Kalmadong sinagot ni Derek Ramsay ang mga paratang na ibinabato sa kanya ng ilang netizens.
Kasunod ng breakup nila ng aktres na si Andrea Torres, may mga fans na inakusahan siyang babaero at kinuwestiyon pati ang kanyang kasarian.
Idinamay pa si Pops Fernandez nang i-address nitong "mommy" ang ina ni Derek na si Remedios Ramsay sa kanyang birthday greeting. Nagsalita na ang singer at nilinaw na walang katotohanan ang isyu.
Idinamay rin ang isang fitness enthusiast nang ipinost nito sa Instagram Story ang larawan niya with Derek.
This week, may mga recent Instagram posts ang Kapuso leading man, at ilan sa comments ay sinagot mismo ni Derek.
DEREK ON PHOTO WITH A SEXY FITNESS enthusiast
Isa sa mga paratang na sinagot ni Derek ay ang pagli-link sa kanya sa fitness enthusiast.
Noong December 13, 2020, nabanggit na ni Derek sa kanyang interview sa DZRH na iniuugnay siya ng netizens sa isang “fitness enthusiast, super sexy” dahil sa lumabas nilang larawan.
Nilinaw ni Derek na pinagbigyan lamang ni Derek ang hiling ng health and fitness instructor for a picture.
“May nagpa-picture sa akin, yung girl na… she’s a fitness enthusiast, super sexy, oo. Humingi siya ng picture, umoo ako.
"Ngayon, girlfriend ko na daw,” bulalas ni Derek.
“Parang nakakainsulto din kasi, di ba?"

Muling in-address ni Derek ang isyu dahil kinalkal ito ng netizen at sinabing inililigaw raw ni Derek ang mga tao sa isyung kumukuwestiyon sa kanyang kasarian.
Pinangalanan ng netizen ang fitness enthusiast.
Sabi nito kay Derek: “So why did you suddenly unfollow her? Na shy ka sa netizens?
“O napagalitan ka ni @thejojieworld na manager mo?
“Tapos galit ka when people bash you??? Wow and heller!!!”
Sinagot ni Derek ang netizen, at sinabihang huwag maniniwala sa lahat ng lumalabas sa internet.
“The issue is you seem to believe everything you read on the internet.”
Nilinaw rin niya ulit ang lumabas na larawan nila ng fitness enthusiast: “She asked for a photo. That’s it.”

WHY DEREK CAN’T STICK TO ONE WOMAN
Isang netizen naman ang nag-comment kay Derek na hindi nito kayang “mag-stick sa isang babae.”
Ikinatuwiran pa nito na sa edad ni Derek na 44 ay hindi pa rin daw niya kayang mag-handle ng relasyon.
Ang depensa ni Derek, taon ang itinagal ng kanyang mga nakaraang relasyon kahit hindi nauwi ang mga ito sa kasal.
“I really don’t understand why you guys think this?
“My relationships have lasted years.
“Yes di nga sya nauuwi sa marriage but I know one day it will.
“I’m 44 and you guys na sobrang dami Kong mga babae but that’s not true.”

Kabilang sa mga dating nakarelasyon ni Derek ay sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban, at Joanne Villablanca.
May anak si Derek sa dating model na si Mary Christine Jolly.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
