Watch Now

Arjo Atayde professes overflowing love for Maine Mendoza on their second anniversary

by Bernie V. Franco
Dec 22, 2020
Arjo Atayde Maine Mendoza second anniversary
Maine Mendoza and Arjo Atayde proudly take to Instagram to greet each other on their second anniversary as a couple.
PHOTO/S: @mainedcm on Instagram

Proud na proud sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na nag-post sa social media para batiin ang isa’t isa ng second anniversary.

Idinaan nina Maine at Arjo ang pagbati sa pamamagitan Instagram post ngayong araw ng Lunes, December 21, 2020.

Lipas na ang mga panahong iwas o kaya ay isinisikreto ng showbiz couple ang kanilang pagmamahalan.

Unang nag-post si Maine ngayong gabi. Ipinost niya ang larawan nila ni Arjo habang magkadikit ang kanilang mga mukha at kitang-kita ang kanilang mga ngiti.

Simpleng caption ng actress-TV host: "happy second [white heart emoji]"

Maine and Arjo second anniversary

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita sa background ang isang cottage habang nasa beach front sila. Walang deskripsiyon si Maine kung recent ang kuhang ito.

Pero bago ito ay may naunang post si Maine na tila kuha rin sa parehong lokasyon.

Caption ni Maine: “sunday slowdown”

Makalipas ang ilang oras ay si Arjo naman ang nag-post.

Magkadikit din ang kanilang mukha habang naka-topless ang aktor at naka-swimsuit si Maine.

Base sa mga puno at buhangin sa background ay sa beach din ito kinunan.

Sa caption ay animo’y ipinagsisigawan naman ng aktor ang pagmamahal niya kay Maine.

Mensahe ng Kapamilya actor: “I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd anniversary bubs! [red heart emoji]”

Arjo and Maine second anniversary

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malayong-malayo ang posts na ito ng dalawa sa paparazzi shots na nagli-leak noon sa social media sa tuwing nakukunan sila ng netizens kapag namamataang magka-date sa events at mga bakasyon.

Maine and Arjo love journey

Unang napabalitang may espesyal na namamagitan sa dalawa nang lihim silang makunan ng isang PEP.ph source na magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Makati City noong October 2018.

Ibig sabihin nito, pagkalipas lang ng dalawang buwan matapos silang makunan sa restaurant na iyon ay naging pormal na ang relasyon nila.

Sa kabila nito ay naging tahimik at mailap ang dalawa kaugnay ng kanilang relasyon.

Ang tanging indikasyon lamang na patuloy ang namamagitan sa kanila ay ang paparazzi shots na ipinu-post ng netizens kapag magkasama ang dalawang pumupunta sa events at mga biyahe sa loob at labas ng bansa.

Naging solido naman ang tungkol sa relasyon ng dalawa nang aminin ni Sylvia Sanchez, ina ni Arjo, na “exclusively dating” ang kanyang anak at si Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging opisyal naman ang lahat sa publiko nang ianunsiyo nina Arjo at Maine ang pagdiriwang ng kanilang first anniversary noong December 21, 2019 sa pamamagitan ng Instagram post ni Maine.

Nagkomento rito si Arjo ng “I’m crying.. I love you.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza and Arjo Atayde proudly take to Instagram to greet each other on their second anniversary as a couple.
PHOTO/S: @mainedcm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results