Lovely Abella gets engaged anew to Benj Manalo; fiancé also proposes to her daughter Crisha

by Arniel C. Serato
Jan 2, 2021
Lovely Abella: "For 2nd time around I got engaged at nag propose na din si benj sa anak ko para maging Anak na din niya, ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat in Gods Perfect time.."
PHOTO/S: Courtesy: @lovelyabella_ on Instagram

Nag-propose muli si Benj Manalo sa fiancée niyang si Lovely Abella kahapon, January 1, 2021.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nag-propose si Benj kay Lovely.

Unang nag-propose ang FPJ's Ang Probinsyano actor sa Bubble Gang mainstay noong June 2019.

Sabi ni Lovely sa kanyang Instagram post kahapon, hindi raw niya inaasahan na muling magpo-propose sa kanya ang fiancé.

Anim na taon na ang relasyon nina Lovely at Benj ngayong taong ito.

Bukod kay Lovely, nag-propose din si Benj sa anak na babae ng fiancéena si Crisha Kaye.

Saad niya, “For 2nd time around I got engaged at nag propose na din si benj sa anak ko para maging Anak na din niya, ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat in Gods Perfect time..”

Mensahe pa niya sa anak, “Nak, pangako ko na wala kang kahati, ikaw lang forever @crishakaye_.”

Dagdag pa niyang mensahe kay Benj, “Babe @benj salamat sa lahat ng pagmamahal, madami mang pinagdaanan pero alam nating sila ang mapapagod sa atin,Cheers babe and Goodjob sa atin..

Continue reading below ↓

“at sayo 2020 thank you lahat ng tinuro mo sa amin, sa lahat ng sakit na binigay mo dahil sa lahat ng yun may bakas man, pero mas marami kaming natutunan..

“papasukin na namin ang 2021 ng panibagong buhay, sa lahat ng nangyari mas naeexcite na ako sa mga haharapin pa namin ng buong tapang..

“Happy New Year Everyone #Benly #engagement #motheranddaughter

“SO EXCITED FOR OUR FUTURE TOGETHER”

Sa kanya namang Instagram, itinuturing ni Benj sina Lovely at Crisha ang dalawang pinakaimportanteng babae sa buhay niya.

Aniya, “Thank you 2020! Maraming salamat sa lahat! Sa buhay, sa pag mamahal Lord!

“Higit sa lahat, salamat dahil papasok ang 2021 na mapapakasalan ko ang dalawang importanteng babae sa buhay ko, i got engaged again to my Partner @lovelyabella_ and my daughter @crishakaye_ dun palang sobrang happy na ako papasok ng 2021!!

“higit sa lahat kasama ko ang mga kapatid ko na matagal ko hindi nakakasama @ai.manalo & @colynmanalo at si ate @tessyanela missing @niccomanalo @mykimanalo and @mykaisabel happy newyear to all! Godbless!”

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Excited na raw si Benj sa magiging future nila ng kanyang magiging asawa.

Sabi ni Benj, “My soon to be Mrs. Manalo. @lovelyabella_ happy newyear babe! I love you so much!! So excited for our future together #BenLy

View this post on Instagram

A post shared by Benj Manalo (@benj)

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovely Abella: "For 2nd time around I got engaged at nag propose na din si benj sa anak ko para maging Anak na din niya, ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat in Gods Perfect time.."
PHOTO/S: Courtesy: @lovelyabella_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results