PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano hits back at netizen curious about how Jessy Mendiola can afford to buy luxury watch

Jessy: “Um… because I work hard and save a lot? Lol.”
by Jet Hitosis
Published Dec 7, 2020
Jessy Mendiola Luis Manzano Patek Philippe
Actress Jessy Mendiola's Instagram post (left) on December 4 creates a buzz among her followers as she is seen wearing a pricey Patek Philippe Nautilus watch. One netizen expressed doubt on how the actress can afford such an expensive timepiece, so TV host Luis Manzano stepped in to defend his girlfriend.
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram

Ipinagtanggol ni Luis Manzano ang longtime girlfriend na si Jessy Mendiola laban sa isang netizen na kinuwestiyon kung paanong nakabili ang aktres ng sikat na luxury wristwatch.

Nagkomento ang netizen sa Instagram post ni Jessy, 28, nitong Biyernes, December 4.

Ibinahagi ni Jessy ang kanyang solo picture habang nagbabakasyon sa Amanpulo, kasama si Luis, 39.

Sa litrato, sapo ng ilang daliri ni Jessy ang kanyang sentido, habang ipinakikita ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa pagkakabilad sa araw.

Caption ni Jessy: “Kissed by Mr. Sun. [shining sun emoji]”

Jessy Mendiola Patek Philippe post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, bukod sa magandang mukha ni Jessy, napansin din ng ilang netizens ang suot ng aktres na luxury wristwatch.

Nagkomento ang netizens ng “Patek” at “Nautilus,” tinukoy ang Patek Philippe Nautilus watch na suot ni Jessy.

THE PATEK WATCH

Isa ang Patek Philippe sa pinakamamahaling watch brands sa mundo.

Batay sa presyuhan sa online watch market na chrono24.ph, verified dealer ng luxury watch brands, ang Patek Philippe Nautilus ay nagkakahalaga ng PHP1.8 million hanggang PHP9 million.

Ang special edition designs ng nabanggit na brand ay pumapalo sa PHP25 million pataas.

Limitado lang sa 50,000 ang taunang produksiyon ng wristwatch na ito, kaya iilan lang din ang maaaring magmay-ari.

Iyon ay dahil sa mabusising paggawa sa bawat relo, na inaabot ng siyam na buwan hanggang dalawang taon ang pagkumpleto.

Pawang A-listers lang din ang nagmamay-ari ng Patek watches, tulad nina Queen Elizabeth II, Walt Disney, Nelson Mandela, Pablo Picasso, at The Beatles, ayon sa blog ng thewatchcompany.com.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JESSY CALMLY ANSWERS NETIZEN’S CURIOUSITY

Ang nakakalulang presyo marahil ng suot na wristwatch ang nasa isip ng isang lalaking netizen nang nagkomento ito: “How can she afford a Patek?”

Patanong din ang reply ni Jessy sa netizen (published as is): “um… because I work hard and save a lot? Lol”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung pinagtawanan lang ni Jessy ang pag-uusisang iyon ng netizen, hindi naman ito pinalampas ng boyfriend niyang si Luis.

Sinegundahan ng TV host ang paliwanag ni Jessy sa netizen na nagdoble-kayod sa trabaho ang aktres para mapag-ipunan ang pambili ng nabanggit na luxury watch.

Sabi ni Luis: “work and save till you can buy and enjoy what you want in life no matter what they may be.”

“PABILI KA UTAK NGAYONG 12.12 SALE”

Dagdag ni Luis, simple lang ang naging paliwanag ni Jessy sa netizen kung paano na-afford ng aktres na makabili ng nabanggit na high-end watch brand.

“Napaka bobo mo naman if di mo gets yun,” sabi pa ni Luis sa netizen.

Suggestion pa ni Luis sa netizen: “pabili ka utak ngayong 12.12 sale…

“work and save para ma afford mo rin ang brain.”

Sagot ng netizen kay Luis: “bakit ka defensive? Nagtatanong lang ah?”

Pero sa halip na sagutin ang tanong ng netizen, inulit na lang ni Luis ang may pang-iinsultong suggestion niya rito: “12.12, add to cart – brain”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Luis ay ang malawakang Christmas sale ng online shopping sites sa December 12.

WAS IT A GIFT FROM LUIS?

Isang Instagram follower ni Jessy ang sumali sa usapan at kinampihan si Luis.

Susog ng Instagram user kay Luis: “sampalin niyo ng taxi yan at gasoline station kuya ehehehe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinukoy nito ang mga negosyong pagmamay-ari ni Luis.

Ipinahihiwatig nitong si Luis ang bumili ng luxury watch na suot ni Jessy, at walang duda raw na kayang-kaya ng TV host na bilhin iyon para sa girlfriend.

Co-owner si Luis ng isang taxi fleet na pumapasada sa Metro Manila.

Samantala, marami na ring locations at patuloy na nagdadagdag ng franchises ang pag-aari niyang gasoline station.

Pero itinuwid ni Luis ang ibig ipakahulugan ng Instagram user.

Paliwanag ni Luis sa kanyang punto, walang imposible para sa isang taong nagsisikap at determinadong maabot ang kanyang pinapangarap.

Sabi ni Luis: “basta may trip ka sa buhay, kesyo simple o hindi… pagtratrabahuhan mo yun at pagiipunan… :)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Amanpulo ang magkasintahan upang ipagdiwang ang birthday ni Jessy nitong Huwebes, December 3.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Jessy Mendiola's Instagram post (left) on December 4 creates a buzz among her followers as she is seen wearing a pricey Patek Philippe Nautilus watch. One netizen expressed doubt on how the actress can afford such an expensive timepiece, so TV host Luis Manzano stepped in to defend his girlfriend.
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results