Pinoy movies in the time of pandemic: the ultimate guide where to watch new and old Tagalog films

MMFF 2020 goes digital!
by Jerry Olea
Dec 11, 2020
Four films that you can stream this month: (clockwise) Paulo Avelino and Charlie Dizon in Fan Girl; Enzo Pineda and Elijah Canlas in He Is Without Sin; Nora Aunor in Isa Pang Bahaghari; and Zaijian Jaranilla in Boyette, Not Yet A Girl.

More and more and more ang mga pelikulang maaaring panoorin sa iba’t ibang platform.

Virtual ang QCinema filmfest mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 6, Linggo.

“One City. To The World.” “A New Filmscape.”—ang mga iyan ang pasiklab ng special edition ng QCinema.

Labing-anim (16) na pelikula ang nag-streaming via Upstream, kabilang ang Cleaners, Balangiga: Howling Wilderness, Oda Sa Wala ni Pokwang, Babae at Baril ni Janine Gutierrez, at Midnight In A Perfect World.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Janine Gutierrez in Babae at Baril

Sa Pilipinas lang napanood ang mga ito dahil sa copyrights.

Ipinalabas ang Death of Nintendo sa isang events venue sa Visayas Ave., Quezon City noong Nobyembre 28, Sabado ng gabi.

Pitong daan (700) katao ang normal capacity ng venue, at sa new normal ay 30% (210 katao) ang allowed. Bilang pag-iingat, wala pang 100 ang imbitado sa pagtitipon.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

John Vincent Servilla (left) and Noel Comia Jr. in Death of Nintendo

PPP4: SAMA ALL

Ongoing ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino, na ang slogan o tagline ay “Sama All.”

Siyamnapung (90) full-length Pinoy films ang palabas dito mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13 sa apat na virtual cinema sa FDCP Channel (website). Kagaya ng QCinema entries, sa Pilipinas lang napanood ang mga ito.

Kabilang sa 13 films sa Premium Selection ang He Who Is Without Sin, kung saan may pa-Bolivia si Enzo Pineda. Sad to say, hindi iyon sapat para ma-nominate siya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Enzo Pineda (left) and Elijah Canlas in He Is Without Sin

Ii-stream ang awards night ng PPP4 sa Disyembre 12, Sabado ng 8:00 p.m., sa Facebook page at YouTube channel ng FDCP.

Tampok dito ang musical performances nina Raf Bernardino, Acel Bisa, Bayang Barrios at Naliyagan, Joey Ayala, Ice Seguerra, at Regine Velasquez.

MMFF 2020 GOES ONLINE

Abang-abang tayo sa sampung official entries ng 46th Metro Manila Film Festival, na mapapanood worldwide mula Disyembre 25 hanggang Enero 7 sa Upstream.

P250 ang bayad sa panonood ng bawat pelikula.

Pinakamapangahas sa entries ang Fan Girl, kung saan may frontal nudity si Paulo Avelino. Ibinunyag iyon sa review ng The Hollywood Reporter.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paulo Avelino and Charlie Dizon in Fan Girl

Pambata ang Magikland sa pangunguna nina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Princess Aliyah Rabara, at Joshua Eugenio. Humigit-kumulang P200M ang production budget ng Magikland na three years in the making.


Elijah Alejo, Princess Aliyah Rabara, Miggs Cuaderno, and Joshua Eugenio in Magikland

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Horror ang The Missing nina Joseph Marco, Ritz Azul at Miles Ocampo.


Joseph Marco and Ritz Azul in The Missing

Fantasy-comedy-action ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim ni Vhong Navarro.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Vhong Navarro as Mang Kepweng

Kakaibang love story ang Tagpuan nina Iza Calzado, Alfred Vargas, at Shaina Magdayao.


Shaina Magdayao and Alfred Vargas in Tagpuan

First Pinoy BL movie sa MMFF ang The Boy Foretold by the Stars nina Adrian Lindayag at Keann Johnson.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Adrian Lindayag and Keann Johnson in The Boy Foretold By The Stars

Kapilyuhan ang hatid ng Pakboys: Takusa nina Andrew E, Dennis Padilla, Janno Gibbs, at Jerald Napoles.


Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla, and Jerald Napoles in Pakboys

Kabanalan ang handog ng Suarez: The Healing Priest ni John Arcilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


John Arcilla in Suarez

Makabagbag-damdamin ang Coming Home nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez, ganoon din ang Isa Pang Bahaghari nina Nora Aunor at Phillip Salvador.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jinggoy Estrada in Coming Home

Nag-press preview ang Isa Pang Bahaghari noong Disyembre 3, Huwebes, sa HBE Post, Sct. Fernandez St., Quezon City.

Dalawang batch ang nanood, 1:00 pm at 3:30 pm. Tatlo ang preview rooms.

Siyempre, naka-face mask at face shield ang mga nanood, at nakabukas ang mga pinto para sa ventilation.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nora Aunor in Isa Pang Bahaghari

Nag-press preview rin ang Tagpuan nitong Disyembre 9, Miyerkules, sa Sine Pop, Saint Mary Street, Cubao, Quezon City (tabi ng Nice Hotel).

Pina-rapid antigen test ang mga nanood. Dalawang tusok sa ilong!

Big screen ang sinehan doon, na 48 ang seating capacity. Dalawa ang screening, 1:00 p.m. at 3:30 p.m.

Sa first screening ay pito ang nanood, at sa second screening ay lima. Sampung katao lamang ang allowed sa bawa’t screening.

Ang giveaway sa Tagpuan preview ay isang bag na naglalaman ng alcohol, face shield, face masks, at unscented facial tissue.

HOT STORIES

NETFLIX, IWANT TFC, KTX, ATBP.

Sandahutay, sandamukal, sandamakmak ang mga pelikulang Pinoy sa streaming services gaya ng Netflix, iWant TFC, KTX, iFlix, SKY Movies Pay Per View, at iba pa.

Nasa Netflix na ang Kalel, 15 kung saan kinilala si Elijah Canlas ng Gawad Urian bilang best actor.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Elijah Canlas (left) and Eddie Garcia in Kalel, 15

Kaabang-abang ang Patay Na Si Hesus (Jesus Is Dead), bida si Jaclyn Jose, na streaming sa Netflix umpisa Disyembre 20.


Jaclyn Jose (right) leads the cast of Patay Na Si Hesus

Dahil sarado ang mga sinehan, sa Netflix ipinalabas ang Love The Way U Lie nina Alex Gonzaga at Xian Lim, na entry sana sa naudlot na 1st Summer MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Xian Lim and Alex Gonzaga in Love The Way U Lie

Nasa Netflix ang Alter Me kung saan pwetmalu si Enchong Dee, ganoon din ang nakakaiyak na Finding Agnes ni Sue Ramirez.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Enchong Dee and Jasmine Curtis Smith in Alter Me

Tinaguriang Netflix King at Pandemic Superstar si Paolo Contis matapos umarangkada sa Netflix ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Through Night and Day, na super-semplang noon sa takilya.


Alessandra de Rossi and Paolo Contis oin Through Night And Day

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halloween presentation ng CineXpress powered by SKY Pay Per View (PPV) ang pelikulang U-Turn nina Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM de Guzman. P150 ang tiket na dapat gamitin within 48 hours upon purchase, from October 30 to November 12.


Ipinalabas din ang U-Turn sa KTX—na naghandog ng New Normal (Jed Madela), Tayo Hanggang Dulo (JaMill), 20k20 (K Brosas), Hello Stranger: Finale Fancon, Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience, The House Arrest Of Us, at iba pang special exclusive events.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Netflix na ang U-Turn.

Nobyembre 13 nag-premiere sa CineXpress via SKY Movies Pay-Per-View ang BL movie nina Jameson Blake at Joao Constancia na My Lockdown Romance.

P150 ang bayad para mapanood ito hanggang Nobyembre 26.


Jameson Blake and Joao Constancia

Nobyembre 27-Disyembre 10 ipinalabas sa CineXpress via SKY Movies Pay-Per-View ang Boyette: Not A Girl Yet nina Zaijian Jaranilla at Iñigo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganoon pa rin ang sistema, P150 ang bayad with 48-hour access upon purchase.


Zaijian Jaranilla in Boyette Not A Girl Yet

Disyembre 11-31 naman mapapanood sa CineXpress via SKY Movies Pay-Per-View ang Four Sisters Before The Wedding nina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Gillian Vicencio, at Belle Mariano.

