Anthony Taberna flexes photo of daughter Zoey's hair starting to grow back

by Arniel C. Serato
Jan 4, 2021
Anthony Taberna family
Anthony Taberna (right), wife Rossel Taberna (left), daughters Zoey (second from left) and Helga Taberna (second from right) spend New Year with relatives in Subic, Zambales.
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying28 on Instagram

“We are Familia Taberna and we’re #TeamStrong!”

Ito ang madamdamin at mapunyaging post ng DZRH anchor na si Anthony Taberna ukol sa pinagdadaanang pagsubok ng kanilang pamilya.

Una na rito ang pagkakaroon ng leukemia ng kanyang panganay na anak na si Zoey.

Kasunod dito ang pagnanakaw ng isang pinagkakatiwalaang tauhan, na diumano'y nagbulsa ng milyong pisong halaga ng pera, mula sa kanilang restaurant business.

Kahapon, January 3, nag-upload si Anthony sa Instagram ng mga larawan nilang pamilya na kuha sa kanilang New Year’s family reunion sa Subic, Zambales.

Sa caption ay ipinagbunyi niya ang katapangan ng anak sa pagharap sa malubhang karamdaman nito.

Ayon pa sa broadcaster, unti-unti nang tumutubo ang buhok ni Zoey na pinakalbo nito noong December 2, 2020.

Iyon ang unang anibersaryo mula nang natuklasan nilang may leukemia si Zoey.

Mensahe ng Dos Por Dos host, “Walang bonnet. Walang hair extension. Walang wig. Ito na ang totoong buhok ni Zoey.

Continue reading below ↓

“Medyo mabagal tumubo pero magandang umpisa ng Bagong Taon.

“Go go go Zoey!!! Wag ka na malulungkot ulit sa buhok mo ha?

“We are Familia Taberna and we’re #TeamStrong! #AzasiaZoey"

“HAPPY NEW YEAR”

Sa kanyang panig, ipinakita naman ng asawa ni Anthony na si Rossel Taberna ang kasiyahan nila sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Wala man siyang nabanggit ukol sa kalagayan ni Zoey, mababanaag sa kanilang mga larawan na hindi naging hadlang ang karamdaman ng anak at sa sinapit ng kanilang negosyo sa masaya nilang pagsalubong ng 2021.

Bahagi ng post ni Rossel sa Instagram, “Memoirs of a HAPPY NEW YEAR.

“First and last outing with the whole family for 2020.

“Thank you God for giving us this time of the year to be with the most important people in our lives.”

December 2, 2020 nang ipinaalam ni Anthony sa publiko ang karamdaman ng 12 anyos na anak.

Makalipas ang halos tatlong linggo, ibinahagi nina ni Anthony at Rossel ang ginawang pagnanakaw ng pinagkakatiwalaan nilang tauhan sa kanilang restaurant business.

Continue reading below ↓

Milyones daw ang halagang naibulsa nito mula sa kinita ng Ka Tunying’s, ang kanilang resto business.

Inihahanda na raw nila ang reklamong isasampa nila laban dito at sa mga kasangkot nito.

Wala pang balita kung ano na ang kinahinatnan sa kanilang ginawang hakbang laban sa dating tauhan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna (right), wife Rossel Taberna (left), daughters Zoey (second from left) and Helga Taberna (second from right) spend New Year with relatives in Subic, Zambales.
PHOTO/S: Courtesy: @iamtunying28 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results