PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia to spend holidays with family; says his Christmas will be “malamig”

Joshua Garcia has no special someone this coming holidays.
by Bernie V. Franco
Published Dec 4, 2020
Joshua Garcia MMK
Actor Joshua Garcia says he will spend the upcoming Christmas with his immediate family, and he has no special someone.
PHOTO/S: ABS-CBN

Plano raw ni Joshua Garcia na ipagdiwang ang nalalapit na Pasko kapiling ang kanyang immediate family.

Nausisa tungkol dito si Joshua at ang iba pang artistang tampok sa upcoming episodes ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong buwan ng Disyembre.

Ginanap ang virtual presscon noong November 26, 2020.

Ani Joshua, “Ako, spend time with family lang din. And mas magiging iba ngayon kasi siyempre may pandemic pa.

“So, hindi ko rin makakasama ang ibang pamilya ko, ibang Garcia family na taga-Batangas.

“Kami-kami lang… papa ko, ate ko, pamangkin ko.”

Nangingiti pang dagdag ni Joshua, “And kung sino may gusto pang makipag-celebrate sa amin.”

Sinundot ito ng tanong kung malamig o mainit ba ang Pasko niya.

“Malamig,” nahihiyang sagot ng binata na sinundan niya ng tawa.

Ang ibig tukuyin ni Joshua ay single siya ngayon.

Ang huling nakarelasyon ni Joshua ay si Julia Barretto. Naghiwalay sila noong 2019 pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RETURN TO ACTING

Samantala, nanibago raw si Joshua nang magbalik sa pag-arte.

Dahil matagal-tagal siyang nabakante, para raw siyang nagsimula uli nang mag-taping ng MMK episode.

“Mahirap siya sa umpisa. Nag-adjust ako. Naramdaman ni Direk [Nuel Naval] yung hirap ko nung umpisa.

“Hirap, e, nung una. Para akong makina ng sasakyan. Kailangan pang painitin.

“Ang tagal kong na-stuck dito sa bahay, pero kinaya naman.

“Pero kinaya naman, kinaya naman sa tulong ni Direk at sa buong production."

Bago ang kanyang MMK episode, ang huling proyekto na ginawa ni Joshua ay ang primetime series na The Killer Bride na nagtapos noong January 2020.

Ang huli naman niyang ginawang pelikula ay Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan earlier this year. Hindi pa ito naipalalabas sa mga sinehan.

Sabi ni Joshua, “’Tapos sa bahay lang ako. Parang ang hirap lang mag-adjust ulit.

“Para akong nanibago, para akong beginner.”

Malaking tulong daw na mahusay ang co-stars niya sa MMK, gaya ng mag-asawang sina Nonie Buencamino at Shamaine Buencamino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sila yung parang hinuhugutan ko. Sa kanila ako kumukuha ng emosyon, and ang galing. Naging smooth.

Ipapalabas ang MMK episode ni Joshua sa December 12.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Joshua Garcia says he will spend the upcoming Christmas with his immediate family, and he has no special someone.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results