Opo, P150 pa rin ang bayad, na pagkabili ng tiket ay dapat manood within 48 hours. Subscribers with SKYcable, SKY Fiber with HD Cable TV, and SKY Fiber with All-In Box subscription can avail of this pay-per-view offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Belle Mariano, Charlie Dizon, Gillian Vicencio, and Alexa Ilacad in Four Sisters Before The Wedding

Katuwang ng CineXPress ang iWant TFC sa streaming ng mga bagong pelikula ng ABS-CBN Star Cinema. Ikinakasa naman ng Viva ang streaming platform na Vivamax, kung saan maipapalabas ang napakaraming pelikula sa kanilang library.

Napabalita noong Setyembre na ito ang pasabog ng Viva sa kanilang ika-39 anibersaryo nitong Nobyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YOUTUBE SUPER STREAM

Pamaskong handog ng ABS-CBN sa mga Pilipino ang libre at tuluy-tuloy na panonood ng blockbuster movies at teleseryes sa YouTube.

Mula Disyembre 7 hanggang 27, mapapanood sa iba’t ibang ABS-CBN YouTube channels ang mga kuwentong makapagpapaalala sa atin na iba talaga ang Paskong Pinoy. Super Stream!

Narito ang listahan ng videos na mapapanood mula Disyembre 7 hanggang 27, at kung saang YouTube channel sila ipapalabas:

DISYEMBRE 7-13: Girl Boy Bakla Tomboy (Star Cinema); Pagpag: Siyam Na Buhay (Star Cinema); Ang Tanging Ina 1, 2, and 3 (Star Cinema); Kasal, Kasali, Kasalo (Star Cinema); Sakal, Sakali, Saklolo (Star Cinema); Forevermore (Star Cinema); All You Need is Pag-Ibig (Star Cinema); Anak (Star Cinema); Bata, Bata Paano Ka Ginawa (Star Cinema); First Day High (Star Cinema); Loving In Tandem (Star Cinema); Every Breath U Take (Star Cinema); Supahpapalicious (Star Cinema); Call Center Girl (Star Cinema); Etiquette for Mistresses (Star Cinema); Dubai (Star Cinema); Kung Ako Na Lang Sana (Star Cinema)...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manang Biring (Cinema One); Sa Ilalim ng Tulay (Cinema One); Lorna (Cinema One); Mamu (Cinema One); Changing Partners (Cinema One); Da Dog Show (Cinema One); Palibhasa Lalake (Jeepney TV); Home Along da Riles (Jeepney TV); Agimat Series (Jeepney TV); The Maricel Drama Series (Jeepney TV); Exes Baggage (Black Sheep); FPJ’s Ang Probinsyano Season 1 (iWantTFC); Ang Sa Iyo Ay Akin (ABS-CBN Entertainment); Ngayon At Kailanman (ABS-CBN Entertainment); Pusong Ligaw (ABS-CBN Entertainment); The Blood Sisters (ABS-CBN Entertainment); Pangako Sa ‘Yo (ABS-CBN Entertainment); We Rise Together (Rise Artists Studio)

DISYEMBRE 14-20: Sana’y Wala Nang Wakas (ABS-CBN Entertainment); Kay Tagal Kang Hinintay (ABS-CBN Entertainment); Iisa Pa Lamang (ABS-CBN Entertainment); The Gold Squad (The Gold Squad); Star Hunt Christmas Special: Digital Christmas Short Film (Star Hunt); Kathniel Christmas Duets (Star Music); Himig 11th Edition music videos (Star Music); The Super Parental Guardians (Star Cinema); Enteng ng Ina Mo (Star Cinema); Be Careful With My Heart (iWanTFC); Forevermore (iWanTFC); Magandang Buhay (ABS-CBN Entertainment); Walang Hanggang Paalam (ABS-CBN Entertainment)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DISYEMBRE 21-27: Sana Maulit Muli (ABS-CBN Entertainment); Daniel Padilla Concerts (Star Music); One Music PH Digital Concerts (Star Music); Isprikitik Walastik Kung Pumitik (Star Cinema); You’re The One (Star Cinema); TNT Go or Gong (It’s Showtime); ASAP Natin ‘To (ABS-CBN Entertainment); Bagong Umaga (ABS-CBN Entertainment), at Paano Kita Mapapasalamatan (ABS-CBN Entertainment).

