Watch Now

Ruru Madrid smitten with Bianca Umali: “Ganda mo sobra.”

by Bernie V. Franco
Dec 4, 2020
Bianca Umali Ruru Madrid relationship
Ruru Madrid (right) constantly comments on Bianca Umali's glamour photos: “Perfection,” “I’m sure you’re the epitome of beauty,” “I could stare at you forever,” “B, you’re perfect,” “Ganda mo sobra.”
PHOTO/S: @bianxa (photo by @dookieducay) and @rurumadrid8 (photo by @mykyco) on Instagram

Tila hindi mapigilan ni Ruru Madrid, 23, ang sarili na laging mag-comment ng papuri sa rumored girlfriend niyang si Bianca Umali, 20.

Mula noong October 2020 hanggang sa pinaka-latest, halos kada post ni Bianca ay may comment si Ruru.

Kadalasang close-up glamour shots ang ipinu-post ni Bianca sa Instagram.

Kabilang sa mga komento ni Ruru: “Perfection,” “I’m sure you’re the epitome of beauty,” “I could stare at you forever,” “B, you’re perfect,” at “Ganda mo sobra.”

Bakas din ang pagkahumaling ni Ruru kay Bianca base sa emojis na gamit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging tampulan naman ng tukso si Ruru sa palaging pagpuri niya kay Bianca.

Napapa-“sana all” karamihan sa netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng pagiging expressive ni Ruru sa pagpuri kay Bianca sa social media, tikom pa rin ang bibig ng dalawang Kapuso stars sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Higit dalawang taon na mula nang maugnay sila, pero tila desidido sina Ruru at Bianca na gawin munang pribado ang kung anumang namamagitan sa kanila.

Ito ay sa kabila ng nabibisto ng netizens ang kanilang ugnayan.

Gaya na lamang sa guest appearance ni Ruru sa late-night Kapuso comedy talk show na The Boobay and Tekla Show (TBATS) nito lamang November.

Tahasang inusisa si Ruru tungkol sa relasyon nila ni Bianca, base na rin sa pagpo-post nila ng sweet photos sa social media.

Pero iginiit ni Ruru na wala pa silang inaamin ni Bianca sa publiko.

“Wait lang po, may lilinawin lang po ako, ha. Wala naman po kaming inamin ni Bianca.

"Hindi naman po kami open sa relationship,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasundot na tinanong ni Boobay si Ruru kung “exclusive” ba sila ni Bianca.

Mababakas sa sagot ni Ruru na mas gusto niyang huwag maging public tungkol sa namamagitan sa kanila ni Bianca.

Aniya, "Siguro, masasabi ko yung relationship naming dalawa, isang bagay na espesyal sa akin.

"Hindi pa siguro napapanahon para i-share ko yun. But it doesn't mean na hindi ako proud dun.

"Kumbaga, mas gusto ko lang... tini-treasure ko muna na sa akin lang muna."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid (right) constantly comments on Bianca Umali's glamour photos: “Perfection,” “I’m sure you’re the epitome of beauty,” “I could stare at you forever,” “B, you’re perfect,” “Ganda mo sobra.”
PHOTO/S: @bianxa (photo by @dookieducay) and @rurumadrid8 (photo by @mykyco) on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results