PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Taberna opens up to Jessica Soho about his leukemia-stricken daughter

Anthony Taberna: "Talagang ayokong makitang kalbuhin yung anak ko, e."
by Arniel C. Serato
Published Dec 7, 2020
KMJS Anthony Taberna
DZRH anchor anchor Anthony Taberna (left) gets interviewed by Kapuso journalist Jessica Soho (right) about his daughter Zoey's (center) condition: “Sa awa ng Diyos, she is much better today."
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso Mo Jesscia Soho on Facebook

“Akala ko ay matapang ako. Pero nung nakita ko yung anak ko na nahihirapan, wala palang tapang-tapang pagka tungkol sa anak.”

Ito ang madamdaming pahayag ng brodkaster at komentarista na si Anthony Taberna sa panayam sa kanya ng award-winning journalist na si Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho kagabi, December 6.

Kinumusta ni Jessica si Anthony tungkol sa mabigat na pinagdadaanan ng kanilang pamilya ngayon.

Ang panganay na anak ni Anthony at asawang si Rossel Taberna na si Zoey, 12, ay may leukemia o cancer sa dugo.

Taberna Family KMJS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang linggo lamang nalaman ng publiko ang karamdaman ni Zoey nang mag-post si Anthony sa Facebook tungkol sa karamdaman ng anak.

December 2, 2019 nila nalamang may leukemia si Zoey. Itinaon nila sa unang anibersaryo ng diagnosis kay Zoey ang pagsasapubliko ng karamdaman nito.

Pahayag ni Anthony sa kanyang Facebook post last week: "Doon nakumpirma, ang aming panganay ay may bone marrow disease na sa bandang huli ay natukoy bilang LEUKEMIA.

“Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan."

Nagpasalamat din siya na unti-unti nang gumagaling si Zoey.

Sabi pa niya sa kanyang post, "Isang taon mula nang gisingin niya ako noong December 2 ng madaling araw, gising na gising ang aking kamalayan kung gaano kahalaga ang buhay ng tao subalit sa isang iglap ay andyan lagi ang takot na maaaring mawala ito."

JESSICA SOHO INTERVIEWS ANTHONY TABERNA

Sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa KMJS, inusisa si Anthony kung bakit ninais nila noong ikubli sa publiko ang totoong karamdaman ni Zoey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng Dos Por Dos sa DZRH anchor, “Ang anak namin ang isinaalang-alang namin kaya ayaw namin siyang gawing public, kahit marami na rin ang nagtatanong dahil tuwing nagpu-post kami, lagi siyang naka-bonnet.

“Pero nung anniversary nung na-diagnose siya ng leukemia, si Zoey na mismo ang nag-post ng kanyang picture nung kinalbo siya.

“Nagpaalam ako sa kanya, sabi ko, sasabihin ko na rin yung totoo niyang sitwasyon.”

Zoey Taberna haircut

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasunod nito ay inilahad ni Anthony ang mga kaganapan bago nila natuklasang may malubhang karamdaman si Zoey.

Paano nila sinabi kay Zoey ang findings ng mga doktor tungkol sa kanyang sakit?

Lahad ni Anthony, “Ipinaliwanag ko sa kanya na iyon po ay ELL [eleven-nineteen lysine-rich leukemia], isang klase ng leukemia na ang curability na sabi nga po ng doctor is up to 90 percent.

“Sabi ko, ‘Huwag kang matakot dahil tuluy-tuloy naman po yung pagpapagamot niya.’”

“IYAK AKO NANG IYAK MAG-ISA”

Paano nila tinanggap ang karamdaman ni Zoey?

Pag-amin ni Anthony, “Akala ko ay matapang ako. Pero nung nakita ko yung anak ko na nahihirapan, wala palang tapang-tapang pagka tungkol sa anak.

“Sabi ni Misis, ‘O, papunta na kami diyan, maggugupit kay Zoey,’

“Nasa ospital ako nun, e. Nag-imbento ako ng lakad, sabi ko, 'Kailangan ko nang umalis.' Ayokong makitang kalbuhin yung anak ko, e.’

