Did KC Concepcion and apl.de.ap welcome the New Year together in Palawan?

by Bernie V. Franco
Jan 4, 2021
A netizen posted on social media his separate photos with The Black Eyed Peas member apl.de.ap (left) and KC Concepcion. The netizens speculate that the photos were taken in Palawan, where the actress is currently in vacation.
PHOTO/S: @apldeap and @itskcconcepion on Instagram

Magkasama bang sinalubong nina KC Concepcion, 35, at apl.de.ap, 45, ang Bagong Taon sa isla ng Palawan?

Ito ang tanong ng marami matapos i-post sa Facebook ng isang netizen ang hiwalay niyang larawan kasama sina KC at apl.de.ap.

Bagamat hindi nakapagpakuha ng larawan ang netizen kina KC at apl.de.ap na magkasama ang dalawa, mahihinunahang sa isang dining area nakunan ang mga larawan.

Pareho ang suot ng lalaki sa kuha niya kina KC at Apl.

Tanging caption ng netizen: “Kc concepcion & APL de ap [smiling face with heart eyes emoji]”KC Concepcion apl.de.ap together palawan

Continue reading below ↓

KC IN PALAWAN

Bago sumapit ang New Year, sunud-sunod ang post ni KC sa Instagram ng bakasyon niya sa El Nido, Palawan.

Kitang enjoy si KC na muli siyang makapag-beach.

Base sa check-in ni KC, nag-stay siya sa Angkla Beach Club & Boutique Resort.

Maraming nakasabay na celebrity roon si KC, kagaya nina Erik Santos at Tim Yap.

Ang Venus-cut outfit na suot ni KC sa viral photo niya kasama ang isang netizen ay suot din niya sa kanyang Instagram post habang naliligo sa beach noong bisperas ng Bagong Taon.

Noong mismo namang Bagong Taon, ipinost ni KC ang kanyang photo na nakasuot ng yellow at animal-print long dress.

Bumati sa kanya ang amang si Gabby Concepcion ng “Happy New Year”

Tinukso si Gabby ng isang netizen kung may ipinakilala na ba sa kanya si KC.

Walang binanggit na pangalan pero gumamit ito ng emoji na apple.

Gumatong ang ilan pang netizens at tinukso si Gabby na magkakaapo na raw ito soon.

Continue reading below ↓

Samantala, ayon sa ulat ng entertainment columnist na si Reggee Bonoan sa Bandera, isang source ang nagsabing nakiusap ang grupo nina KC at Apl na huwag silang kunan ng larawan nang magkasama,

Ang iba namang naroon na nakunan nang magkasama sina KC at Apl ay sinabihan daw huwag itong i-post sa social media.

Continue reading below ↓

Sa nakalipas na dalawang taon ay patuloy na nali-link si KC kay apl.de.ap.

Sa katunayan, noong December 2019 ay magkasama sina KC at apl.de.ap sa closing ceremony ng South East Asian Games sa Capas,Tarlac dahil nag-perform doon ang international rapper.

Noon namang katapusan ng October 2020, naging guest ni KC si apl.de.ap sa kanyang online cooking show na Kitchen Collabs.

Pagpapakilala ni KC kay apl.de.ap ay “great, great friend.”

Wala pa ring kumpirmasyon sina KC at apl.de.ap kung may relasyon na sila, pero ang recent na balitang ito ay hindi magpapatigil sa espekulasyong may namamagitan na sa kanila.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy pa rin si KC sa pagpu-post ng mga larawan niya sa Palawan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen posted on social media his separate photos with The Black Eyed Peas member apl.de.ap (left) and KC Concepcion. The netizens speculate that the photos were taken in Palawan, where the actress is currently in vacation.
PHOTO/S: @apldeap and @itskcconcepion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results