Watch Now

Pops Fernandez, Martin Nievera admit staying friends after their separation was not easy

by Bernie V. Franco
Dec 24, 2020
Pops Fernandez and ex-husband Martin Nievera talk about their journey on how they became friends after their failed marriage.
PHOTO/S: Facebook (Martin Nievera)

Marami ang hanga sa dating mag-asawang sina Pops Fernandez at Martin Nievera dahil sa kabila ng kanilang paghihiwalay noon ay nanatili silang magkaibigan.

Papuri nga ng marami, testimonya sina Pops at Martin na kahit nagkahiwalay ay pwede pa ring magkasundo.

Pero aminado ang dating mag-asawa na hindi naging madali bago sila nagkapatawaran.

Sina Martin at Pops ay nagkakilala noong 1982. Ikinasal sila noong 1986.

Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Robin at Ram.

Nagkaroon ng alegasyong pagtataksil sa panig ni Martin.

Nag-file ng annulment si Pops noong 1999.

Pagkalipas lamang ng isang taon, naaprubahan ang annulment ng kanilang kasal.

Makalipas ang ilang taon, muling naging magkaibigan ang dalawa at nagawa pang makipagtrabaho sa isa't isa.

FRIENDSHIP WAS THE FOUNDATION

“We can still exist together even if we’re not together,” testimonya ni Martin sa isang virtual presscon noong December 16, 2020.

Sabi ng Concert King, pruweba sila na ang mag-ex ay maaari pa ring magkasundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida pa ni Martin, co-parenting sila ni Pops sa kanilang dalawang anak.

“There is a nice lesson, a magic lesson to learn after every episode that you can see.

“Wala kaming plastic."

Dagdag pa niya, “The magic is that we were friends [before].

“Because our foundation was friendship, we were able to do this.

“We started as really good friends. I knew all the guys who were courting her.

“She knew all the girls I had crushes on.

“We knew each other’s growing pains, our parents, with the pressures of being teenager in her case.”

Pero nilinaw ng dalawa na hindi rin madali ang pinagdaanan nila bago sila naging magkaibigan muli.

“It wasn’t easy, right?” ani Martin kay Pops.

Pagsang-ayon ni Pops, “It wasn’t easy. Plus, it was also not planned.”

Malaki raw ang kinalaman ng kanilang chemistry sa muli nilang pagbabati.

“It’s a chemistry we’ve always had and, yes, thank you for Penthouse Live. Direk Fritz,” sabi ni Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Penthouse Live ay ang musical-variety show ng GMA-7 na pinagsamahan nina Martin mula 1982 hanggang 1987. Idinirehe ito ni Fritz Ynfante.

Sa matagal na panahong pagsasamang iyon, nabuo ang solidong chemistry nina Pops at Martin.

Kabilang sila sa original hosts ng ABS-CBN variety show na ASAP, na nagsimula noong 1995.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kadalasan din silang nagkakasama sa concerts at shows.

ADVICE TO COUPLES WHO HAVE UNCOUPLED

Paniniyak ni Martin, walang halong kaplastikan ang pagkakaibigan nila ng kanyang ex-wife.

“What you see really is what you get," sambit niya.

It’s our friendship, sincere love, and respect for each other, even as individuals, that keep this tandem together.

“There’s really no formula there.

“The marriage may be over and all of those things that came with it—the pain—but also the good news is the pain is over too, so now we can move on."

Ano ang maipapayo nila sa mga dating mag-asawang naghiwalay para mailigtas ang pagkakaibigan kung hindi man ang relasyon?

Sabi ni Pops, “Everything takes time. It takes time to heal, di ba?

“So, there is that process, and I don’t think you can skip the process.”

Hindi raw kailangang magmadali o pilitin ang pagpapatawad sa isa’t isa kung hindi pa handa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because the idea is go through all of it, but then you move on after.

“Because once you moved on... when I say kasi moving on, it’s really forgetting all the things that have happened para maka-step forward ka talaga.

“Because if you keep remembering, it will just pull you down, and then you really can’t move on.”

Sundot ni Martin, “That’s right, the extra weight, 'no?

“Also remember the purpose why you’re together to begin with. That in itself should give you license to, at least, still remain friends.”

Paniniyak ni Pops, “Trust me it, feels much better once you’re friends.”

Magkasama ngayon sina Pops at Martin sa musical show na eXes & whYs na mapapanood tuwing Sabado sa Colours cable channel, sa Cignal TV CH. 202 HD and 60 SD.

Available din ito nang libre sa Cignal Play.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez and ex-husband Martin Nievera talk about their journey on how they became friends after their failed marriage.
PHOTO/S: Facebook (Martin Nievera)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results