“Pero ito namang misis ko, ipinadala sa akin yung video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagkita ko ng video, iyak ako nang iyak mag-isa. Napakasakit naman nito, sabi ko.

"Ang duwag-duwag ko pala, hindi ko pala kayang makita ang anak ko na nahihirapan."

Isang matapang at palabang komentarista, umiiyak?

Tugon ni Anthony, “Ma’am Jessica, talagang ayokong makitang kalbuhin yung anak ko, e, hindi ko ipinagkakaila yun.

“Nag-uusap kami ni Misis, sabi ko, ‘Pagka kaharap natin yung bata, huwag tayong magpapakita ng pagkatakot. Ang kailangan makikita niya sa atin malakas tayo, matapang tayo.’

“Kaya pag nasa ospital, halimbawa, ako po ang nag-lead ng prayer, para akong batang nag-iiyak dun sa harap niya.

"So, sabi ko, hindi ko rin pala mapipigil ang pag-iyak kahit sa harap ng bata."

“SHE IS MUCH BETTER TODAY”

Kumusta na ngayon si Zoey?

Saad ni Anthony, “Ang sabi po ng mga doktor, bagamat nakalampas na po siya dun sa pinakamahihirap na stage ng chemotherapy treatment, e, ipagpatuloy pa rin po yung gamutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa awa ng Diyos, she is much better today."

Paano niyo dinadala itong taon na ito?

Aniya, “Sa awa ng Diyos ay nakatawid naman po. In fact, si Zoey, nakakabawi na.

“Hinihila nga po namin dito ngayon, sabi ko, ‘Mag-hi man lamang po sa inyo.”

Dito ay sandaling nakausap ni Jessica si Zoey.

Matapos nito, sinabi ni Jessica kay Anthony, “Ibang klase ang anak mo.”

Sabi naman ni Anthony, “Natutunan po namin sa Iglesia ni Cristo [INC] na ang mga nangyayari sa buhay namin na pagsubok ay nagpapatibay po sa aming faith.

“During that time na alam ko na hirap na hirap siya, pero nakikita po namin na nilalaban po niya yung mga pinagdaanan po niya.

“Yun po yung pinagkukuhanan namin ng lakas na mag-asawa, e. ‘Si Zoey nga, e, lumalaban nang husto, e, di lalo na tayo.’”

Ayon kay Anthony, 26 chemotherapy sessions pa, isa kada buwan, ang kailangan pagdaanan ni Zoey para sa kanyang karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“DINADALISAY ANG AMING PANANAMPALATAYA”

Malakas ang pananampalataya ng pamilya Taberna sa Diyos. Dumating ba sa punto na tinanong niya Ito kung bakit binigyan ng ganoong sakit ang anak?

Sagot ni Anthony, “Ang totoo po, ang nagtatanong ay itong si Zoey, bakit siya nagkaroon ng sakit.

“Sabi ng doktor ay ang pwedeng possible cause po nun ay exposure to chemicals. E, wala naman siyang ganun o kaya sa dugo po namin.

“So somehow po, sinisisi ko yung sarili ko.”

Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat tungkol sa mga pangyayari.

Tugon niya, “Ang tawag po namin diyan, may dinadalisay po ang aming pananampalataya.

“So, kapag nakakalampas po kami sa pagsubok na ito, ibig sabihin na parang ginto na dumaan sa apoy, napapatunayan namin yung pagiging pure ng isang ginto.

“Ang lahat naman po na ito ay malalampasan namin kung ang Diyos po ay nandiyan para po makinig sa mga panalangin namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapos pa niya, “Pagka magkakasama yung pamilya, talagang medyo mahihirapan yung pagsubok na magtagumpay sa atin.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DZRH anchor anchor Anthony Taberna (left) gets interviewed by Kapuso journalist Jessica Soho (right) about his daughter Zoey's (center) condition: “Sa awa ng Diyos, she is much better today."
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso Mo Jesscia Soho on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results