MMDA Chairman Danny Lim, 65, dies after contracting COVID-19

by Jet Hitosis
Jan 6, 2021
Danny Lim dies of COVID-19
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim died on the morning of January 6, 2021, days after he tested positive for COVID-19 on December 29, 2020.
PHOTO/S: General Danny Lim on Facebook

Sumakabilang-buhay si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ngayong Miyerkules ng umaga, January 6, ilang araw matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Ngayong umaga, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Lim “died before 8AM this morning at the age of 65.”

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya at mga katrabaho ng MMDA Chairman.

Ayon kay Roque, nagsilbi si Lim sa Duterte administration “with professionalism, competence and integrity.”

December 29 nang ianunsiyo mismo ni Lim sa isang Facebook post na nagpositibo siya sa COVID-19 “sa kabila ng palaging pag-iingat at pagsunod nang maigi sa mga health protocols sa lahat ng pagkakataon.”

Sinabi noon ng MMDA Chairman na “mild symptoms” lang ang kanyang nararamdaman, at ipagpapatuloy niya ang ginagawang self-isolation.

THE PUBLIC SERVANT

Retiradong brigadier general, si Danny Lim ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang MMDA Chairman noong 2017.

Bago nagsilbi sa Duterte administration, si Lim ay naging deputy commissioner ng Bureau of Customs (BOC) sa termino ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III.

Continue reading below ↓

Taong 2013 nang nag-resign si Lim sa BOC dahil sa "powerful forces" na pumipigil daw sa pagsuweto niya sa umano'y kurapsiyon sa kawanihan.

Kumandidato siyang senador noong 2010, ngunit bigo siyang mahalal.

Nang mga panahong iyon, kalalaya lang ni Lim matapos makulong noong 2006 dahil sa pagkakasangkot sa kudeta ng mga opisyal ng militar laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Matapos ang apat na taon sa piitan, pinagkalooban ni Aquino si Lim ng amnesty, kaya nakalaya ang huli.

Ito ay kahit pa kabilang din si Lim sa mga naglunsad ng kudeta laban sa ina ni Aquino, si dating Pangulong Corazon Aquino, noong 1989.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim died on the morning of January 6, 2021, days after he tested positive for COVID-19 on December 29, 2020.
PHOTO/S: General Danny Lim on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results