Andi Eigenmann engaged to surfer Philmar Alipayo

by Rachelle Siazon
Dec 20, 2020
Andi Eigenmann and non-showbiz partner Philmar Alipayo announce that they are engaged to be married after two and a half years of relationship.
PHOTO/S: @andieigengirl Instagram

Masayang inanunsiyo ni Andi Eigenmann na engaged na siya sa non-showbiz partner na si Philmar Alipayo.

Ngayong Linggo, December 20, 2020, nag-post si Andi ng litrato nila ni Philmar kunsaan nakalubog sila sa hanggang dibdib na tubig-dagat sa isang hindi pinangalanang beach place.

Magkaakap ang dalawa habang ipinakita ni Andi ang kanyang kamay na may suot na engagement ring.

Sabi ni Andi: "I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one.

"It would’ve been ok regardless, but it did happen.

"And it happened the way I wanted it and so much more."

Simple pero sobrang meaningful daw ang marriage proposal ni Philmar sa kanya.

"Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him.

"That is how I want the rest of my life to be.

"I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!"

Continue reading below ↓


Sa hiwalay na Instagram post ni Philmar, lubos ang ligayang ibinahagi ng champion surfer ang pagsagot ni Andi ng "YES" sa kanyang proposal.

Nangako rin si Philmar na mamahalin at alalagaan niya ang kanilang pamilya.

One year old and five months na ang anak nilang si Baby Lilo, at malapit itong masundan ng kanilang ikalawang anak dahil buntis muli si Andi.

Continue reading below ↓

Anak na rin ang turing ni Philmar kay Ellie Eigenmann, na anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Ang kabuuang post ni Philmar: "She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you.

"Promise to take care of you, ellie, Lilo and our coming baby number 3 and to make you laugh more and more everyday.

"Together hinay hinajan nato maabot an ato mga pangandoy sa ato kinabuhe para sa ato pamilya. Mahal ko kamo karajaw gikan sa tibook nako kasing2."

(The last line means, "Together we slowly reach our dreams in life for our families. I love you with all my heart.")


Continue reading below ↓

ANDI AND PHILMAR'S LOVE STORY

Dalawang taon at anim na buwan na ang relasyon nina Andi at Philmar.

Nagsimulang manirahan si Andi sa hometown ni Philmar sa Siargao mula noong early 2019.

Pinapatayo na ang bahay nila roon.

Nito lang August 2020, ikinuwento ng couple sa kanilang vlog na nagkakilala sila sa isang surfing competition na sinalihan ni Philmar.

Sinabi ni Andi na siya pa ang nagpakuha ng litrato kay Philmar sa awards ceremony ng surfing event sa Siargao.

Nagka-bonding sila kasama ng isang common friend at iba pang mga kakilala.

Doon na nagsimula ang pagiging magkaibigan nila, hanggang sa nagkagustuhan silang dalawa.

Napagtanto raw ni Andi na may "future" sila ni Philmar dahil sa magandang relasyon ng surfer sa anak ng aktres na si Ellie.

Sabi pa noon ni Andi, "I realized that I am happy with you. I am happy that I make you happy."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann and non-showbiz partner Philmar Alipayo announce that they are engaged to be married after two and a half years of relationship.
PHOTO/S: @andieigengirl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results