Vice Ganda to critics of his fundraising drive: "Hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate."

by Bernie V. Franco
Nov 17, 2020
Vice Ganda takes a swipe of critics questioning his fundraising drive: “Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na, ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?’"
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)

Ipinagtanggol ni Vice Ganda ang sarili matapos masamain ng ibang netizens ang inilunsad niyang fundraising drive para sa typhoon victims.

Pag-akusa ng kanyang mga kritiko, bakit kailangan pa nitong lumikom ng donasyon mula sa ibang mga tao gayong siya ang nakakaluwag-luwag sa buhay para tumulong.

Noong Lunes, November 16, inanunsiyo ni Vice sa It’s Showtime na sinimulan niya ang FUNDkabogable Donation Drive para sa mga nais mag-donate sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.

Ginawa rin ni Vice ang announcement sa kanyang social media accounts.

Bagamat maraming netizens ang positibo ang response, mayroon ding ilang sumita kay Vice.

Tanong ng isa: “Why are you asking for help when you can very well donate on your own. What with your massive display of [y]our wealth supposedly? I can’t believe you!”

Hirit ng isa pa: “AFTER MO MAG BAKASYON HIHINGI KA NG DONASYON?”

Ang tinutukoy na "bakasyon" ng netizen ay ang pagpunta ni Vice, kasama ang boyfriend niyang si Ion Perez at iba pang mga kaibigan, sa Balesin, kung saan inabutan sila ng malakas na bagyo.

Continue reading below ↓

Komento ng isang netizen, sila-silang mga artista na lang daw ang mag-donate dahil wala nang mado-donate ang taong-bayan.

Mensahe pa nito kay Vice, “Or better benta mo yong mga sasakyan mo or yong milyon milyon mong banyo ang halaga.”

Binanggit ng netizen ang ginawa ni Willie Revillame, na ibinenta ang milyun-milyong halagang luxury car para makapag-donate sa typhoon victims sa Marikina City.

Sumbat ng isa pa: “Magdonate din po kau galing s yaman nyu di puro fundraising galing sa bulsa ng ibang tao tpos kanino mapupunta ang credit aberrr lamm naa.”

Narito ang mga komentong pumuna kay Vice:

Continue reading below ↓

VICE to critics: "PARANG MGA BALIW"

Sa live episode ng It's Showtime ngayong Martes, November 17, sinagot ni Vice ang mga paratang na ito sa kanya.

Paglilinaw ng komedyante, hindi siya nagsagawa ng fundraising drive para hindi na niya kailangang maglabas ng pera at mag-donate sa mga nasalanta ng bagyo.

Saad niya, “Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na, ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?’

“Parang mga baliw. Hindi po para sa akin ang donasyon na ito, at hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate.

“Makakaasa po kayo na may personal po akong donasyon na ibinibigay.”

Sinimulan daw niya ang fundraising drive na ito para sa convenience ng mga gustong tumulong.

“Ginagawa ko po ito para sa madlang people, sa mga kaibigan, sa mga Little Ponies [fans ni Vice], na gustong mag-ambag at gustong pagsama-samahin yung kanilang mga donasyon.

“Ako na po ang nagkokolekta noon, ‘tapos ako ang mamimili, at ako na rin po ang magpapadala. Para nasa bahay na lang kayo.”

Continue reading below ↓

Paniniyak pa ni Vice, mamayang gabi ay ipo-post niya ang transparency report para maipakita kung saan napunta ang nalikom na donasyon.

Kaninang tanghali rin ay ipinakita ni Vice na lampas P700,000 na ang nalikom na pondo sa kanyang donation drive.

VICE: BEWARE OF SCAMMERS

Kahapon, nanawagan si Vice sa mga nais mag-donate na huwag isipin kung maliit lamang ang maibibigay na donasyon.

“Pag pinagsama-sama po natin 'yan, malaking-malaki 'yan at maraming-marami masasaklolohan.

“Kaya huwag niyo pong i-underestimate ang mga sentimo o magkano lang po yung pinapadala ninyo, malaking tulong po 'yan.”

Nagpaalala rin si Vice na piliing mabuti ang mga organisasyon at grupo kung kanino ipadadala ang tulong.

Hindi raw kasi maiwasang may mga taong nais manamantala sa mga pagkakataong ito, kaya hinimok niyang magpadala sa kanyang donation drive o kaya sa ABS-CBN Sagip Kapamilya.

Pahayag ni Vice, “Alam ko pong maraming gustong tumulong, pero hindi alam ang gagawin, magpadala po kayo sa Sagip Kapamilya at FUNDkabogable para iwas-scam, okay?

Continue reading below ↓

“Hindi natin mawawaglit na sa mga pagkakataong ito ay may iskamero at iskamero pa rin.

“Kaya, please, mag-ingat po kayo para hindi masayang ang kagandahan ng loob niyo."

Ibinahagi rin ni Vice kung saan gagamitin ang pondong malilikom.

“Ipambibili po natin iyan ng face masks para patuloy pa rin nilang maprotektahan ang mga sarili nila sa COVID.

“Blankets, towels, underwear, mats, unan, banig.

“Kasi po napag-alam namin na ang mga local government units at national government, mostly po naka-focus sila sa pagkain.

“So, kailangan po nating tulungan yung mga activations na makapagbigay ng personal na pangangailangan na mga underwear…

"Kasi marami po ang nawalan ng gamit."

Paniniyak pa ni Vice, “At pramis hindi po masasayang ang mga pinapadala niyo sa FUNDkabogable."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda takes a swipe of critics questioning his fundraising drive: “Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na, ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?’"
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results