PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis posts videos with Buboy Villar; is this her reaction to Mystica's allegation?

Did Kiray Celis take a swipe at Mystica?
by Bernie V. Franco
Published Nov 26, 2020
Kiray Celis versus Mystica
Comedienne Kiray Celis (left) posts series of videos with Buboy Villar following Mystica's accusation that Kiray badmouthed Buboy.
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram / YouTube (The Mystica Channel)

Ang videos ba ni Kiray Celis, 25, kasama si Buboy Villar, 21, ang sagot ng young comedienne sa mga alegasyon ni Mystica, 52, laban sa kanya.

Tampok si Buboy sa sunud-sunod na Instagram Stories ni Kiray mula kagabi, November 25, hanggang nitong umaga ng Huwebes, November 26.

Sa mga videos na ito, lantaran ang pabirong panlalait ni Kiray sa kaibigang si Buboy.

Sina Kiray at Buboy ay kasama sa cast ng upcoming GMA-7 teleseryeng Owe My Love, na pinagbibidahan nina Lovie Poe, Benjamin Alves, at Ai-Ai delas Alas.

Sa orihinal na lineup, kasama si Mystica sa project, pero pinalitan siya matapos maghayag ng sunud-sunod na reklamo laban sa production staff ng Kapuso project.

Inakusahan ni Mystica ang production staff ng diumano’y hindi magandang trato sa kanya at hindi kaaya-ayang working environment.

Naglabas ng official statement ang production team ng Owe My Love at mariing pinabulaanan ang lahat ng akusasyon ni Mystica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinawit din ni Mystica ang roommate niyang si Kiray dahil sa pagkakaiba nila ng prinsipyo at lifestyle.

Sa kanyang vlog, pinaratangan ni Mystica si Kiray ng paninira sa co-star nilang si Buboy.

Sabi raw ni Kiray tungkol kay Buboy: "Ay, alam mo itong si Buboy, ang panget-panget. Kahit artista ‘yan, naku, talagang hindi pa rin siya magmumukhang artista dahil mukhang ano pa rin siya, taong grasa pa rin siya. Ang itim-itim at talagang ang dugyot-dugyot niyang tingnan!"

IS THIS KIRAY’S REACTION

Makahulugan ang sunud-sunod na videos na ipinost ni Kiray sa social media.

Naka-lock-in taping ngayon si Kiray kasama ang buong cast ng Owe My Love.

Bagamat wala siyang tuwirang pahayag sa videos, malinaw ang mensaheng nais niyang iparating—na masaya sila sa set at sobrang close sila ni Buboy.

Mapapanood sa videos kung paano pabirong nilalait ni Kiray si Buboy, na sumasakay naman sa biro ng co-star.

Isa sa videos na ipinost ni Kiray ay ang dance video kasama ang co-stars na sina Benjamin, Jason Francisco, Johnvic de Guzman, at Joaquin Manansala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Kiray: “GANITO KA SAYA SA SET NAMIN!!! [THREE HEART EMOJIS]

Kasunod nito ay ang sunud-sunod na videos nila ni Buboy kung saan maririnig ang pang-aalaska ni Kiray sa aktor.

Ipinost ng aktres ang dance video nila ni Buboy.

Caption ni Kiray: “Aww! I love you, @buboyvillar! Kahit na ang dugyot mo! HAHAHAHA”Kiray Buboy Villar dance

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ay video ni Kiray kasama si Buboy.

“Taping pa rin kami. At ngayon naaamoy ko yung ulo ni Buboy,” sabi ni Kiray, sabay amoy sa braided hair ni Buboy.

“Oh, shocks sobrang baho, guys. Hindi pang-artista!” komento pa ng tumatawang si Kiray.

Pabirong hirit ni Buboy kay Kiray: “Ipe-PEP talaga kita…”

Sinundan pa ito ng isang video ni Kiray tampok si Buboy.

Ani Kiray, “Alam niyo, guys, kaya nagpabuhok ng ganyan si Buboy kasi kasi gusto niyang maging si Usher.

“Pero dagdagan natin ng P sa simula, Pusher.”

Sagot naman ni Buboy, “Okay naman sana, kaso hindi naman ganoon buhok ni Usher. Mali-mali ka naman ng information.”

Dugtong ni Kiray, “Ang baho pa ng ulo, guys. Come on. Artista siya.”

Hirit ni Buboy, “Pero mahal mo ako.”

Balik-sagot ni Kiray, “Yuck, oh my god. What are you saying?”

Ganito uli ang takbo ng usapan nila sa sumunod na video:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kiray: “Pagod na ako, 'tapos ganito pa yung kaeksena mo. Ang bigat.”

Buboy: “Siyempre.”

Kiray: “Artista ka talaga, Boy?”

Buboy: “Siyempre.”

Kiray: “Paano nangyari?”

Buboy: “Ganoon talaga.”

Sinundan ito ng isa pang video ngayong umaga na ganoon din ang takbo ng video: pabirong nilalait ni Kiray ang braided hair ni Buboy.

Dalawang beses sinikap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ni Kiray tungkol sa paratang sa kanya ni Mystica, subalit hindi pa siya sumasagot.

Una nang nabanggit sa Cabinet Files na bagamat gustong mag-react ni Kiray ay pinayuhan siya ng production staff na huwag na lamang sumagot.

RECOMMENDED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Kiray Celis (left) posts series of videos with Buboy Villar following Mystica's accusation that Kiray badmouthed Buboy.
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram / YouTube (The Mystica Channel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results