Napaulat na hiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, November 17.
Ngunit hanggang ngayon, hinihintay pa rin ang pahayag ng dalawang Kapuso stars tungkol sa balitang tapos na ang kanilang relasyon.
Ikinagulat ng marami ang balitang ito dahil sa mga pinakahuling interviews ng magkasintahan, walang indikasyong may problema sa kanila.
Very vocal pa nga sila sa pagsasabing sila na ang magkakatuluyan. Masugid din sila sa pagsagot kapag tinatanong tungkol sa kasal.
Sa katunayan, ilang beses nang na-feature sa vlogs ang ipinatayong bahay ni Derek sa Alabang para sa kanila ni Andrea.
At dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas, tampok ang magkasintahan sa vlog ni Dra. Vicki Belo na in-unpload sa YouTube noong November 5.
Hindi tinukoy kung kailan kinunan ang vlog.

Dra. Vicki Belo (center) featured Andrea Torres (far left) and Derek Ramsay in her vlog two weeks ago. News about Derek and Andrea's breakup was reported this Tuesday, November 17.
DEREK ASKED WHEN HE WILL MARRY ANDREA
Sa vlog, ipinakita ang pagbisita ni Dra. Vicki at anak niyang si Scarlet Snow Belo sa bagong bahay ni Derek.
Sa isang punto ng interview, tinanong ng cosmetic doctor si Derek kung ito ang kanyang “dream house.”
Sagot ni Derek, “I want to start my family here.”
“Who’s going to live with you?” follow-up question ni Dra. Vicki.
Ayon kay Derek, gusto niyang tumira sa kanyang bahay ang mga magulang niya—ang inang si Remodios Ramsay, isang Pilipina, at ang amang si Derek Arthur Ramsay Sr., isang Briton.
Dugtong ng aktor, “The reason why I built this house is because of them. So, it’s my turn to take care of them because they took care of me.”
Nang ipakita ni Derek ang mga alaga niyang aso kay Dra. Vicki, inusisa ng doktor si Derek kung mahilig din si Andrea sa aso.
Ayon sa aktor, mahilig sa aso si Andrea. Pero namatayan daw ng alagang aso ang aktres the week before.
Kasunod nito ay tinanong ni Dra. Vicki si Derek kung magpapakasal na ba sila ni Andrea ngayong taon o sa susunod na taon.
“Let this year end,” maiksing sagot ni Derek.
Inilihis ng aktor ang usapan sa kanyang buhay pag-ibig at ibinaling ito sa kanyang career.
Dugtong niya, “Although the end of my year is really, really good.”
Ang tiniyak ni Derek ay may good news sa pagpasok ng 2021.
“I can’t announce yet. I got some really cool news from my manager Jojie, or my second mother, Jojie,” pagtukoy ni Derek sa kanyang talent manager na si Jojie Dingcong.
“He gave me some great news. So, start the year 2021 na positive na.”
Sa sumunod na bahagi ng video ay ang pagpapakita ni Derek ng kanyang car collection kay Dra. Vicki.
Dito ay sinamahan na sila ni Andrea.
Hirit ni Dra. Vicki, “Because if there’s anything about Derek that he loves so much after Andrea, is cars.”
Nangiti lamang si Andrea.
Nabanggit ni Andrea na ang isa pang pinagkakaabalahan ni Derek ay golf, at tinuturuan siya ng aktor.
Inusisa ni Dra. Vicki si Andrea kung natuto na ba siyang mag-golf.
Bumaling si Andrea kay Derek, “Am I doing well. What can you say?”
Pinuri ni Derek si Andrea.
“The last time we played was two days ago, and she played really well. Gusto niyang maging Tiger Woods overnight,” paghahambing ni Derek sa international golf champion.
THE BREAKUP
Sa report ng PEP.ph noong Martes, isang close friend ni Andrea ang nagkumpirmang hiwalay na ang dalawa.
Isang indikasyon din ang pagbura ni Andrea sa mga larawan nila ni Derek sa Instagram account ng aktres.
Hindi na rin naka-follow si Andrea kay Derek.
Pero at this writing ay wala pa ring kumpirmasyon o pagtanggi ang magkabilang kampo.
Kinumpirma nina Derek at Andrea ang kanilang relasyon noong September 2019, ilang linggo bago matapos ng kanilang pinagtambalang teleserye sa GMA-7 na The Better Woman.
Magsasama dapat sila sa teleseryeng Sanggang Dikit, subalit wala pang update kung matutuloy ang pagsasama nila rito.
Kumpirmado namang may bagong gagawing teleserye si Andrea, ang Legal Wives, kung saan tampok din sina Dennis Trillo, Bianca Umali, at Alice Dixson.
Mapapanood pang magkasama sina Derek at Andrea sa kalulunsad na Christmas Station ID ng Kapuso network.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
