PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza, Bianca Gonzalez, Angel Locsin condemn brutal killing in Tarlac

Angel Locsin: "Good cops should condemn bad cops."
by Arniel C. Serato
Published Dec 21, 2020
Maine Mendoza, Bianca Gonzalez, Angel Locsin strongly condemn Police Staff Sergeant Jonel Nuezca (right) for killing unarmed neighbors in Paniqui, Tarlac.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Ikinagalit ng maraming netizens at celebrities ang brutal na pagpapatay ng isang pulis sa nakaalitang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, kahapon, December 20.

Ngayong Lunes, trending sa Twitter ang mga salitang "My Father is a Policeman," "Jonel Nuezca," "#EndPoliceBrutality," at "#STOPTHEKILLINGSPH" kaugnay ng karumal-dumal na krimen.

Dahil sa away ng magkakapitbahay, napatay ng off-duty police na si Staff Sergeant Jonel Nuezca, 46, ang kanyang mga kapitbahay na mag-inang sina Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25.

Si Nuezca ay nakadestino sa crime laboratory ng Parañaque City Police.

Ang dahilan diumano ng away ng magkakapitbahay ay tungkol sa paputok.

Nang kinumpronta ng pulis ang kanyang kapitbahay, naungkat ang dati na nilang alitan tungkol sa right of way.

Point blank na binaril ni Nuezca ang mag-inang Gregorio sa harap mismo ng anak niyang batang babae.

MAINE MENDOZA

Sa kanyang Twitter account, dalawang magkasunod na tweets ang ibinahagi ni Maine Mendoza.

Mariing kinondena ng Eat Bulaga! host ang ginawa ng pulis. Saad pa niya, puwede din bang barilin na lang ang pulis sa harap ng anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang anak na babae ni Nuezca ay nagyabang na "My father is a policeman" ilang segundo bago barilin ng ama ang mag-ina.

Pahayag ni Maine sa una niyang tweet: “BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo?

“Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio. #STOPTHEKILLINGS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad naman niya sa isa pang tweet: “Bihira nalang magcheck ng Twitter, yun pa talaga bubungad sayo. Ang sakit talaga sa puso... #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality

BIANCA GONZALEZ

Halos ganito rin ang mensahe ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez.

Tweet niya, "#JusticeforSonyaGregorio #JusticeForFrankGregorio Tumatawag ng hustisya pero sa totoo lang ay nawawalan ng pag-asa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ilang magulang o anak ang pinatay ng ganun ganun lang na hindi nakunan ng video o walang nakasaksi at hindi makakamit ang hustisya? #STOPTHEKILLINGSPH"

Dagdag pa niya, "#STOPTHEKILLINGSPH Na parang normal lang ang pagbunot at pagputok ng baril. Na parang wala lang ang buhay ng dalawang taong walang laban at hindi nanlaban. Na kung walang video na nakuha ay hindi pa malalaman ang kawalanghiyaang krimen na nangyari. #EndPoliceBrutality"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGEL LOCSIN

Pumagitna naman si Angel Locsin sa usapin.

Aniya, dapat kondenahin ng mga matitinong pulis ang kanilang mga kabaro na gumagawa ng masama.

Sabi niya, "Good cops should condemn bad cops. Remember the motto, #ToProtectAndToServe."

NETIZENS REACTIONS

Naghayag naman ng kanilang galit ang maraming netizens sa Twitter.

Narito ang ilan sa kanila:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya sa Pangasinan si Nuezca.

Nakuhaan na rin siya ng kanyang mugshot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inihanda na rin na pamunuan ng pulisya ang double murder complaint na isasampa sa kanya sa hukuman.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza, Bianca Gonzalez, Angel Locsin strongly condemn Police Staff Sergeant Jonel Nuezca (right) for killing unarmed neighbors in Paniqui, Tarlac.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results