PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kitkat on scary ordeal with food poisoning: “Kala namin katapusan na naming lahat.”

Kitkat, her husband, and three more have been food poisoned.
by Bernie V. Franco
Published Dec 1, 2020
This weekend, Kitkat, her husband, and three others have been food poisoned after eating seafood dishes. “Grabe ung feeling ng dinanas naming lahat ung parang may delubyo na pumasok sa bahay at sabay sabay kami sa lahat ng pakiramdam na parang mamamatay na," she said in an Instagram post.
PHOTO/S: @favkitkat on Instagram

Matinding hirap ang pinagdaanan ni Kitkat, 36, matapos niyang makaranas ng food poisoning nito lamang weekend.

Pati ang kanyang asawang si Waldy Favia at tatlong kasama nila sa bahay ay nakaranas nito matapos kumain ng seafood.

Sabado, November 28, nag-post sa social media si Kitkat na humihingi ng tulong.

Mababasa sa kanyang post (published as is): “Iluluwa ko na kaluluwa ko kaka suka at nais ko nang alisin intestines ko sa sakit tyan ko, doble doble hilo ko at ung pupu ko parang umiihi din

“Food poison kaming mag asawa …. Ano gawin namin ayaw namin ospital… suka, pupu tubig, super sakit tyan at hilo kami”

Sa caption, binanggit niyang hindi lang silang mag-asawa ang nabiktima ng food poisoning, kundi ilan pang kasama sa bahay na kumain din ng seafoods.

“Actually lahat kaming tao dito sa bahay... Help po sa mga friends naming mga Doctor po [praying hands emoji] kumain po kami kagabi ng seafoods...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas nakadagdag daw sa stress ni Kitkat ang mga komento mula sa ibang tao.

Dahil idinaan niya sa social media ang pangyayaring ito, hindi maiwasang may mga nagbigay ng hindi magagandang komento.

Base sa kanyang status, tila may mga taong nakuha pang hindi seryosohin ang pagkakasakit nina Kitkat.

Post ni Kitkat pagsapit ng Linggo: “YUNG MAYSAKIT Food Poisoned AKO/KAMI , YUNG SOBRANG MAMAMATAY FEELING,,,

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“PERO DAGDAG KA PA SA STRESS! PURO KAYO EPAL! EPAL KA MASYADO palagi as in palagi! ISA KA SA PA JOLLIBEE! BUSET! Markado ka sakin!”

STRESSFUL “EPALs”

Nitong Lunes, November 30, nagbigay ng update si Kitkat.

Nagpatingin daw sila sa doktor at binigyan ng gamot.

Binanatan ni Kitkat ang mga “epal” o nagmamarunong, gaya ng mga nagsasabing nagka-COVID-19 daw sila.

Paglilinaw ni Kitkat (published as is), “Seafood po kinain namin para di po tayo paulit ulit sa pagtatanong na ‘anyare?’ (Nasa previous post ko po ano nangyari)

“... STAPH TOXIN po ang pumasok samin dahil sa contaminated seafood,, and yes lahat po kami! Thanx...

Ipinost ng comedienne-TV host ang larawan ng kanyang soft diet at mga gamot na iniinom.

“P.S: lahat po yan prescribed ng MGA (opo marami sila) doctors,,, (in short nagpa chek up na po and all) wag na po tayong maraming alam,

“and Opo friday nagpa swab test kami (kaya hindi po eto covid) kasi dapat mag celebrate kami ng bday ng parents ng sat, (at lagi kami nagpapa tests as in lagi) ...pagkakain namin ng gabi ng seafood ilang oras lang lahat na kami nagsuka at sumama na pakiramdam....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“U see,,, sa mga maysakit istress po ang mga epal, pwede po tayo magpray nalang,,, or “get well”,,,

“di po namin kelangan ung magagaling,, kelangan po namin yung legit ok? Yung totoong may alam hindi ung tipong ‘AY KWAN YAN, AY GANTO YAN ETC’

“...Nakaka stress po ang paulit ulit at magdikta or manakot kung anong sakit meron kami... pag Doctor or Nurse ka po ok po magdikta, pero kung hindi naman simpleng get well or pagdadasal para sa amin ay naaappreciate po! Salamat!”

Kasunod nito ay ibinahagi ni Kitkat ang link tungkol 19-anyos na anak na babae ni Mandaluyong City Representative Benhur Abalos na pumanaw dahil sa Escherichia coli, o E. coli noong April 2005.

Ang E. coli ay maaaring makuha sa contaminated food o drink.

Giit ni Kitkat, seryosong bagay ang pinagdaanan nila dahil buhay ang nakasalalay dito, pagkatapos ay nakuha pa raw “umepal” ng iba.

Ngayong Martes, December 1, nagbigay muli ng update si Kitkat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, nagkaroon na ng improvement ang pakiramdam nilang mga na-food poison, pero patuloy ang recovery.

Pero diin ni Kitkat, hindi birong hirap ang pinagdaanan nila matapos kumain ng contaminated food.

Mensahe ng Happy Time host: “Nagagawa na po ng lahat ng taong natamaan dito sa bahay ang lahat ng mga gawain kahit kumikirot kirot pa din ang tyan.

“Tuloy lang ang mga gamot... ako po super duper sakit pa din as in pero ung ibang mga symptoms wala na, yung sakit nalang ang napapasigaw ako...

“Grabe ung feeling ng dinanas naming lahat ung parang may delubyo na pumasok sa bahay at sabay sabay kami sa lahat ng pakiramdam na parang mamamatay na.

“Di sya oa ganun po talaga ang pakiramdam na parang hihiwalay ung kaluluwa mo sa yo... at ang mahirap walang makapag alaga sa kahit kanino dahil lahat kami tinamaan.

“Nakaka nginig nakaka trauma... lalo sa aming mag asawa na talagang malala ang pagkakatama...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala pa niya, “make sure malinis at mabuti po ang pagkakaluto at pag handle ng mga kahit anong sinusubo nyo...

Nabanggit pa ni Kitkat na ang kinain nilang seafood ay bigay lamang sa kanila. Hindi na niya binanggit kung kanino galing.

“Sa nagbigay po ng seafood lesson na po sa ating lahat eto... pls pls.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pinaka-latest niyang update ngayong araw, sinabi ni Kitkat na out of danger na sila, pero patuloy pa ring nararanasan ang ilang sintomas.

“We are out of danger already, though super sakit sakit pa din ng tyan pero lahat ng vomiting, nausea, fever and liquid p____ps wala na...!” update ni Kitkat.

Nagawa pa nga niyang magbiro, at sinabing handa na siyang bumalik sa trabaho.

“im ready to work again tom... cguro di lang ganun kadaldal at sakit pa din. Sa liit daw ng tyan ko sabi ng doctors e nanuot at bilis talaga nagspread toxins at tagal lumabas parang tarsier nakakapit heheh...

“thank YOU LORD [praying hands emojis] kala namin katapusan na naming lahat [praying hand and hearts emojis]GOD IS GOOD ... #FoodPoison #survivor

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This weekend, Kitkat, her husband, and three others have been food poisoned after eating seafood dishes. “Grabe ung feeling ng dinanas naming lahat ung parang may delubyo na pumasok sa bahay at sabay sabay kami sa lahat ng pakiramdam na parang mamamatay na," she said in an Instagram post.
PHOTO/S: @favkitkat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results