PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enchong Dee understands fellow Kapamilya artists looking for opportunities outside of ABS-CBN

Enchong Dee understands Kapamilya stars looking for work in other TV networks.
by Bernie V. Franco
Published Nov 24, 2020
Enchong Dee understands, supports fellow Kapamilya stars looking for jobs outside of home network. "Hindi ko kasi puwedeng gawing measurement yung loyalty just because of what’s happening now."
PHOTO/S: YouTube (Enchong Dee)

Nauunawaan daw ni Enchong Dee ang mga kapwa ABS-CBN artists na tumatanggap ng trabaho mula sa ibang TV stations.

Paliwanag ni Enchong, kailangan din ng mga artistang ito ang maghanapbuhay para kumita.

Maraming Kapamilya artists ang nawalan ng trabaho matapos magkaisa ang pitumpung pro-administration congressmen noong July 10, 2020, na hindi pagkalooban ng bagong prangkisa ang ABS-CBN Channel 2.

Idagdag pa rito ang hirap ng buhay ngayon dahil sa kasalukuyang pandemya.

Ani Enchong, maraming kapwa niya artista sa ABS-CBN ay breadwinners at kailangang kumayod.

Naiintindihan daw ni Enchong kung tumanggap man sila ng projects mula sa ibang TV networks.

“Because by the end of the day, a lot of my contemporaries, a lot of artistas are breadwinners," sabi ng aktor.

“Hindi mo naman puwedeng alisin sa kanila yung pagkakataon na magtrabaho sa isang lugar.”

Nagsalita si Enchong sa digital press conference ng insurance company na Sun Life Financial, November 23, Martes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, maraming Kapamilya stars ang napapanood sa ibang TV networks, partikular sa TV5.

Ang mga artistang ito ay kinabibilangan ng A-listers, gaya nina Piolo Pascual at Maja Salvador na kabilang sa Sunday musical variety show na Sunday Noontime Live.

Napapanood din sa TV5 ang highly-identified ABS-CBN stars na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Pokwang, Ria Atayde, Maris Racal, Ian Veneracion, Miles Ocampo, at marami pang iba.

Kapansin-pansin ding may ilan sa mga artistang nabanggit ay dati o kasalukuyang hawak pa rin ng Star Magic, ang ABS-CBN talent management arm.

Samantala, may Star Magic artists din ang lumipat na ng management kamakailan, gaya nina Julia Barretto at McCoy de Leon, na pumirma na sa Viva Artists Agency.

Nasulat din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang paglipat ng management ni Bea Alonzo.

Si Bea ay kilalang homegrown talent ng ABS-CBN at talent ng Star Magic sa halos dalawang dekada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso ni Bea, siya ay may exclusive contract pa sa ABS-CBN para sa telebisyon at pelikula kaya siya ay matatawag na Kapamilya pa rin.

Sa kaso nina Piolo at Dimples, iginigiit ng mga artistang ito na sila ay Kapamilya pa rin sa kabila ng pagtanggap nila ng blocktimer shows sa TV5.

ENCHONG’S LOYALTY TO ABS-CBN

Samantala, nausisa rin si Enchong sa pananatili niyang loyal sa ABS-CBN.

Si Enchong ay solid Kapamilya sa 15 years niya sa showbiz.

Paliwanag ng aktor, hindi raw puwedeng gawing sukatan ng loyalty ang pananatili sa kinabibilangang istasyon sa mga panahong ito.

Nagkataon lang daw na nakapaghanda si Enchong bago dumating ang mga pagsubok na kinakaharap ngayon ng showbiz industry.

Pahayag ni Enchong, “Kasi sa akin, isa sa mga bagay na na-realize ko, and naintindihan ko rin, hindi ko kasi puwedeng gawing measurement yung loyalty just because of what’s happening now.

“Siguro sa akin na lang, I’m very fortunate and very blessed that I was able to invest my money as early as pagpasok ko pa lang sa showbiz fifteen years ago.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kumbaga, hindi ako naging kampante.

"Katulad nga ng sinasabi ng Sun Life, na you have to grow your money in such a way that you will have that freedom in the future.

“So, as early as 17, 18 years old, ipinasok ko na sa utak ko na kailangan ko yung freedom na ‘yon, kailangan ko yung options na ‘yon.”

Nagbunga naman daw ang maagang pag-i-invest ni Enchong dahil hindi siya namomroblema kung wala mang dumating na proyekto sa kanya ngayon.

Paliwanag pa ni Enchong: “So, now, with all these things happening, hindi ako masyado worried about saan ko kukunin yung pambayad ng kuryente, ng tubig, ng renta, yung mga ganong bagay.

“Because I invested my money properly.

“So, ngayon, hindi masyadong mahirap sa akin yung desisyon na, ‘Okay, lilipat ba ako o hindi?’ because again, show business is only a certain part of who I am.

“Maraming bagay tayo na iniintindi at pinagkakaabalahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And for me, itong nangyari sa atin, hindi siya masyadong mahirap gawan ng desisyon,” na marahil ang tinutukoy ay ang paglipat ng TV network o talent management company para makahanap ng trabaho."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee understands, supports fellow Kapamilya stars looking for jobs outside of home network. "Hindi ko kasi puwedeng gawing measurement yung loyalty just because of what’s happening now."
PHOTO/S: YouTube (Enchong Dee)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results