay, Tubao, Pugo, Santo Tomas, Rosario, Agoo), the rest of Quezon, Marinduque, the northern portion of Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island, the northern portion of Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera), the rest of Camarines Sur, Albay, Sorsogon, and Burias and Ticao Islands.

Signal Number 1 sa Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the rest of Benguet, Abra, Ilocos Sur, the rest of La Union, the rest of Occidental Mindoro, the rest of Oriental Mindoro, Romblon, and the rest of Masbate Northern Samar, the northern portion of Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao), and the northern portion of Eastern Samar.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen from Camarines Sur posted this message earlier today, November 11: "PLEASEE HELP US NATRAP NA PO KAMI NEED RESCUE NA PO."
PHOTO/S: Courtesy: Hannah Ashley on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results