Hindi nagdalawang-isip si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters na suungin ang malakas na alon para sagipin ang isang lalaki mula sa pagkalunod.
Maging ang fiancé ni Rachel na si Camarines Sur Governor Miguel Luis “Migz” Villafuerte ay aminadong natakot para sa dating beauty queen.
Si Rachel ay kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe Philippines 2017, kung saan nakapasok siya sa Top 10.
Isa rin siyang avid surfer.
Nitong Lunes, November 30, nag-post si Migz sa Instagram ng larawan ni Rachel na hawak ang isang Pomeranian dog. May katabing lalaki si Rachel.
Sa caption, tinukoy ng gobernardor ang lalaki na siyang sinagip ni Rachel nang pumalaot ito sa dagat sa Siruma, Camarines Sur.
Sa paglalarawan ni Migz, tila nag-aaral mag-surfing ang lalaki.
Caption ng pulitiko: “So proud of my girl @rachelpetersx for saving this guy's life who got caught in a strong riptide earlier! very close call [praying hands emoji]
“The ocean is a whole different world and learning surfing the right way, with the right people is the best way to know the ocean!”
Biro pa nito sa fiancée: “Sige na papayagan na kita magsiargao ng magsiargao pa more babe”

Samantala, nag-post naman sa Facebook ang netizen na si Christopher A Dionisio tungkol sa ginawang pagsagip ni Rachel sa lalaking tinawag niyang “Topheng,” isang barbero.
Sa caption ng netizen, sinabi nitong pinigilan ang former beauty queen na pumalaot pero dumiretso pa rin ito.
Ipinost din ng netizen ang kuhang larawan ni Rachel habang lumalangoy sa dagat gamit ang surfboard sa kabila ng malakas na alon.
Sa isa pang larawan ay makikita kung paano naabot ni Rachel ang lalaki at saka sinagip.
Lahad ng netizen (published as is): “drowning barber X miss universe
“dehins sya nagduwang isip guys na magbalik sa lineup para sagipun c topheng dawa may nagpupurugul saiya, nasa pang pang na sya pahawas na sya”

Sina Rachel at Migz ay nakabase sa CamSur.
Na-engage ang dalawa noong November 2019.
Ngayong taon sana magpapakasal ang dalawa pero naunsyami ito dahil sa pandemya.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
Also, you can use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
