PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rossel Taberna recalls how daughter Zoey found out she has leukemia

Rossel Taberna: "Nadi-depress siya kaya po we’re proud na na-accept niya na po."
by Arniel C. Serato
Published Dec 7, 2020
Rossel Taberna Zoey Jessica Soho
Rossel Taberna (left) tells Jessica Soho (right) about first month of daughter Zoey's (center) hospitalization: "Talagang hindi na po namin siya makikilala, sobrang itim niya po, natakot po talaga kami nung time na yun.”
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso Mo Jesscia Soho on Facebook

Ikinagagalak ni Rossel Taberna, asawa ng batikang komentarista na si Anthony Taberna, ang pagiging matapang ng panganay nilang anak na si Zoey, 12.

Si Zoey ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia o cancer sa dugo.

Isang taon nang iniinda ni Zoey ang sakit na nalaman nila noong December 2, 2019.

Kagabi, December 6, kasamang humarap ni Anthony ang asawang si Rossel at anak na si Zoey kay Jessica Soho para sa isang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Rossel Taberna family KMJS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang panig, ipinagmamalaki ni Rossel ang katapangan ni Zoey sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay nito kahit sa murang edad.

Lahad ni Rossel tungkol sa desisyon ni Zoey na isapubliko ang kanyang karamdaman, “Sabi niya, ‘I’m ready. I’m not afraid anymore.’

“Nagulat na lang ako na pinost talaga niya yung pagri-razor nung hair niya.

“Marami na rin kaming episodes in the past na talagang umiiyak siya, nadi-depress siya kaya po we’re proud na na-accept niya na po yun.”

Pero nakaramdam daw siya ng guilt kapag naiisip ang karamdaman ni Zoey.

Paliwanag ni Rossel, “I feel very bad na pakiramdam ko po kasalanan ko.

“May mga signs na prior to that na sumasakit na yung tuhod niya, akala ko dahil lang lumalaki.”

Paano nila sinabi kay Zoey na mayroon itong leukemia?

Tugon ni Rossel, “Hindi niya po nalaman talaga agad na leukemia po yung karamdaman niya.

“We always say na bone marrow disease, pero di po namin masabi yung exact word sa kanya, yung leukemia, dahil she might get scared.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero isang araw ay sinabi na rin nila sa anak ang totoong karamdaman nito.

Kuwento ni Rossel, “Na -shock po siya. So, nung pauwi na kami, nasa sasakyan, iyak siya nang iyak, bakit hindi daw namin sinabi sa kanya na yun yung sakit niya.”

“NATAKOT PO KAMI”

Paano nila hina-handle ang pagsubok na ito sa kanilang pamilya sa gitna ng pandemya?

Ayon kay Rossel, “Kasabay nung kasagsagan po ng COVID dito sa Pilipinas, halos isang buwan po kami nasa ospital.

“And dun niya po naranasan yung pinakamahirap.

“Na talaga pong buto’t balat na po siya, almost a month po siyang walang solid food.

“Nagkaroon po siya ng singaw from outside the mouth hanggang throat, so hindi po siya nakakakain, puro yelo lang po.

“Talagang hindi na po namin siya makikilala, sobrang itim niya po. Natakot po talaga kami nung time na yun.”

Kahit papaano ay naibsan ang bigat ng kanilang nararamdaman dahil natatanggap na raw ni Zoey ang pagkakaroon nito ng leukemia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hanga naman si Rossel sa pagiging positibo ng asawang si Anthony sa gitna ng kanilang kinakaharap na pagsubok.

Sabi ni Rossel, “Siya po yung Mr. Positive ng pamilya namin, na lagi niyang sinasabi na, ‘Pag may nangyari, tingnan mo kung ano yung positibo at dun ka mag-focus.’”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rossel Taberna (left) tells Jessica Soho (right) about first month of daughter Zoey's (center) hospitalization: "Talagang hindi na po namin siya makikilala, sobrang itim niya po, natakot po talaga kami nung time na yun.”
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso Mo Jesscia Soho on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results