Son of Claire dela Fuente speaks up about alleged involvement in Christine Dacera rape-slay case: "Paano po naging rape? Bakla po ako."

by Arniel C. Serato
Jan 5, 2021
Gregorio Angelo Rafael de Guzman, son of singer Claire dela Fuente, denies involvement in the Christine Dacera rape-slay case: "Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari."
PHOTO/S: Screen grab from GMA News TV

Isa pang suspect sa alleged rape-slay case ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera ang lumutang.

Ito ay si Gregorio Angelo Rafael de Guzman, anak ng beteranang singer na si Claire dela Fuente.

Sa programang Quick Response Team (QRT) ng GMA News TV ngayong araw, January 5, nakausap ng host na si Emil Sumangil si De Guzman.

Ayon kay De Guzman, noong New Year’s eve party lang niya nakilala si Dacera, na ipinakilala naman ng kaibigan niyang flight attendant.

Mariin niyang pinabulaanang may kinalaman siya sa krimeng ibinibintang sa kanila.

Nauna raw siyang natulog, at kinaumagahan na lamang niya nalamang may nangyaring masama kay Dacera.

Sinubukan pa raw nilang isalba ang buhay ni Dacera.

Siya pa raw mismo ang nagsagawa ng CPR (cardiopulmonary resuscitation) sa nasawing flight attendant.

Hindi rin daw nila iniwan ang dalaga.

Isa rin daw siya sa nagsugod kay Dacera sa ospital, at kasama rin daw siya sa nagpunta sa pulisya upang ipabatid ang pangyayari.

Continue reading below ↓

Saad ni De Guzman, “Andun po kami, hindi namin iniwan si Tin until the end. Hindi namin iniwan si Tin.”

Labis daw siyang nasasaktan sa mga ibinintang na krimen sa kanila.

“Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari.

“Nandun kami sa police station, sa ospital, sa hotel, hindi namin siya iniwan.”

Wala rin daw katotohanan ang tungkol sa akusasyong panggagahasa.

Saad ni De Guzman, “Absurd po. Paano po naging rape?

“Bakla po ako. Hindi po ako nakipagtalik sa babae, never in my life.”

Gregorio Angelo Rafael de Guzman denies accusations

Continue reading below ↓

CHRISTINE DACERA "RAPE-SLAY" CASE

Si Dacera ay flight attendant ng Philippine Airlines (PAL).

RELATED STORY

Nagpaabot na ang pamunuan ng kumpanya kanyang pinaglilingkuran ng pakikiramay sa pamilya niyang naghihinagpis ngayon.

Natagpuang wala nang buhay si Dacera sa bathtub ng kanyang kuwarto sa City Garden Hotel sa Makati City noong January 1, 2021.

Diumano, nakipag-party si Dacera kasama ang lagpas sa sampung lalaki bandang alas onse ng gabi noong December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Ang ilan daw sa mga nasa party ay kasamahan ni Dacera sa trabaho, pero ang iba ay niyaya lamang daw ng mga kaibigan ng flight attendant.

Aneurysm ang naunang findings ng autopsy sa mga labi ni Christine.

Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng pulisya, nakitaan daw nila ang labi ni Dacera ng mga pasa sa tuhod, laceration sa ari, at semen.

Kaya posibleng ginahasa raw muna ito bago pinatay.

Inaresto ng pulisya ang tatlo sa mga akusado na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido, at John Paul Reyes Halili.

Continue reading below ↓

Nakapiit sila ngayon sa Makati City Police Station, at na-inquest na rin sila sa Makati City Prosecutor’s Office kaninang umaga.

Ang iba pang tinutugis ay sina Gregorio, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, Ed Madrid, at isa pang akusadong nakilala lamang sa pangalang Paul.

Nagsalita na rin ang isa pang akusado na si Valentine Rosales sa kanyang Instagram kung saan mariin niyang itinanggi ang bintang sa kanya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gregorio Angelo Rafael de Guzman, son of singer Claire dela Fuente, denies involvement in the Christine Dacera rape-slay case: "Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari."
PHOTO/S: Screen grab from GMA News TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results