At peace na raw ngayon si Andrea Torres matapos ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay may halos isang buwan na ang nakararaan.
“I'm okay po. Kakauwi ko lang po from lock-in and I'm very happy sa naging experience ko dun.
"Talagang ang daming bagay na dapat ko ipagpasalamat,” pahayag ni Andrea nang kumustahin siya ni Nelson Canlas ng 24 Oras noong Biyernes, December 12.
Hindi direktang binanggit ang breakup nina Derek at Andrea, pero malinaw na may kinalaman dito ang tanong sa aktres.
Kagagaling lamang ni Andrea noong araw na yun sa lock-in taping ng upcoming Kapuso drama series na Legal Wives. Masaya raw ang aktres dahil may trabaho siya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Saad ng 30-year-old actress, “At least po mag-i-end yung year nang may trabaho ako at mag-i-start yung year na mayroon din akong paglalaanan ng atensiyon.”
Thankful din si Andrea na safe ang kanyang pamilya sa virus na iniiwasan ng mga tao ngayon.
Kaya kapag walang trabaho, masaya raw silang nagba-bonding sa pamilya.
Sabi pa niya, “Sa amin po talagang gusto naming mag-focus sa bonding ng family.
"And parang ang sarap lang talagang magpasalamat ngayong taon, kasi ang dami ng nangyari sa mundo, safe kami, magkakasama kaming pamilya.”
Kalagitnaan ng Nobyembre nang pumutok ang breakup issue sa pagitan nina Andrea at Derek.
Nagsimula ito nang mapansin ng netizens na in-unfollow ni Andrea si Derek sa Instagram. Binura rin niya ang lahat ng larawan nila ng aktor.
Kinumpirma ni Derek ang hiwalayan, at sinabing walang third party sa kanilang paghihiwalay ng landas.
“GRATEFUL”
Ngayong araw, December 15, kinagiliwan ng maraming artista ang post ni Andrea sa Instagram.
Marami kasi ang nagandahan sa larawang ipinost nito.
Maikling caption ni Andrea: “Grateful.”

Kabilang sa mga nagkomento rito sina Lovi Poe, LJ Reyes, Megan Young, Solenn Heussaff, Benjamin Alves, Winwyn Marquez, at Chynna Ortaleza.

Gayundin sina Sanya Lopez, Ina Feleo, Sophie Albert, at marami pang iba.


Wala sinagot si Andrea sa lahat ng nagkomento sa kanyang post.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
