PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ynna Asistio shows home devastated by Typhoon Ulysses: "Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari."

Ynna Asistio: "Madami man nawalang gamit...pero thank you Lord at ligtas kami."
by Rachelle Siazon
Published Nov 13, 2020
Ynna Asistio says she is "dumbfounded" over Typhoon Ulysses ravaging their home in Antipolo: "13 hours of non stop worry, takot, stress. Madami man nawalang gamit, masakit, nakakalungkot pero thank you Lord at ligtas kami."
PHOTO/S: Nadia Montenegro Instagram

Binalot ng takot at pangamba ang pamilya ni Ynna Asistio nang biglang rumagasa ang tubig-baha sa kanilang bahay sa Antipolo, Rizal, noong umaga ng Huwebes, November 12.

Malapit ang kanilang lugar sa boundary ng Marcos Highway, Marikina.

Kasagsagan ng pananalasa ni Typhoon Ulysses nang biglang bumigay ang pader sa creek sa tabi ng kanilang bahay kaya lalo itong pinasok ng baha.

Bandang alas-dos ng tanghali ay makikitang inanod ang isang SUV at mga kotse sa labas ng bahay nina Ynna.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinost ni Ynna ang paghingi ng sakololo ng kanyang ina na si Nadia Montenegro.

"GUYS WE NEED HELP NA! WATER FOOD FLASHLIGHTS!!! Help! No way in and out!" saad sa post ni Nadia.

Kung nagtuluy-tuloy kasi ang malakas na pag-ulan, nangangamba sina Ynna at Nadia na baka tuluyang lumubog ang kanilang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RESCUE OPERATION

Laking pasasalamat ni Ynna nang dumating ang rescue team mula sa Sampaloc, Manila, na may dalang yacht para mailikas sila mula sa lugar.

Bandang hapon ay dumating ang isang kaanak nila para tingnan ang kanilang lagay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gabi ng Huwebes nang ip-ost ni Ynna ang pagsakay ng mommy niya na si Nadia sa rescue yacht.

Pahayag ni Ynna: "Salamat po sa buong rescue team na sumugod para sunduin ang buong pamilya ko at neighbors namin sa Town and Country [praying emoji]

"Everything happened so fast but now safe na po kami lahat.

"Praying for everyone na nasalanta ng bagyong Ulysses."

Sinabi rin ni Ynna na marami sa kanilang ari-arian ang nasimot ng bagyo.

Pero pinili niyang bigyang-halaga ang mabilis na pagtugon ng mga malapit na kaanak at kaibigan ng pamilya, na pinunan ang kanilang immediate needs.

"13 hours of non stop worry, takot, stress.

Post ni Ynna: "Madami man nawalang gamit, masakit, nakakalungkot pero thank you Lord at ligtas kami.

"Thank you so much @andrewlopez, to Santiago Family, Ate @asistiodarling sa pagsugod para bigyan kami ng food and sa lahat ng nagmessage saamin.

"Lalo na to my ADKI family, Montenegro Family at sa mga kaibigan sa non stop na pagcheck saamin [praying and crying emojis] salamat salamat po!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Makakapagpahinga na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DIFFERENT SHELTERS

Ni-repost din ni Ynna ang mensahe ng nakababatang kapatid na si Yssa.

Ayon kay Yssa, hiwa-hiwalay silang magkakapatid ng tinuluyang bahay.

Marami rin kasi sila sa kanilang household.

Sabi ni Yssa: "Ang haba nitong araw na to hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari but at the end of the day napakabuti pa rin ng Diyos.

"Ligtas kaming lahat! Nakalabas na po kami ng bahay buong family.

"Medyo hiwa-hiwalay lang kami tonight. Kasi di kaya/kasiya sa isang bahay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita naman ni Ynna na sa kaibigan siya nagpalipas ng gabi.

BACK HOME IN MARIKINA

Ngayong Biyernes, November 13, humupa na ang baha sa village sa Marikina kung saan nakatira ang pamilya ni Ynna.

Nakabalik din sila Ynna at Nadia doon upang i-check ang lagay ng kanilang bahay.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ito ang update mula kay Ynna: "Went to visit half of the family who chose to stay and now puro linis nalng ang kelngan gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"God is Good!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Also, you can use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynna Asistio says she is "dumbfounded" over Typhoon Ulysses ravaging their home in Antipolo: "13 hours of non stop worry, takot, stress. Madami man nawalang gamit, masakit, nakakalungkot pero thank you Lord at ligtas kami."
PHOTO/S: Nadia Montenegro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results