Christine Dacera camp reveals details about her death; her mom cries, "Binaboy niyo ang anak ko!"

by Rachelle Siazon
Jan 5, 2021
Nanindigan ang kampo ni Christine Dacera na hinalay ang dalaga at posibleng may foul play umano sa pagkamatay nito noong January 1, 2021. Abot sa 16 na lalaki ang sinasabing may kinalaman sa rape-homicide complaint.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram

Walang magawa ang ina ni Christine Dacera kundi mapahagulgol sa iyak dahil sa umano'y "karumal-dumal" na trahedyang sinapit ng anak pagpasok ng Bagong Taon.

Si Christine, 23, ay isang flight attendant ng Philippine Airlines.

RELATED STORY

Pumanaw si Christine noong January 1, 2021, at sinasabing biktima umano ito ng pang-aabuso.

Nagsampa ng reklamong rape at homicide ang kampo ni Christine laban sa grupo ng mga kalalakihang kasama nitong sumalubong sa Bagong Taon.

Naganap ang insidente sa City Garden Hotel sa Kalayaan Avenue corner Makati Avenue sa Makati City.

Sa isang press conference ngayong Martes ng hapon, January 5, 2021, humarap ang ina ni Christine na si Sharon Dacera, na tiga-General Santos City.

Emosyonal na inihayag ni Sharon na nais niyang pagbayarin ang may kagagawan sa diumano'y sekswal na pang-aabuso at pagpatay kay Christine.

Naluluhang bungad ni Sharon: "Binaboy niyo ang anak ko!

"Ayoko may mangyari uli na may isang babae na bababuyin niyo uli.

Continue reading below ↓

"Kaya lalabanan ko itong laban ng anak ko."

Desidido si Sharon na makamit ang hustisya kahit na galing lamang daw siya sa ordinaryong pamilya.

Sabi niya: "Kung sino man ang perpetrators, dapat maparusahan.

"Hindi deserve ni Christine yung brutality na ginawa...

"Sigaw ko, hustisya para sa anak ko."

Kasama ni Sharon na humarap sa presscon ang spokesperson ng pamilya Dacera na si Atty. Brick Reyes. Ang tatlong legal counsels nila na humahawak sa kaso ay sina Atty. Jose Leda III, Atty. Paulo Julia, at Atty. Mark Roxas.

HOT STORIES

NINE MALE INDIVIDUALS WITH CRISTINE AT NYE PARTY

Si Brick Reyes ang nagdetalye ng mga pangyayaring nakapalibot sa pagkamatay ni Christine.

Si Christine daw ang nag-book ng Room 2209 sa City Garden Hotel para doon magdiwang ng New Year's Eve kasama ng mga kaibigan at katrabaho niya sa Philippine Airlines.

Tanging si Christine lamang ang babae sa party na naganap noong gabi ng December 31.

Continue reading below ↓

Sinasabing tatlo lamang ang inaasahan ni Christine sa party, pero may mga dumating pang ibang bisita.

Siyam na lalaki ang natukoy na nasa loob ng Room 2209, at inabot daw ng umaga ang party ng mga ito.

Lahad ni Reyes: "At about one o'clock in the morning, I suppose they were celebrating the New Year.

"And somehow, between 6 to 10 in the morning of January 1st, Christine had already experienced intoxication and she complained more particularly that her drinks appeared to have been spiked.

"So, subsequently, between 6 and 10 in the morning, she already collapsed."

Sinasabing mayroon sa kanilang grupo na nagsagawa ng CPR (Cardio Pulmonary Resuscitation) o isang life-saving emergency procedure para mabuhay pa si Christine.

Pero hindi na ito umubra.

Patuloy ni Reyes ukol sa kasama ni Christine sa Room 2209: "They tried to use CPR, they tried to revive her, until they finally couldn't revive her at 12 o'clock.

Continue reading below ↓

"They brought her down and they brought her to the Makati Med where she was pronounced dead."

