Heart Evangelista asked about “baby bump” anew; she has this funny answer

by Jet Hitosis
Dec 11, 2020
Heart Evangelista baby bump
Actress Heart Evangelista has repeatedly said that pregnancy is a sensitive topic for her after losing her supposedly first born twins in 2018.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Napagkamalan na namang buntis si Heart Evangelista.

Ito ay matapos pansinin ng maraming Instagram followers ng 35-year-old actress ang kanya umanong “baby bump” sa picture na ipinost niya ngayong Biyernes, December 11.

Sa litrato, ibinahagi ni Heart ang kanyang OOTD (outfit-of-the-day) habang nasa background ang nakahilera niyang shoe collection.

Caption ni Heart: “Is it the weekend already?”

Suot ni Heart ang isang bra top at tweed shorts, kaya nakalantad ang malaking bahagi ng kanyang tiyan.

Marami ang pumuri sa OOTD ni Heart, gayundin sa naggagandahan niyang koleksiyon ng sapatos.

Continue reading below ↓

NOTICEABLE “BABY BUMP”

Pero iba ang napansin ng ilang netizens.

Curious nilang tanong, “pregnant” daw ba si Heart?

Kapansin-pansin daw kasi ang “baby bump” ng actress-fashion icon sa suot nito.

Continue reading below ↓

Isa sa kanila ang bumati pa ng “congratulations” kay Heart, kasabay ng pagpapaalala na, “Take care of yourself.”

Continue reading below ↓

Nag-reply si Heart sa komento ng isa sa kanila.

Itinanggi niya ang inaakalang buntis siya.

Biro pa ni Heart, totoo raw na may laman ang kanyang tiyan sa picture, pero hindi baby ang nasa loob niyon.

Reply ni Heart sa netizen na natuwa dahil “pregnant” siya: “nope it’s just bonchon [smiley].”

Continue reading below ↓

THAT CHICKEN!

Hindi ito ang unang beses na sinabi ni Heart na nagmukha siyang buntis matapos mabusog sa pagkain ng meal mula sa South Korea-based chicken restaurant.

Noong November 28, 2019, ilang araw matapos din siyang mapagkamalang nagdadalantao, nag-tweet si Heart: “I’m pregnant with Bonchon chicken not pregnant pregnant.”

Sa nakalipas na mga taon, ilang beses nang sinabi ni Heart na sensitibong paksa para sa kanya ang pagkakaroon ng anak.

Continue reading below ↓

Kaugnay ito ng pagkawala ng kanyang kambal na anak, na panganay sana nila ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

June 2018 nang dumanas ng magkasunod na miscarriage si Heart.

Simula noon, ilang ulit nang inakalang nagdadalantao ang actress-fashion icon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Heart Evangelista has repeatedly said that pregnancy is a sensitive topic for her after losing her supposedly first born twins in 2018.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results