Bukod pa riyan, marami ring libreng concerts, music videos, full online shows, classics, at marami pang iba sa YouTube channels ng Star Music, Black Sheep, Rise Artists Studio, Star Hunt, Showtime Online, The Gold Squad, ABS-CBN Sports, at Star Magic sa buong Disyembre.

PIRATED FILMS

Nagkalat ang mga piniratang pelikula sa socmed. Sa Telegram, HD pa ang mga pelikulang pinirata.

Iyong Cinemalaya 2019 film na Fuccbois, pinagpiyestahan noon sa Facebook at YouTube. Tinagurian tuloy Laplap Queen si Yayo Aguila, at pinagpugayan nang bonggang-bongga sa Twitter.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakarami pang Pinoy movies na mapapanood sa iba-ibang YouTube channels.

Sa YouTube channel ng TBA Studios, andiyan ang Write About Love, Heneral Luna, Gasping For Air (aka 1-2-3), Tayo sa Huling Buwan ng Taon, Kung Paano Siya Nawala, Tandem, Smaller and Smaller Circles, Sunday Beauty Queen, Women of the Weeping River, Neomanila, I’m Drunk, I Love You, Water Lemon, K’na, The Dreamweaver, Matangtubig, Patintero, Dormitoryo, Gayuma, Iisa, at Bliss.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

John Arcilla in Heneral Luna

Sa YouTube channel ng Regal Entertainment, Inc., andiyan ang episodes ng Shake, Rattle & Roll, at ng napakaraming Regal movies.

Opo, mapapanood diyan ang Magkaribal kung saan pinag-agawan nina Vilma Santos at Alma Moreno ang pwetmalu na si Christopher de Leon.

Andiyan din ang Sister Stella L, Hinugot Sa Langit, Broken Marriage, Starzan, Asawa Ko, Huwag Mong Agawin, Pinulot Ka Kang Sa Lupa, Pido Dida 1: Sabay Tayo, One True Love, School Girls, You To Me Are Everything, Gagamboy, Mano Po 1, 3, 4 & 5, Aishite Imasu 1941: Mahal Kita; Katorse, I Love You, I Hate You, Sana Naman...

Kulayan Natin Ang Bukas, Pempe ni Sara at Pen, Tugatog, Haunted Mansion, I Love You To Death, Bahay Kubo, Eternity, The Promise, I Will Always Love You, I Will Survive, Happy Hearts; I Have 3 Eggs, Pulis, Pulis sa Ilalim ng Tulay, Hataw Tatay Hataw, Daddy’s Little Darlings, Hindi Kita Malilimutan, Buburahin Kita sa Mundo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Goosebusters, Fly Me To The Moon, Shotgun Banjo, Crocodile Jones, Me & Ninja Liit; Tiyanak, White House, Aswang, Guniguni, Sigaw, Multo in the City, Vampira, Singsing ni Lola, Mga Kuwento ni Lola Basyang, Wow Multo, Mag-ingat Ka sa Kulam, Spirit Warriors 1 & 2, Tarot, Pamahiin, Hide and Seek, Impaktita, Pa-siyam...

Anak ng Dilim, Regal Shocker The Movie, Huwag Kang Hahalik sa Diablo; Ulong Pugot, Naglalagot, Alyas Boy Kano, Fidel Jimenez: Magkasubukan Tayo, Pistolero, Ang Pinakamahabang Baba sa Mundo, Yesterday, Today, Tomorrow, Salawahan, Status: It’s Complicated, Halik, Joey Boy Munti, Go! Johnny, Go!, Junior Quiapo...

Pretty Boy Hoodlum, Kambal Dragon, Good Morning Titser, Forward March, Hanggang Kailan Ka Papatay, Matang Agila, Kapag Kumulo Ang Dugo, Bala at Lipistik, Shoot That Ball, Ging-Gang Gooly Giddiyap, Horsey Horsey Tigidig Tigidig, Most Wanted, Huwag na Huwag Kang Lalapit, Darling, Garapal, Recipe for Love...

Binibini ng Aking Panaginip, Love Ko Si Ma’am, Bayolente: Elias Marengo, Hotdog, Lisensyado...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More and more and more!!!

RELATED ARTICLES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Four films that you can stream this month: (clockwise) Paulo Avelino and Charlie Dizon in Fan Girl; Enzo Pineda and Elijah Canlas in He Is Without Sin; Nora Aunor in Isa Pang Bahaghari; and Zaijian Jaranilla in Boyette, Not Yet A Girl.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results