PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo confirms working with someone she “disliked”

Kathryn Bernardo addresses nose-job issue anew.
by Bernie V. Franco
Published Dec 14, 2020
Kathryn Bernardo answers "I Have" when asked if she ever worked with someone she hated.
PHOTO/S: YouTube (Aivee Day)

“I have.”

Ito ang sagot ni Kathryn Bernardo, 24, nang matanong kung may nakatrabaho ba siyang “someone you hated.”

Isa ito sa mga ibinatong tanong sa Kapamilya actress sa “Never Have I Ever” game, kasama ang celebrity cosmetic doctor na si Aivee Teo sa isang YouTube video na in-upload noong December 9.

Ganito ang tanong: “Never have I ever worked with someone I hated.”

“I have” ang itinaas na sagot ni Kathryn.

Pero may pagkambiyo si Kathryn. Masyadong matapang ang salitang “hated” at mas angkop daw ang salitang “disliked.”

“Not naman I hated din. ‘Cause it’s too much. But disliked,” sabi ng girlfriend ni Daniel Padilla.

Sa kabila nito, hindi raw inayawan ni Kathryn na muling makatrabaho ang taong ito. Nagbigay daan daw ito para lalo silang magkakilala.

Aniya, “But then, surprisingly, isa yun sa mga resolutions ko last year: to give second chances, o just to give chance sa taong maybe na-misinterpret mo lang siya or something.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ending, naging magkaibigan pa raw sila.

“And surprisingly, ano, e, okay siya.

“Sometimes nag-start lang kayo nang mali. And then, nung nakilala ko siya, naging kaibigan ko pa.”

Hindi na nagbigay ng ibang detalye si Kathryn tungkol sa taong nakatrabaho niya na hindi niya gusto noong una pero kalaunan ay naging kaibigan.

KATHRYN DENIES HAVING A NOSE JOB

Muli ring sinagot ni Kathryn ang mga akusasyong sumailalim siya sa cosmetic surgery.

Sagot ni Kathryn, “Never.”

Sundot ng aktres, “Siyempre, sabihin niyo pag never, dini-deny ko na naman. Pero never.”

Hindi ito ang unang beses na inisyung sumailalim sa cosmetic surgery si Kathryn.

Ang tanging surgery raw na sumailalim siya ay wisdom-tooth extraction.

Nagsalita naman si Dr. Aivee, at inaming tinatanong siya ng ibang kliyente kung nagkaroon ng surgery si Kathryn.

Naiintriga raw kasi sila kung bakit gumanda ang ilong ni Kathryn.

Sundot ng Kapamilya actress, “I’m happy with my nose. Siguro lang, when I got thinner and then medyo tumanda kaya siya lumiit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

kathryn bernardo nose job

Pagsang-ayon ng cosmetic doctor, mas lumalabas ang features ng tao kapag nagiging slim.

Paniniyak ni Kathryn, “But I swear, [si] Doc Aivee walang ginagawa sa nose ko o any doctors before Doc Aivee, just to be clear.”

Dagdag niya, wala naman daw masama sa mga nais sumailalim sa cosmetic surgery.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“If you want to have surgery, wala naman ding problem don… For me talaga, no. It’s all natural.”

Noong December 2018 ay sinagot na rin ni Kathryn ang isyung ito sa episode ng defunct late-night entertainment talk show na Tonight With Boy Abunda.

Hindi kasi matigil-tigil ang akusasyong ito.

Bagamat hindi raw siya napikon sa isyung ito, nakiusap ang aktres na tigilan na ito.

Depensa na Kathryn, marahil dala ng kanyang pagma-mature kaya na-develop ang features niya.

Paliwanag niya noon, “’Nagparetoke, nilaklak ang gluta,' 'kasi dati, sobrang itim niyan 'tapos ngayon ang puti?' Yung sa ilong nagparetoke iyan.'

"Sabi ko, 'Hindi naman! Pwede bang nag-mature lang kaya ganoon?"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Kathryn Bernardo, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo answers "I Have" when asked if she ever worked with someone she hated.
PHOTO/S: YouTube (Aivee Day)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results