Meryll Soriano confirms rekindled romance with Joem Bascon; reveals new baby

by Bernie V. Franco
Jan 1, 2021
Meryll Soriano Joem Bascon new baby
NEW YEAR, NEW LIFE. Meryll Soriano and Joem Bascon are back in each other's arms. Plus, they also have a new bundle of joy.
PHOTO/S: @planetumeboshi on Instagram

Kinumpirma ni Meryll Soriano na nagkabalikan sila ng dating boyfriend na si Joem Bascon.

Isang taon na ang nakalilipas nang mapabalitang nagkabalikan sila, pero wala silang kumpirmasyon.

Kasabay ng pagkumpirma ng pagbabalikan nila ay ang announcement ni Meryll, 38, na mayroon silang bagong baby ni Joem, 34.

Madaling-araw ng Bagong Taon, January 1, 2021, ipinost ng aktres sa Instagram ang larawan nila ni Joem.

Habang nagtititigan at parehong nakangiti, karga-karga ni Meryll ang isang sanggol.

Ito ang caption ni Meryll: “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love.

“New year, new hopes, new positive outcomes.

“Happy New Year from our family to yours!”

Sa isa pang photo ay makikitang hinahalikan ni Joem ang baby. At ang pangatlong larawan ay kasama ang anak ni Meryll na si Elijah.

Si Elijah, 13, ay anak ni Meryl sa dating partner na si Bernard Palanca.

Continue reading below ↓

Walang ibinigay na impormasyon kung kailan isinilang ng aktres ang anak nila ni Joem.

Joem Bascon instagram post with Meryll Soriano and newborn baby

REKINDLED ROMANCE

January 2020 ay napaulat ang pagbabalikan nina Joem at Meryll.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Crisha Uy, dating longtime girlfriend ni Joem, na nagkahiwalay sila ng aktor noong December 2019.

Ito ay sa kabila ng may plano na noon sina Joem at Crisha na magpakasal.

Continue reading below ↓

Umugong ang balitang muling nagkamabutihan sina Joem at Meryll, na noon ay magkasama sa ABS-CBN teleseryeng Starla, na pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

Pero walang kumpirmasyon mula kina Meryll at Joem.

Sa farewell presscon ng Starla noong January 6, 2020, natanong si Joem tungkol sa kanila ni Meryll, pero iniwasan niya ang tanong.

Pa-safe na sagot noon ni Joem: “Very special for us ang Starla kasi sobrang andaming pagkakaibigan ang nangyari, bonded kami…

“So, meron kaming nabuong samahan ng mga pagkakaibigan.

“Even after kami na hindi nagti-taping, nagsasama kami, nagkikita kami minsan...

“We get together.

“It’s very special for me, especially kasi sobrang tagal kasi naming ginawa ang Starla.

“Aaminin namin na talagang naging magbabarkada kami, naging masaya kami na magkakasama.

“We’re just very happy, that’s why it’s very special for us, not just for me and Meme [palayaw ni Meryll].”

Simpleng “Happy New Year,” naman ang isinagot ni Meryll sa ibinatong tanong sa kanila ni Joem.

Continue reading below ↓

Unang nagkatrabaho sina Joem at Meryll sa Kapamilya teleseryeng I Love Betty la Fea (2008-2009).

Nagkarelasyon ang dalawa pero nagkahiwalay rin pagkatapos ng isang taon.

Bukod sa Starla ay nagkasama rin sina Meryll at Joem sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Culion.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NEW YEAR, NEW LIFE. Meryll Soriano and Joem Bascon are back in each other's arms. Plus, they also have a new bundle of joy.
PHOTO/S: @planetumeboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results