Photos of Jericho Rosales, wife Kim Jones using surfboards to rescue typhoon victims posted online

by Bernie V. Franco
Nov 16, 2020
Celebrity couple Jericho Rosales and Kim Jones wade through the flood water while trying to rescue typhoon victims inside their village in Marikina City on November 12.
PHOTO/S: Photo from Facebook (Sheena Marie Maravilla Elijan) / @magicliwanag

Nakunan ng videos at photos ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones nang sinuong nila ang baha gamit ang surfboards upang saklolohan ang sinumang nangangailangan ng tulong.

Kuha ang mga video at larawan kinaumagahan matapos humagupit ang #TyphoonUlysses noong November 11, Miyerkules.

Sa kanilang village sa Marikina City naglibot sina Jericho at Kim.

Kabilang ang Marikina City sa mga lugar sa Metro Manila na nalubog sa baha dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Ipinost ng netizen na si Sheena Marie Elijan ang mga kuhang videos at larawan nina Jericho at Kim sa kanyang Facebook page noong November 12.

Pagbibiro pa ni Sheena sa caption, nawala ang kaba niya sa kabila ng baha nang makita ang mag-asawang celebrity.

Nagpasalamat ang netizen sa pagiging "concerned neighbor" ng aktor.

Caption ni Sheena (published as is): “Yung kabado kna kasi tumataas na lalo ang tubig sa marikina tapos biglang dumating c Jericho Rosales at Kim Jones(wife) [heart eyes emoji] nawala ang kaba ko girl [laughing with tears emojis]napalitan ng kilig [heart eyes emojis]

Continue reading below ↓

“Thank you po Sa pagiging concern neighbor mo Echo [heart and smiling face emojis] #EchoToTheRescue [heart emoji]”

Sa unang video na kuha ng netizen, mapapanood sina Jericho at Kim na nilalangoy ang baha sa gitna ng kalsada, gamit ang kanilang surfboards.

Makikitang bumaling sa kanyang kaliwa si Echo at nag-thumbs up na tila may kausap, bilang muwestra ng pagtatanong kung okey ba siya o sila.

Ilang saglit, bumaba si Echo sa kanyang surfboard at naglakad sa lampas-tuhod na baha, habang patuloy sa paggamit ng surfboard si Kim.

Pagkatapos ay makikita si Kim na bumaling sa kanyang kanan at maririnig na may tinanong na, “Need help?!”

Continue reading below ↓

(Jericho Rosales and wife Kim Jones wading through the floods asking people if they need help. Left photo shows Echo doing thumbs-up sign, as if asking someone if they are okay. Right photo shows Kim turning to her right, asking someone if they need help.)

Sa pangalawang video, makikita ang mag-asawa na may mga kasabay na naglalakad sa baha at nakikipag-usap.

Sa isa pang larawan, makikitang nakikipag-usap sina Echo at Kim sa rescuers. Sa iba pang mga kuha ay ay hawak ng mag-asawa ang kanilang surfboards.

Continue reading below ↓

(More photos of Echo and Kim who initiated rescue efforts in a village in Marikina City after the aftermath of Typhoon Ulysses.)

Sa comments section, nabanggit ng netizen na nakatira rin sa loob ng village sina Echo, pero mas mataas ang kanilang lugar.

Noong Huwebes rin ay na-interview ng ABS-CBN News si Echo, at sinabi nitong lumabas sila para subukang saklolohan ang mga binaha sa kanilang village.

ECHO, KIM RAISE RELIEF FUNDS FOR TYPHOON VICTIMS

Pero hindi rito nagtapos ang pagtulong nina Jericho at Kim.

Kung titingnan ang kanilang Instagram accounts, naging aktibo ang mag-asawa para mangalap ng pondo para sa typhoon victims.

Naging abala si Kim sa pagpu-post ng mga impormasyon kung paano makakapag-abot ng tulong ang concerned citizens, in cash man o in kind.

Nag-provide siya ng link para sa fundraising website at online money transfer.

Ipinost ni Kim na umabot na ng PHP1,948,605.05 ang sinimulan nilang fundraising ni Echo.

Continue reading below ↓

Pasasalamat ni Kim, “Yeah, you did that.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couple Jericho Rosales and Kim Jones wade through the flood water while trying to rescue typhoon victims inside their village in Marikina City on November 12.
PHOTO/S: Photo from Facebook (Sheena Marie Maravilla Elijan) / @magicliwanag
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results