ALLEGED FOUL PLAY

Lumabas sa unang autopsy report na ruptured aortic aneurysm ang ikinamatay ni Christine Dacera.

Ang aortic aneurysm, ayon sa uwhealth.org, ay may kinalaman sa pag-expand ng aortic wall dahil sa elevated blood pressure sa aorta o bahagi ng puso.

Ang pag-rupture ng aortic aneurysm ay maaari raw magsanhi ng internal bleeding o stroke.

Bukod sa iba't ibang disorder, maaari rin daw itong ma-trigger ng physical trauma sa gawing dibdib o tiyan.

Umalma ang kampo ni Christine dahil kulang daw ang detalyeng nakasaad sa autopsy report.

Hindi raw nakasaad ang mga pasa at sugat na natagpuan sa katawan ng biktima.

Paliwanag ni Reyes: "They are saying that she died of natural causes, a ruptured aortic aneurysm which appears in the certificate of death, but which does not include all the injuries that she sustained.

Continue reading below ↓

"That's why when we saw the certificate of death of Dr. Sarmiento, we decided to take photogpraphs of Christine's injuries and we included this in the witnesses' complaint to show what kind of an autopsy is this. Why did you not specify the other injuries?

"If you look closely at the medico legal of Dr. Sarmiento, it is not complete as far as we are concerned.

"That's why we requested another autopsy."

Naninindigan ang kampo ni Christine na ginahasa ang dalaga at pumanaw ito dahil sa pang-aabusong sinapit nito sa kamay ng mga suspek.

"There are two issues that we have to study. One, drugs were used on Christine; and then she was abused prior to her death.

"That is why we charged the respondents with rape and homicide," giit ni Reyes.

Dapat daw panagutin ang "nine individuals" na kasama ni Christine sa Room 2209 na hinihinalang may "direct participation" o "accessory" umano sa krimen.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Reyes: "Sino ba talaga ang nag-sexually assault kay Christine? Sino ba talaga ang nag-spike ng drink niya with drugs?

"Sino ba talaga ang immediate cause ng kamatayan niya?

"Kasi yung sinasabi na ruptured aortic aneurysm is only the result of the assault. Yun ang aming position."

"SEVEN" MALES IN THE OTHER HOTEL ROOM

Nauna nang lumabas sa ulat ng GMA News na pasado alas dose ng hatinggabi ay nakausap pa raw ni Sharon ang anak na si Christine.

Kinumpirma pa raw ng dalaga kay Sharon na ang mga kasamahan niyang flight attendants ang kasama nito sa party.

Mayroon ding CCTV footage kunsaan nakunan si Christine at isang lalaki na lumipat sa kabilang hotel room.

Nakunan rin daw sa CCTV na umaga na nang makitang buhat ng isang lalaki si Christine pabalik sa Room 2209 ng hotel.

Sa ginanap na presscon nitong hapon ng Martes, kinumpirma ni Reyes na iniimbestigahan pa ng pulisya ang iba pang grupo ng kalalakihang sangkot sa insidente.

Continue reading below ↓

"The police are still identifying the identities of the other persons.

"Because there's another room, Room 2207, which was occupied purportedly by seven other males who we have not identified up to this time."

Sa ibang reports, sinasabing 11 ang lalaking nasa party o may kinalaman sa pagkamatay ni Christine.

CHRISTINE DACERA "NOT A LOOSE WOMAN"

Sa kabilang banda, samu't saring kuwento ang lumalabas sa social media patungkol sa pagkamatay ni Christine.

Hindi rin maiwasang mahusgahan si Christine dahil sa pagsama niya sa party na panay mga lalaki ang naroon.

Napaiyak naman ang ina ni Christine na si Sharon ukol sa isyu.

Emosyonal na sabi ni Sharon, "Whatever they are telling that my daughter is bad, they can make their own stories. Okay.

"But eto lang tanong ko, anong karapatan niyo para babuyin at patayin ang walang kalaban-laban na babae na nag-iisa? Anong karapatan niyo?"

