Mystery guy in Julia Barretto's post intrigues netizens; netizens call it Julia’s “jowa reveal”

by Bernie V. Franco
Jan 4, 2021
Julia Barretto mystery guy
Julia Barretto's latest Instagram post once again catches the attention of netizens. The actress posts about her new pet, a puppy, but what caught the netizens' attention is the hairy arm of a guy in the picture.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram

Nagmistulang guessing game ang recent Instagram post ni Julia Barretto.

Pinagtalunan ng netizens at ng kanyang supporters kung sino ang katabi niyang mabalbong lalaki sa loob ng kotse.

May mga nagtanong, may mga nanghula, may nagsabing “confirmed” kung sino ang nasa driver’s seat sa loob ng kotse.

Unanimous ang hula ng netizens: si Gerald Anderson daw ito.

Nitong Linggo, January 3, nag-post ng larawan si Julia sa Instagram.

Kuha ito ng isang babaeng nasa loob ng kotse. Kalong-kalong nito ang isang white puppy na St. Bernard ang breed.

Hindi kita ang mukha ng babae, pero hinala ng netizens ay si Julia ito.

Caption ni Julia sa post: “New baby St. Bernard.”

Pero hindi ang babae o ang aso ang nakapukaw ng atensiyon ng netizens, kundi ang lalaking nasa driver’s seat.

Bukod sa mabalbong braso, hindi kita ang mukha ng lalaki na nakaitim na pang-itaas.

Continue reading below ↓

NETIZENS SAY THIS IS A "JOWA REVEAL"

Nagsunud-sunod na ang komento ng netizens.

Marami ang nag-usisa kung sino ang “driver” ni Julia.

Marami sa kanila ay nanghula at nagsabi pang “confirmed” na ang lalaki ay si Gerald, na tinawag pa sa kanyang palayaw na “Ge,” “G,” at initials na “GA.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Giit naman ng ibang netizens, ang post na ito ni Julia ay isa nang “jowa reveal.”

Biro ng isang netizen, "Nag jowa reveal na yung iba juls ikaw kelan kaya hmmm"

Ang ilan, hinimok si Julia na i-reveal na kung sino ang misteryosong lalaki at tiniyak na susuportahan pa rin siya ng mga ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Pinagbasehan ng marami ang mabalbong braso ng lalaki sa larawan.

Ang iba, binisita pa raw ang Instagram account ni Gerald at nakumpirma raw nilang ang aktor nga ito dahil sa mabalbong braso.

Continue reading below ↓

"UMAMIN NA KAYO"

Sunud-sunod din ang pag-uudyok ng ilang netizens kay Julia na umamin na.

Sabi ng supporters ni Julia, magiging masaya sila para sa aktres at nangakong patuloy siyang susuportahan.

"Umamin na kayo mga mars tanggap namin kayo," komento ng isa.

Sabi naman ng ilan, umamin na sina Julia at Gerald dahil masaya sila para sa kanilang dalawa.

Continue reading below ↓

Puna naman ng iba, inuunti-unti pa ng dalawa ang paglalantad ng kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Simula nang magsama sina Julia at Gerald sa pelikulang Between Maybes noong 2019 ay hindi na tumigil ang pagli-link sa kanila.

Bago sumapit ang Holiday season ay may mga makahulugang post ang dalawa gaya ng pagyayayaan nila ng "tara," kuhang larawan nila ng pamamasyal sa Tanay, Rizal, at ang pagsusuot ni Julia na kuwintas na may pendant na "G."

Paniniwala ng marami, may namamagitan na kina Gerald at Julia subalit wala pang kumpirmasyon mula sa kanila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto's latest Instagram post once again catches the attention of netizens. The actress posts about her new pet, a puppy, but what caught the netizens' attention is the hairy arm of a guy in the picture.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results