Trina “Hopia” Legaspi now engaged

by Bernie V. Franco
Nov 29, 2020
You may know her as "Hopia" when she was still a child star (L). Now 26, Trina Legaspi is engaged to her non-showbiz boyfriend Ryan Jarina.
PHOTO/S: https://goinbulilit.fandom.com, trinalegaspi on Instagram

Kita ang tears of joy ng aktres na si Trina Legaspi, 26, sa mga larawang ipinost niya matapos mag-propose ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina.

Si Trina ay isang Star Magic talent na nakilala bilang Hopia noong siya ay child star.

Nagmarka si Hopia during her childhood days bilang cute, chubby, at chinita kid sa Goin’ Bulilit.

Sa Instagram account ipinost ng aktres nitong Sabado, November 28, 2020 ang pagpo-propose sa kanya ni Ryan.

Sa series of photos, na-capture ang mga facial expressions ng dalaga.

Kita rin ang maraming lobo at letter balloons na “WILL YOU MARRY ME.”

Base sa caption ni Trina, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang sixth anniversary noon lamang November 22, 2020.

“11/22/20 6 years together and forever!!

“Without a doubt, in a heartbeat, I said YES!

“I can’t wait to marry my first and only love.

“Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! Yey!!

Continue reading below ↓

“Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha!”

Joke pa niya, “Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!!

“Thank you Lord for giving me my destined partner.

“It’s worth the wait talaga! I love you fiance?!! Yes, fianceeee na”

Trina Legaspi on Instagram

Continue reading below ↓

Maraming artista ang bumati kay Trina, pero nangibabaw ang mga kasamahan niya at naging kaibigan sa Goin’ Bulilit.

Kabilang sa kanila sina Julia Montes, Jane Oineza, Nikki Bagaporo, at CJ Navato.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Bukod sa Goin’ Bulilit, napanood din noon si Trina sa prime-time series na Hiram (2004-2005) at Maid In Heaven noong 2004.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
You may know her as "Hopia" when she was still a child star (L). Now 26, Trina Legaspi is engaged to her non-showbiz boyfriend Ryan Jarina.
PHOTO/S: https://goinbulilit.fandom.com, trinalegaspi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results