Singit ng legal counsel na si Atty. Paulo Julia, "What she is trying to say is that hindi nadya-justify yung nangyari kay Christine nung naglabas ng video against her daughter."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Reyes, spokesperson ng pamilya Dacer: "There are stories going on... that Christine was a loose person.

"In other words, that she was having relationships with different men, she was a drunkard... That is the story that is circulating.

"I wish to refute this at this point in time."

GAYS INVOLVED IN THE CASE?

Diretsahan ding hiningan ng reaksiyon ang kampo ni Christine tungkol sa usap-usapang karamihan sa mga kalalakihang pinangalanang respondents sa reklamong rape at homicide ay kilalang gays ang sexual orientation.

May isa raw respondent ng reklamong rape at homicide na imposibleng halayin daw niya si Christine dahil siya ay "bakla."

Paliwanag ni Atty. Julia, "Again, that's evidenciary by nature. Iyang mga bagay na iyan, hindi pwedeng sabihin na, 'Bakla kami, walang ganyan.'"

Kailangan daw harapin ng mga respondent ang reklamo laban sa kanila.

Iginiit din ni Atty. Jose Leda III na hindi dapat gawing isyu laban sa lesbian, gay, bisexual, transgender community ang nangyaring pagkamatay ni Christine Dacera.

Continue reading below ↓

"The primary issue is rape. The deeper issue is the victim-blaming culture associated with rape.

"Dahil sexy ka, kasalanan mo. Dahil umiinom ka, kasalanan mo. Dahil nag-party ka, kasalanan mo.

"Sinisisi sa babae pag may nangyayari sa kanya..."

Wala raw excuse sa pang-aabuso sa isang babae.

Diin ni Atty. Leda III: "Don't ever blame a girl na pagkagising niya binaboy siya. Don't ever blame a girl na pag nagising siya, wala na siyang damit. Don't ever blame a girl pag namatay siya."

CONSENSUAL SEX?

Usap-usapan din ang pagkakaugnay kay Christine sa isang foreigner isang araw bago ang trahedya.

May mga lumalabas na haka-hakang baka "consensual sex" umano ang nangyari kay Christine.

Balik-sagot ni Atty. Leda III, "Kung consensual iyan, bakit wala si Christine para sagutin ang mga tanong na iyan?"

ALLEGED INVOLVEMENT OF HOTEL STAFF member

Inihayag naman ng Dacera family spokesperson na si Reyes na kasama sa pinangalanang respondent ang isang hotel staff member na kasama sa party sa Room 2209 ng City Garden Hotel Makati.

Continue reading below ↓

Sabi ni Reyes: "I think there was a plan. That's why the duty manager of the hotel was included because he is also a good friend of one of the respondents.

"And we believe that he arranged for the use of these rooms because he was on duty at the time of the incident.

"He admitted and [it was] confirmed by the CCTV that he was inside Room 2209 from one o'clock in the morning to six o'clock in the morning of January 1st."

Sa huli, iginiit ng kampo ni Christine na nais nilang hintayin ang resulta ng independent autopsy report na ni-request nila.

Bagamat marami pang "loose ends" sa insidente, kumpiyansa ang kampo ni Christine na makikitaan ng "probable cause" para sa rape at homicide ang pagkamatay ng dalaga.

Umapela rin ang ina ni Christine na sana ay sumuko ang iba pang respondents sa trahedyang sinapit ng dalaga.

Ani Sharon: "Kung inosente kayo, lumabas kayo. Kung gusto niyo patunayan na wala kayong kasalanan, lumabas kayo."

Continue reading below ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay tatlo pa lamang ang nadakip at naditena ng pulisya para sa inquest proceedings.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanindigan ang kampo ni Christine Dacera na hinalay ang dalaga at posibleng may foul play umano sa pagkamatay nito noong January 1, 2021. Abot sa 16 na lalaki ang sinasabing may kinalaman sa rape-homicide complaint.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results