Catriona Gray, Sam Milby together all throughout Christmas season?

by Bernie V. Franco
Jan 5, 2021
Catriona Gray Sam Milby Christmas
Sam Milby's personal assistant posts a pic of the actor and Miss Universe 2018 Catriona Gray being cozy with each other, suggesting that the lovebirds were together during the Holiday Season. (Right photo) Cartriona's post showing the shadows of a man and a woman holding hands. Netizens assume it's Sam and Catriona.
PHOTO/S: @catriona_gray and @nenepidorlimosnero on Instagram

Magkasamang ipinagdiwang ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at ng actor-singer na si Sam Milby ang Bagong Taon sa U.S.

Base ito sa larawang ipinost sa social media ng personal assistant (P.A.) ni Sam na si Nene Limosnero.

Dito ay makikitang nag-video call sina Sam at ang kanyang P.A.

Sa screenshot ng video call, kumportable sa pagkakaupo si Sam at nakahiga sa kanyang dibdib si Catriona.

Simpleng “happy new year” ang caption ni Nene sa larawan ng magkasintahan na ipinost niya.

Continue reading below ↓

CATRIONA AND SAM TOGETHER DURING THE HOLIDAYS?

Bago pa man mag-Pasko ay may mga post sina Catriona at Sam na nagpapahiwatig na nasa ibang bansa sila.

Bagamat walang post ang dalawa na magkasama sila.

Noong Pasko ay bumati si Sam via Instagram. Ang check-in ng kanyang post ay Tipp City, Ohio, ang hometown ng Kapamilya star.

Sa Ohio rin nakabase ang mga magulang ni Sam.

Ipinost ni Sam ang larawan ng Christmas tree.

Caption niya: “Home is where the heart is. I dont update here often, but I wanted to wish woever is reading this a happy and safe holiday season & Merry Christmas.”

May mga post naman si Catriona noong Pasko at Bagong Taon.

Noong Pasko, mapapansing magkapareho ang Christmas tree sa post ni Catriona at ang Christmas tree sa post ni Sam.

Continue reading below ↓

Sa caption ay sinabi ni Catriona na hindi niya nakasama noong Pasko ang kanyang mga magulang.

Australian ang ama ni Catriona habang Pilipina ang kanyang ina.

Ang mga magulang ni Catriona ay nakabase sa Australia, kung saan din siya lumaki.

Caption ng beauty queen: “For now, this is how we spend time together as a family.

“This isn't my first time away from my parents for Christmas, but after a year of cancelled trips and visits to see them, the feeling of being away from them hits different today.

“I miss you so much mama @mitagray and Papa. Can't wait to finally be together again”

Sinagot pa nga ni Catriona ang isang netizen na sinita siya kung bakit hindi ito lumipad para mapuntahan ang mga magulang.

Paliwanag ng former Miss Universe: “due to travel restrictions and quarantine regulations I wasn’t able to go home to see them.”

Continue reading below ↓

Bukod sa post ng P.A. ni Sam, matipid ang magkasintahan sa kanilang post ngayong Kapaskuhan.

Hindi sila nag-post nang magkasama, pero may mga pahapyaw si Catriona na magkasama sila ni Sam.

Sa video na ipinost niya noong Pasko ay makikita ang pakikipag-holding hands niya sa isang lalaking tanging kamay lang ang nakikita.

Noong New Year naman ay ipinost niya ang larawan na nasa labas at napapaligiran ng mga halaman at puno.

Kasama sa post niya ang anino ng dalawang tao—isang babae at isang lalakina magka-holding hands.

Continue reading below ↓

Caption ng beauty queen: “new year’s resolution: take time. Enjoy the simple things.”

Bumati naman ang netizens at sinabing ang magka-holding hands ay sina Sam at Catriona.

Inamin ni Sam ang relasyon nila ni Catriona noong May 2020, at ito ang kanilang kauna-unahang Bagong Taon bilang magkasintahan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Milby's personal assistant posts a pic of the actor and Miss Universe 2018 Catriona Gray being cozy with each other, suggesting that the lovebirds were together during the Holiday Season. (Right photo) Cartriona's post showing the shadows of a man and a woman holding hands. Netizens assume it's Sam and Catriona.
PHOTO/S: @catriona_gray and @nenepidorlimosnero on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results