Alden Richards reveals what he admires about Bea Alonzo

by Rachelle Siazon
Dec 7, 2020
Kapuso actor Alden Richards says he likes how Kapamilya actress Bea Alonzo established good rapport not just with him but even with his team when they worked together in Bangkok for a TVC in February.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @beaalonzo Instagram

Magkaiba man ng TV networks, bukas sa pagsasabi si Alden Richards na magaan ang loob niya kay Bea Alonzo.

Pareho silang itinuturing na prime star sa kani-kanilang TV network—si Alden sa GMA-7 at si Bea sa ABS-CBN.

Napagtibay raw ang good impression ni Alden kay Bea nang magkatrabaho sila sa isang TV commercial sa Bangkok, Thailand noong Pebrero.

Si Alden ay 28 years old, at si Bea naman ay may edad 33.

Paglalarawan ni Alden kay Bea: "When we first met, that was few years ago, sa birthday ng stylist namin, mabait na siya e. She's very warm.

"But when we worked together sa Bangkok for a TVC, masarap siya kausap.

"Sobrang bait niya sa team ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Sandwich Session ng Summit Media noong November 27.

Kuwento pa ni Alden, bilib siya sa ganda ng pakikisama ni Bea hindi lang sa kanya kundi pati sa mga ka-team niya.

Continue reading below ↓

Lahad ng binata: "Sobrang mahal na mahal niya yung team ko for some reason kahit bagong kilala pa lang nila.

"Kasi big deal sa akin yun kung mas favorite mo yung team ko more than me.

"Kasi with that, that shows how genuine of a person you are.

"I've been with my team for ten years na rin, so they're really family, kahit hindi sila kadugo."

Wala raw ere si Bea sa kabila ng pagiging A-lister celebrity nito.

Dagdag ni Alden, "I really appreciated that na si Bea, regardless of how many blockbuster films she has done, how many awards she's got, how successful she is now, ano pa rin siya, human pa rin siya."


Continue reading below ↓

ONGOING TALKS ABOUT ALDEN-BEA MOVIE

Ibinalita rin ni Alden na may napag-uusapang pelikula na pagtatambalan nila ni Bea.

"There have been talks already. Parang magkakaroon kami ng movie together," pag-amin ng Kapuso actor.

Pero hindi pa masabi ni Alden kung anong film company ang magpoprodyus ng pelikula nila ni Bea.

Dugtong niya, "From management to management po ang nag-uusap, na parang nag-ask po si GMA if Bea wants to make a film with me.

"So, parang she said yes, pero di pa po alam kung sino ang magiging producer at kung ano ang magiging istorya."

Sa vlog ni Bea noong Oktubre, nabanggit niyang "sobrang bait" ni Alden "pati yung team niya."

Gusto raw ni Bea na magkatambal sila sa pelikula ni Alden, lalo pa't napanood daw niya na "sobrang galing" nina Alden at Kathryn sa Hello, Love, Goodbye.


Continue reading below ↓

HELLO, LOVE, GOODBYE PART 2

Ang unang Kapamilya actress na nakatambal ni Alden ay si Kathryn Bernardo para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, na pinamunuan ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Nananatiling record-holder ang Hello, Love, Goodbye bilang highest-grossing Filipino film of all time. Ayon sa Star Cinema, ang film company arm ng ABS-CBN, ang Alden-Kathryn starrer ay may total global gross na PHP880,603,490.

Tinanong ng PEP.ph si Alden kung may usapan na bang gumawa sila ni Kathryn ng Part 2 ng pelikula.

Sagot ni Alden, "With regards to Hello, Love, Goodbye Part 2, we're waiting pa rin po.

"Siyempre Star Cinema will decide if they want to produce another movie. I also have to ask my mother network, GMA, kung papayagan ba nila ako to do it.

"Pero sana... kasi nagulat ako one year na pala si Hello, Love, Goodbye, sana masundan, sayang kasi."

PIA

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Alden Richards says he likes how Kapamilya actress Bea Alonzo established good rapport not just with him but even with his team when they worked together in Bangkok for a TVC in February.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results