Markus Paterson explains why he and Janella Salvador hid pregnancy, baby news

by James Patrick Anarcon
Jan 6, 2021
Markus Paterson on why it took a while before going public with Janella Salvador and their baby: "Sobrang natakot kami noong una dahil we knew that the world is very harsh and right now isn't the very best environment."
PHOTO/S: M & J & J on YouTube / @starmagicphils on Instagram

Sinadya raw nina Janella Salvador at Markus Paterson na pansamantala munang hindi ipaalam sa publiko ang pagkakaroon nila ng anak.

September 18, 2020 nang iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmadong buntis si Janella sa anak nila ni Markus.

Kahapon, January 5, 2021, sa kauna-unahang pagkakataon ay inilantad nina Janella at Markus sa publiko ang kanilang anak sa pamamagitan ng isang vlog.

Sa video, sinabing October 20, 2020 nang isilang ni Janella ang anak nilang nagngangalang Jude Trevor Paterson.

Sa interview ni Markus sa online show na We Rise Together ngayong Miyerkules, January 6, 2021, ipinaliwanag niya kung bakit hindi muna nila inilantad ni Janella sa publiko si Jude.

Sabi niya, “Alam naman namin na one day, we are going to release him to the world, na sobrang natakot kami noong una dahil we knew that the world is very harsh and right now isn't the very best environment.

Continue reading below ↓

“Well, now it is, kaya nga inilabas namin. Pero noong una, talagang we wanted to shield him from everything and keep everything as quiet as possible.”

Nagpasalamat din si Markus sa close friends at mga kapamilya nila ni Janella sa hindi paglantad ng kanilang lihim sa publiko hangga’t hindi sila handang ilabas ito.

"Una sa lahat, shout out sa lahat ng close friends and family namin that kept the secret with us, that helped us throughout the journey.

"Pero ayun, he is out, he is happy, he is growing, he's fat, and we are happy, and everything is beautiful.”

FINALLY DECIDING TO SHARE BABY JUDE

At kahapon nga, January 5, ipinakita na nina Markus at Janella sa unang pagkakataon ang kanilang anak.

Ayon kay Markus, magandang simula ito ng taon para sa kanila ni Janella.

Sabi niya, "I know it's such a beautiful way to start the year for me and for everybody else, and we thought na 2021, fresh page na, parang let's just leave everything out there.”

Continue reading below ↓

Ang co-manager daw ni Markus na si Allan Altera ang unang nakaalam ng pagbubuntis ni Janella, hanggang sa unti-unti na nilang sinabi sa kanilang close friends ang magandang balita.

"Slowly and slowly, we kind of edge our way to tell our closer friends in the industry.

“Basta super small circle noong una, super small circle lang.

“Until now, hindi ko talaga maano na, finally, it's such a huge weight off our shoulders na parang, my goodness!”

Ilan sa mga napanood na kapamilya at kaibigan nina Janella at Markus sa kanilang video ay sina Maja Salvador, Erich Gonzales, Kyle Echarri, at ang mga magulang ni Janella na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

FIRST TIME SEEING HIS SON

Ayon kay Markus, hindi niya maipaliwanag ang naramdaman nang unang beses nitong makita ang anak.

Kuwento niya, "The moment na I saw him, parang a whole wave just kind of took over my body na parang lahat ng priorities ko, nawala, it went out of the window, like, everything is now for him, forever will be for this little man that I'm holding in my arms.

Continue reading below ↓

“Hindi ako naiyak, hindi ako natawa, parang nakatulala lang ako, nakatitig sa kanya for hours.

“Until now, his smiles are the most beautiful thing in the world. Lahat ng hirap, lahat ng early-morning wake up, sobrang worth it kapag nakita ko ang mukha niya.

“It's all about him na. It's crazy.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Markus sa magagandang reaksiyon at suportang natanggap nila ni Janella nang ilantad nila ang kanilang anak.

Mensahe niya sa kanilang supporters: "Thank you to everyone who watched the video and joined our journey.

“Thank you for getting to know Jude, thank you for loving him. Also, thank you for the understanding.”

Sa katunayan, hindi nga raw ine-expect nina Markus at Janella ang magagandang reaksiyong matatanggap nila mula sa publiko.

Pagpapatuloy ni Markus, “Grabe, hindi talaga namin in-expect iyong reaction na iyon, but I guess it really was the perfect time na matagal na ring nakaplano.

Continue reading below ↓

“We're just happy na maganda iyong video, maganda iyong introduction. I can't wait for Jude to watch it and appreciate it because I know he will, hopefully sana.

“Baka magalit sa akin iyan, baka sabihin ang corny ko. But of course, sa lahat ng nanood at sumuporta sa kanya, sa amin, thank you lang ulit.”

STAR MAGIC SUPPORTS JANELLA AND MARKUS

Samantala, ngayong hapon, January 6, nagpahayag ng suporta ang Star Magic sa bagong yugto sa buhay nina Janella at Markus.

Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN, kung saan bahagi sina Janella at Markus.

Saad ng Star Magic sa kanilang Instagram post: "Star Magic expresses its full support and guidance to Janella and Markus as they embark on a new chapter in their lives.

"We hope that you will continue to give the same encouragement and appreciation that you have given them as artists. This new blessing will certainly contribute to the enrichment and depth of their artistry.

Continue reading below ↓

"Congratulations once again, Janella and Markus, on your bundle of joy!"

Sa unang report ng PEP.ph noong September 18, 2020, napag-alaman mula sa isang source na Oktubre ang expected delivery date ni Janella.

Usap-usapan na noon ang paglipad ni Janella patungong Wiltshire, England, ang hometown ng British father ni Markus.

Anim na araw bago iyon, o noong September 12, 2020, kakaamin pa lang nina Janella at Markus na sila ay magkasintahan.

Noong panahong iyon, isang taon at walong buwan na ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson on why it took a while before going public with Janella Salvador and their baby: "Sobrang natakot kami noong una dahil we knew that the world is very harsh and right now isn't the very best environment."
PHOTO/S: M & J & J on YouTube / @starmagicphils on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results