Pops Fernandez speaks up about rumor linking her to Derek Ramsay

by Bernie V. Franco
Dec 16, 2020
Pops Derek Andrea
Pops Fernandez (left) on being linked to Derek Ramsay (center): “I can count the times that I have seen Derek, and during those times, we were also with Andrea [right]. And after that, hindi na po [kami nagkita]. We don’t talk to each other. We don’t really text each other.”
PHOTO/S: @popsfernandezofficial and @andreaetorres on Instagram / YouTube (Andrek Vlogs)

“Ang dali palang maniwala ng mga tao ngayon.”

Bahagi ito ng pahayag ni Pops Fernandez tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Derek Ramsay.

Na-link si Pops kay Derek kasunod ng breakup ng aktor kay Andrea Torres.

Kinumpirma nina Derek at Andrea ang paghihiwalay nila noong Nobyembre matapos lamang ang higit isang taong relasyon.

Nilinaw ni Derek na hindi third party ang dahilan ng hiwalayan.

Gayunpaman, may mga malisyosong netizens na iniuugnay sina Pops at Derek.

Nagsimula ito nang mag-post sa Instagram si Derek dahil kaarawan ng kanyang inang si Remedios Ramsay noong November 19, 2020.

Sa comments section, bumati si Pops dahil malapit niyang kaibigan ang ina ni Derek.

Komento ni Pops: “Happy bday mommy [smiling face with smiling eyes emoji].”

Pero nilagyan ng malisya ng ilang netizens ang pagtawag na “mommy” ni Pops sa ina ni Derek.

Sumagot si Derek at nilinaw na “bestfriends” ang ina niya at si Pops.

Continue reading below ↓

Hirit pa ng aktor, lahat na lang daw ay ginagawan ng isyu.

POPS FINALLY SPEAKS UP

Ayon kay Pops, pinili niyang manahimik tungkol sa isyu dahil maging sina Derek at Andrea ay hindi naman nagsalita tungkol sa paghihiwalay nila.

Pero nang tanungin tungkol dito ay hindi siya nag-atubiling sumagot.

“It’s okay to ask about it because it’s absolutely not true,” sabi ng Concert Queen sa digital presscon ng upcoming musical show nila ni Martin Nievera, ang eXes & whYs ngayong Miyerkules, December 16.

Dagdag ng singer-host, “I just don’t wanna talk about it because I felt Derek and Andrea are not really talking about it.

“Ang weird naman na ako yung magsasalita, right?

“Anyway, hindi po siya totoo. How it started, hindi ko rin po alam."

Sabi ni Pops, siya man ay nagulat na naging usap-usapan na pala ang pag-uugnay sa kanila ni Derek. Kahit daw ang mga kaibigan niya sa ibang bansa ay inusisa siya tungkol dito.

Continue reading below ↓

“Basta all of a sudden, ang dami-dami na lang lumabas. At hindi ko alam na ang dami-dami na palang usap-usapan.

“As a matter of fact, ang dami ko pang nakukuhang messages from some of my friends in the U.S., in Europe, and tinatanong nga po nila kung totoo."

Giit ni Pops, “Hindi po totoo.

“How it started, again, I don’t know.

“But unfortunately, ang masakit noon, ang dali palang maniwala ng mga tao ngayon!”

POPS ON RELATION WITH DEREK-ANDREA

Ikinagulat daw ni Pops na madaling naniwala ng iba nang lumabas sa social media ang pagli-link sa kanila ni Derek.

Aniya, “I mean, once it’s posted on YouTube and sunud-sunod na, parang no one really bothered to find out the truth about it.

"So, hindi po totoo.

“And yun po, wala po akong masabi na iba about it because I also don’t know how it started.”

Paliwanag ni Pops, mabibilang niya ang ilang pagkakataong nagkita sila ni Derek. At sa mga pagkakataong iyon ay laging kasama ng aktor si Andrea.

Continue reading below ↓

“I can count the times that I have seen Derek, and during those times, we were also with Andrea.

“And after that, hindi na po [kami nagkita]. We don’t talk to each other. We don’t really text each other.”

Sa mga pagkikita nila ni Derek, hindi raw ang aktor ang sadya ni Pops kundi ang nanay nito.

“Maybe siguro kasi nagkikita kami ng mom ni Derek, but for another reason and for another purpose… but other than that, not at all.”

Ang isa pang naiisip na rason ni Pops ay dahil iisa ang manager nila ni Derek, si Jojie Dingcong.

At kung may mga napu-post mang pictures sa social media, ang madalas daw kasama ni Pops ay ang ina ni Derek.

Sabi ni Pops, “Actually, ako yung nahihiya. Bakit ako nasali diyan sa kuwento na ‘yan. Nakakahiya sa kanila. Nakakahiya po dahil hindi po totoo.”

Ang eXes & whYs ay magsisimula sa December 19, 9:00 p.m. at Louie O Live with Robin Nievera sa December 20, 9:00 p.m.

Continue reading below ↓

Bukod sa Colours cable channel sa Cignal TV CH. 202 HD and 60 SD. Available din ito nang libre sa Cignal Play.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez (left) on being linked to Derek Ramsay (center): “I can count the times that I have seen Derek, and during those times, we were also with Andrea [right]. And after that, hindi na po [kami nagkita]. We don’t talk to each other. We don’t really text each other.”
PHOTO/S: @popsfernandezofficial and @andreaetorres on Instagram / YouTube (Andrek Vlogs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results