Team Vice Ganda describes TV host-comedian as short-tempered

by Bernie V. Franco
Dec 8, 2020
Vice Ganda short tempered
Vice Ganda's personal assistant on TV host-comedian: "Ang hindi ko talaga gusto kapag kasama siya ay yung madaling mag-init yung ulo niya.”
PHOTO/S: YouTube (Vice Ganda) / @praybeytbenjamin on Instagram

Mabilis magalit at maiksi ang pasensiya.

Ganito inilarawan si Vice Ganda, 44, ng ilang staff members niya na itinuturing ding mga kaibigan ng comedian-TV host.

Kabilang dito ang hairstylist na si Buern Rodriguez, ang make-up artist/road manager na si Glorious Asaral, at road manager/personal assistant na si Remigio “Erna” Piano.

Kabilang ang tatlo sa Team Vice, tawag ng It's Showtime host sa kanyang staff na binubuo ng mga pinagkakatiwalaang kasamahan sa trabaho.

Mismong si Vice, aminadong maiksi ang pasensiya niya at mabilis mag-init ang kanyang ulo.

“Hindi naman ako matagal magalit. Actually, hindi naman ako yung galit na galit.

“Naa-upset ako, pero hindi ako yung nagagalit hanggang bukas," pahayag niya.

Sinang-ayunan ito ng staff ni Vice.

Sabi pa ng Kapamilya star, “Hindi ako tahimik. Hindi ako yung tipong pag nagalit ako, kinikimkim ko lang, di ko sinasabi.

“Pag galit ako, sinasabi ko agad. So, tapos na agad.

“Hindi masarap sa pakiramdam yung nagagalit. Ayokong nagagalit nang matagal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din si Vice kung ano ang ayaw niya sa sarili.

“Mabilis akong ma-upset. Siguro kasi maiksi yung pasensiya ko,” pag-amin ng tinaguriang Unkabogable Star.

Nagsalita si Vice at ang tatlo niyang staff sa three-part YouTube video na ipinost noong December 4, 2020.

STAFF ON VICE: "MADALING MAG-INIT YUNG ULO NIYA."

Sa isang bahagi ng video, tinanong ni Vice si Erna kung ano ang ayaw nitong ugali ng TV host-comedian.

Si Erna ay kasama ni Vice sa kanyang bahay at 20 taon na silang magkaibigan. Paglalarawan nga ni Vice, magkasama sila ni Erna 24/7.

Saad ni Erna, “To tell you honestly, guys, ang hindi ko talaga gusto kapag kasama siya ay yung madaling mag-init yung ulo niya.”

Kapag may iniutos daw si Vice, ang gusto nito ay gawin ora mismo.

“Ang gusto niya pag [sinabi] niya, ‘Penge ako… pak! Pak! Pak! Gusto niya andiyan na agad.

“Madaling mag-init ang ulo niya. Pak! Andiyan na agad pag gumanyan,” ani Erna, na nagmuwestra ng pumipitik ang mga daliri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bawi ni Erna, isa rin ito sa mga dahilan kung bakit matagumpay si Vice.

Ipinaliwanag naman ni Vice kung bakit nasabi ito ni Erna sa kanya.

Aniya, “Actually, sinabi ko na nga sa kanya, kasi I feel so bad, kasi minsan nasasaktan ko mga damdamin niyo.

“Lagi akong nagmamadali. ‘Tapos pag hindi nakaka-deliver yung katrabaho ko, naiinis ako. And I feel so bad.

“E, ang sabi niya, ‘No, ‘wag kang magagalit sa sarili mo, kasi kailangan mong maging ganyan para umabot ka sa posisyon mo.’”

Pagsegunda ni Erna, “Hindi ka naman aabot kung nasaan ka ngayon kung hindi dahil sa ganyang pag-uugali mo.

“‘Tsaka on the other hand and on the brighter side, ang dami niyang natulungan.”

Sundot ng hairstylist na si Buern, ayaw ni Vice ng mabagal kumilos.

Pagsang-ayon ni Vice, “Sa work, ayoko ng makupad, ayoko ng hindi ready, ayoko ng hindi nagawa ang assignment.”

Maipagmamalaki raw ni Vice na sa kanyang Team Vice ay walang tamad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga nagkukulang. Ako din naman nagkukulang. May mga sumasablay. Di maaalis.

“Pero walang tamad, kasi bawal sa Team Vice ang tamad.

"Kasi nga, ang dami nating trabaho sa isang araw. Kulang ang 24 hours talaga, I swear,” sabi ng It’s Showtime host.

Bukod sa kanyang showbiz commitments, tutok din si Vice sa kanyang cosmetic line business.

Sabi naman ni Glorious, generous si Vice sa mga kasamahan niya.

Noong simula raw ay hindi naging madali sa staff ni Vice na intindihin ang attitude nito sa trabaho.

Kuwento ni Vice, “Kaya nung simula, hindi nila ma-gets. ‘Bakit si Bakla laging nagmamadali? Kailangan ganyan, ganyan, ganyan.’ Kasi nga, wala tayong oras.

“Kaya pag yung katrabaho ako di ako kakilala, mao-offend talaga.”

Ito raw ang dahilan kaya nagwo-work ang working relationship ni Vice sa kanyang team ngayon.

“Yung katrabaho, kapamilya ko, alam na alam nila, gets na gets nila,” sabi niya.

Ipinagmalaki pa ni Vice na ang mga dating miyembro ng kanyang team na umalis ay nag-e-excel sa ibang nilipatan. Nahasa raw ang mga ito na dapat ginagalingan pagdating sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang proud ako. Yung mga nanggaling sa akin, lagi nilang sinasabi, ‘Nagkaganito ako dahil sa iyo,” pagbabahagi ni Vice.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Vice Ganda, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda's personal assistant on TV host-comedian: "Ang hindi ko talaga gusto kapag kasama siya ay yung madaling mag-init yung ulo niya.”
PHOTO/S: YouTube (Vice Ganda) / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results